Prologue

4 0 0
                                    


Naranasan mo na bang mainlove? Lokohin? Maging Option? Taken for granted? Teka parang iisa lang kalalabasan nito ah.

masakit maranasan lahat ng ito pero dito ka kumukuha ng lakas para sumubok umibig o magmahal ulit.
Ito yung mga baon mong aral dala ng mga nakaraan mong kabiguan o pwede din nating sabihin ito din yung mga nangyare sayo noong tanga ka pa at wala ka pang gaanong karanasan sa pagibig.

Bakit nga ba natin nararanasan ito? Dahil ba sa tanga tayo? Dahil ba madali tayong maloko? Dahil ba naniwala tayo sa mga pangako nilang di nila tayo sasaktan? O dahil ba nagmahal lang talaga tayo ng sobra? Kaya kahit alam nating niloloko na tayo ay ok lang sa atin wag lang silang mawala?

Ano ba ang dahilan natin bakit di natin maiwan ang isang taong mahal natin kahit harap harapan na tayong niloloko? Dahil di na tayo makakahanap ng mas better kasi kuntento ka na saknya? Dahil ba mahal na mahal natin ng sobra pati iniingat ingat mo na ibigay mo na pati ang puso't kaluluwa ibibigay mo na sakanya? Dahil ba siya ang lahat ng first time mo kaya ayaw mo siyang mawala?
Dahil ba mahirap siyang kalimutan? O baka naman tanga lang talaga tayo kaya kahit anong kalokohan niya tanggap pa din natin siya.

Diba? Ang hirap magmahal lalo na kung sa mali ka pa napunta? Yung tipong dalawang taong gusto mo na gusto ka din kaso isa lang ang kailangan mong piliin at ang napili mo pa ay yung mali.

Hayyy ang hirap talaga magdesisyon pagLove na yung pinaguusapan.
Yung tipong kailangan mong isakripisyo ang mga bagay na nakasanayan mo na para lang sakanya

Ako nga pala si Jessie Jess
Hayaan niyong ikwento ko sainyo ang mga naranasan ko tungkol sa mga panloloko at katangahang mga desisyon ko sa buhay pagibig.

Love StruggleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon