Chapter 8 - Timer

2 0 0
                                    



Ito yung part na kami ni deme at kasabay nun ay naging kami nung nalilink saking babae na si anne.

Naging timer ako oo. pero pinakawalan ko din yung isa di ko kasi kaya na dalawa ang mahal ko. Nagkamali ako oo pero wala ee ganun diba pagnatutukso?

Nagstart yung love story namin ni anne nung bakasyon at dahil magkamember kami sa clan. Na ginawa ng mga tropa kong tambay.
Nung una akala ko bf niya yung isa namin kaclan pero manliligaw niya lang pala yun.
So nagstart sa pagiging friends nakasama tumambay magdamag at nakainuman.
Yes nagiinum na ako kahit magti-3rd year palang ako. Maaga akong namulat sa bisyo pwera lang sa yosi. College na ako nagbisyo nun pero sa ngayon ito na muna dadating din tayo dun. Kalma lang hahaha.
So ito na nga tinulak kami ng mga tropa ko sa isat isa kaya parang sa una landian lang nangyayare samin. Magkatext kami nun nagiisip ako ng callsign namin kaso di ako makaisip hanggang sa pinapunta na lang ako sakanila kasi andun din naman ang tropa nakatambay. Kaya habang nakatambay kami nagiisip talaga ako ng callsign namin. Kaasar wala talaga akong maisip.
"Je? Anyare sayo? Bat ang tahimik mo?" Takang tanong ni james
"Wala may iniisip lang" sagot ko naman
"Wag mong isipin yun mahal ka nun" biro naman ni archi
"Hhahaha alam ko"
Sabay tingin kay anne sabay kindat
"Ayyiieee kayo ahh ano na ba status niyo?" Tanong ni michelle
"Wala pa di pa naman siya nangliligaw ee" si anne na yung sumagot
"Oh? Ligawan mo na kasi je mukhang may pagasa ka naman kay anne ee diba anne?" Asar sakin michelle
"Balak ko naman ee kalma lang" at kinilig na sila
"Je? Tawag ka sainyo! Bilisan mo daw!" Sigaw sakin ng isa kong tropa
"Alis muna ako balik na lang ako :)"
"Sige :)"
Pero bago ako tumayo at tatakbo na sana ako kaso may naisip na akong cs namin
"babylove ang ca natin ahh. Bye babylove  :*" kinilig na naman yung mga kasama ko
"Ahh sige po babylove ko :)"
Nice nagustuhan niya

Umuwe ako ng bahay tinanong kung ano bang meron. Yun pala kakain na ng hapunan.
"Kakain na wala kang balak kumain?" Sabi ni mama
"Opo kakain na"
Kumain na kami ng hapunan
Pagtapos kumain naghugas na akong pinagkainan namin at balik sa tambayan.

Kumpleto ang tambay yung iba gangster kuno at yung iba dancer kuno.habang nakatambay kami nagfoodfrip kami ng mga chichirya ar softdrinks. Ganun lang kami magdamag. Hanggang sa naisipan kong magpaturo kung paano tumambling at iba pa.

"Hahawakan kita tas ikaw ba bahala tumalon. Susuportahan lang kita para di ka mapano."

Sabi sakin ni Ian.
"Oh sige pre. Alalayan mo ko ah."
Natapos yung pagtuturo sakin na wala akong naachieve.
Nyemas natatakot kasi hahaha baka mabagok ako.
Nakatambay pa din kami syempre kasama babylove kong si anne.
Magdamag ko lang siyang tinititigan. Habang ang iba nagkukwentuhan at nagtatawanan.

Natapos kaming tumambay hanggang alas tres ng madaling araw. Napasarap yung pagtambay e. Buti na lang kahit malockan ako nakakapasok pa din ako hehehe.

Kinabukasan magdamag lang kaming magkasama ni anne.
Andito kami sa bahay at nagkukulitan. Legal na din naman kami ee kaya ayos lang.
Nagkukwentuhan lang kami about sa school at tungkol saming dalawa.
"Babylove alam mo bang kalat na sa school na tayo na?"
Sabi ko sakanya
"Syempre alam ko po. Ako may pakana nun e"
"Hala? Di nga? Lagi nga akong tinatanong ng mga teacher ko kung totoo daw bang Gf kita e"
Kwento ko sakanya. Totoo naman kasi kada may papasok na teacher sa room. Yung agad ang panimula nila. Magtatanong kung totoo bang may gf na ako
"Hehehe teacher mo kasi teacher ko din. Kaya ganun"
Sabi niya sakin
"Hahaha oo nga naman. Tapos yung ibang student na makakasalubong ko inaasar ako tungkol sayo"

"Hayaan mo yung mga siraulo yung mga yun ee"

Di ko namalayan nakatulog na pala kaming dalawa.

Kinabukasan magdamag lang kaming magkasama. Quality time. Siya lang ang babaeng naiuuwi ko dito sa bahay at nakakasama ng napakatagal. Ewan ko ba parang kulang sakin ang isang araw para makasama siya. Kahit na lagi
Naman kaming nagkikita sa school. Magkasama sa iisang service. At laging magkatabi sa kama. Diba? Lahat ginawa ko para magtagal tong relasyon namin.
Tulad ng di ako tumitingin sa iba para walang pagselosan tong Gf ko. Wala akong pinapatulan na mga babae na may gusto DAW sakin. Hangang sa isang araw nagtanong siya about dun sa bespren ko daw na babae.

"Babylove? Sino yung babaeng yun?" Tanong niya sakin
"Si aimee yun babylove. Bago ko lang nakilala pero naging bespren ko agad."
Actually bagong kilala ko lang din yun dahil nga nagBirthday yung tropa kong si reymart. Si reymart lang din ang tinatawag kong kapatid pagnagkakasama kami.
"Aahhh bespren." Sabi niya na para bang may pinapahiwatig.
"Wag kang magalala di naman ako papatol dun tsaka sila ni reymart ang nagkakatuksuhan" assure ko sakanya.
"May tiwala naman ako sayo re di naman tayo magtatagal ng ganto kung wala diba?" Sabi niya sakin sabay kiss sa pisngi.
"Good. May tiwala din ako sayo" umabot ng 1year and 5months relasyon namin ni annie. Tagal diba?

Ganyan namin kamahal ang isat isa. Pero may mga bagay talaga na pilit aagawin at ilalayo sayo. Mga bagay na dapat napaghahandaan na dahil mararanasan mo ang sakit na di mo kayang tanggapin ng ganun ganun na lang.

-to be continue

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love StruggleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon