Chapter 4 - summer break or not

2 0 0
                                    


Patapos na ang school year namin kaya sinusulit naming magkakaklase yung mga araw na magkakasama kami
Lalo na kami nila reden, rochelle, jelyn, lugtu
Kaming lima lagi ang magkakasama pag uwian na lagi kaming nakila lugtu para magbonding foodtrip kwentuhan at kung ano ano pa
Pero pagkami lang ni rochelle lagi lang kaming nasa bahay nila. Naghaharutan nagaasaran naglalambing at nagbabonding kasama mami At ate niya kasama yung bg niya

May naging kuya kuyahan ako dahil kay rochelle yung bf ni ate angie at yung tropa nung bf niya. Si kuya jhon paul at mike.

"Sabihin mo lang pag may gustong bumanat sayo dito ahh sumbong ko lang samin kami bahala"
Sabi sakin ni kuya jhonpaul sakin bf ni ate angie
Binatukan tuloy siya ni ate angie kaya nagtawanan kami
"Anong sabi mo?" Tanong ni ate angie
"Wala po boss" suko agad ee
"Good" tawa kami ng tawa sa asaran nung dalawa

Dumating yung araw ng closing party syempre kanya kanya kami ng pakulo para maging memorable yung party namin
Meron sumayaw kumanta at puro kalokohan
Natapos ang araw namin na puro saya lang ang nararamdaman diretso ako sa bahay nila rochelle
Plano ko sanang dun ako matulog para naman masulit ko ang araw na kasama ko siya

Nung una plano ko talagang magpagabi ng uwi
Tapos nagpaalam ako kay mami if ok lang ba kung dun ako sakanila matulog
Nakitawag na din ako sakanya at magpapaalam ako kila mama baka kung saan saan ako hanapin nun ee

Sa huli pumayag din sila na dun ako matulog
Nasa second floor kami nagkukwentuhan kaming apat
Ako si cheche si ate angeline at si kuya paul
Nakayakap lang ako kay cheche mula sa likod niya at nakasandal ulo ko sa likod niya
Bali yung kamay ko nasa tyan niya ganun ayy basta nakayakap ako

Maya maya di ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang pagod pero nagising din ako nun nung gumalaw yung likod niya
Shet paggising ko tulo na pala laway ko buti na lang napunasan ko agad kundi nakakahiya hahahah

"Dhie? Inaantok ka na ba?"
"Ok lang ako mhie hayaan mo lang akong ganto"
Nakayakap pa din ako sakanya hanggang sa tinawag na sila na bumaba na para matulog
Kami ni kuya paul sa taas matutulog silang mga babae sa baba.
Nakahiga na ako ng biglang bumalik si rochelle sa taas
"Dhie? Goodnight po iloveyou :*" sabay kiss sakin sa lips
Syempre inaantok na ako kaya di ko na naramdaman yung first kiss ko
"Goodnight din iloveyoutoo sleepwell mhie"
At nakatulog na nga ako

Ilang araw ang nakalipas di na ako nakakapunta kila rochelle kasi busy sa pagasikaso ng mga papeles sa school daming kailangan tapusin para makaenroll ulit sa next school year. Lagi kong kasama si kuya jhon paul na kumukuha din ng mga papeles sa school kaya lagi kaming magkasama

Nagulat ako ng wala ng tao sa bahay nila rochelle
Sinabi na lang sakin ni kuya Jp na lumipat na daw sila. Di daw kasi kayang sabihin sakin ni rochelle ang tungkol dito
"Pre? Umalis na sila kahapon lang di na nakapagpaalam kasi naiilang si cheche kung paano niya sasabihin yun sayo"
Di ko alam kung paano ako magrereact sa mga nangyayare
Iniwanan na lang niya ako bigla
Para akong pinagdabugan ng pinto harap harapan. Ang sakit lang. Nangako pa kami sa isat isa na walang sikreto sa isat isa at walang iwanan pero ganto ang ginagawa niya sakin

Nanlumo ako sa nangyare pero isang araw nagkatext kami
"Dhie sorry kung di ko nasabi sayo. Natatakot lang kasi ko baka makipagbreak na sakin dhie sorry talaga mahal na mahal kita :("
Sorry lagi na lang ba? Hayss
"Bakit di mo man lang sinabi sakin? Wala ka bang tiwala sakin ee di sana di ako nagmukhang tanga."

Pero sa huli nagpatuloy pa din yung relasyon namin kahit LDR kami nasa bagong barrio siya
Nagpalit na din siya ng religion niya. One time pinipilit niya akong pumunta Sakanila pero nireject ko yun kasi di ako pinayagan ni papa na pumunta dun delikado daw kasi at kaya ayaw ko din kasi takot akong magcommute magisa.

Hanggang sa nawala na yung communication namin wala kaming breakup at closure
Kaya ewan ko ba mahal ko pa din naman siya pero parang hindi na tulad ng dati
Kaya parang mas pinili ko na lang maging tanga sa lahat ng bagay at nagtry ako ng ibang mga bagay na bawal at mali.

-to be continue

Love StruggleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon