Chapter 2 - start (option)

4 0 0
                                    


December 8, 20-- naging official couple kami ni rochelle
Ang daming nagulat at nagtaka lahat ng mga manliligaw niya gusto akong banatan at bugbugin dahil naging kami ni rochelle. Ang babaw ng mga taong yun mga kupal.

Ako ba ang nanligaw ka rochelle? Tskk kapikon tong mga to.
Dumating yung Araw ng christmas party namin. Nalaman ng adviser namin na mag-on kami ni rochelle kaya tinititigan ako ng adviser namin. Siguro inaanalyze niya kung ano ba nagustuhan sakin ni rochelle. Hanggang sa may sumigaw na
"sir! Magaling kumanta yan si rochelle!"
Oo maganda boses ni rochelle kaya nga kinukuha pa ng teacher namin sa MAPEH yan ee para magchoir.
"Sige nga sample nga jan rochelle" sabi ng adviser namin
Kinuha ni rochelle yung mike at nagplay yung kakantahin niya

"Yun oh! Wiitweeew!"
"Go rochelle!"
"Ayiiiee kinikilig si jessie"

Ako naman si g*go namumula ewan ko ba. Magdamag kaming magkatitigan ni rochelle habang kumakanta siya. Mula simula hanggang sa matapos yung kanta nakatitig lang siya sakin.
Ako habang nakatitig sakanya tinitignan ko din mga classmate kong siraulo puro kantyawan maririnig mo habang kumakanta siya

Nang matapos ay bumalik na siya sa pwesto niya. Di kami magkatabi nahiya ako ee kasi nalaman na ng buong klase

Natapos ang masayang party namin. Sabay kami umuwi pero di ko siya hinahatid sa bahay nila. Madami kasing gustong bumogbog sakin sa loob ng subdivision nila kaya di pa ako ready

February na nung nalaman ko yung totoo niyang dahilan lung bakit niya ako pinili.
Nalaman ko na kaya lang naman niya ako napili para maging bf kasi para pagselosin yung ex niya. Diba ang sakit? Malalaman mo na ganun lang yung dahilan niya kaya ka niya minahal.

Pinakinggan ko siya magexplain lahat sinabi niya sakin nun.

"Yun lahat ng totoo jess pero maniwala ka sakin napamahal na ako sayo. Wala na akong nararamdaman pa dun sa ex ko ikaw na yung mahal ko, simula nung naging tayo di mo ako pinabayaan. Kada may practice ako sa choir kahit napakatagal ng practice namin nagtatyaga kang antayin ako. Hinahatid sundo mo ako. Lagi kang nanjan para saakin
Pag tuwing nagpapataasan tayo ng score sa mga exam.quizzes at assignment natin kahit ikaw laging na nanalo ikaw pa din yung nanlilibre at naglalambing sa akin. Ang bilis kong nakalimutan yung ex ko ng dahil sa mga ginagawa mo sakin. Kaya sana maniwala ka sakin mahal na mahal kita :* :( maniwala ka naman oh"

Di ko alam kung maniniwala ba ako sa mga sinabi niya pagtapos niyang magsinungaling. Di ko siya nireplyan nagisip muna ako

Kinabukasan
Di ko siya pinansin di ko pa din lubos maisip na magagawa niya sakin yun.
Buong klase nakatutok lang ako sa pagaaral at di ko siya tinitignan. Kahit nung break time bigla na lang din akong lumabas kakain ako magisa.

Jaynesis POV
Hi jaynesis lopez here. Bespren ni kupal na si jessie.

Nagulat ako ng biglang lumabas si jessie mas nauna pa sa teacher namin. Mukhang badtrip si kupal ahh.

"Chelle? Anyare dun?"
Sigaw ko sa pwesto ni chelle
Tinitigan muna ako bago siya lumabas. Mukhang may problema yung dalawa ahh
Hinabol ko si chelle at sinabayan sa paglalakad

"Ano ba kasi talagang nangyare hah? At nagkaganun yung tropa ko?" Dapat kasi ako na lang minahal mo ee sa isip isip ko
"Inamin ko na kasi sakanya kung bakit ko siya binoyfriend ee Ayun kaya nagkakaganyan siya." Malungkot niyang sabi
"Ganun ba? So ano gagawin ko ngayon? Di mo mahahanap si jessie malamang di din siya papasok sa susunod na subject baka last subject na yun bumalik" totoo naman kasing ang hirap hanapin nung kupal na yun ee
"Tulungan mo ako jaynesis :( mahal ko naman na talaga siya ee ayaw ko lang na may tinatago akong sikreto sakanya kaya ko inamin yun" kung ako yan mas iintindihin kita di kita hahayaang magisa.  Hayy buhay nga naman
"Sige sige kakausapin ko mamaya."
Nung malapit na kami sa canteen nakita namin si jessie na may kausap na babae at nagtatawanan pa sila. Tinignan ko si chelle parang paiyak na nung nakita niya yun. Kaya inakay ko siya paalis dun sa pwesto namin kung saan kitang kita niya si jessie na may kakwentuhang ibang babae. Pero kilala ko yung babaeng yun kaservice slash ex niya yun. Pero alam kong kilala ni chelle yun.

Pagtapos ng breaktime di nga pumasok si jessie di siya nagpakita sa cover court P.E kasi namin ngayon ee kaya ayun absent ang nilagay ng teacher namin kahit na cutting dapat. Mababait mga kaklase namin ee kahit na may nagsigawan na
"Sir! Si jessie nagcutting po!"
"Oo nga sir nanchichicks" sabay tawanan buong klase
Pero di naniwala teacher namin mataas kasi grade ni jessie kay sir ee kaya ayaw niyang maniwala
Nung last subject namin dun na pumasok si jessie
"Pre anyare sayo?"
Di ako pinansin
"Oy pre?"
"Hah? Ahh wala pre ayos lang ako" sabay labas ng notebook para magsulat ng notes
"Kausapin ka daw ni chelle importante daw."
"Sige lang pre"
Kaya tumingin ako kay chelle sabay tango. Ibig sabihin sige daw usap kayo.

Uwian na at nagpahuli talaga si jessie lumabas

"Oy pre ? Una na ako ahh ingat kayo sa paguwi" di ko alam kung bakit tinutulungan ko pa sila na magkabalikan hayss.
Nauna na ako lumabas at umuwi na.

-to be continue

Love StruggleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon