Chapter 6 - taken for granted

1 0 0
                                    

Di ko na masyadong binigyan ng pansin yung pagtingin ko kay demezhara pero shet di ko maiwasang hindi siya tignan
Para akong naistar struck sakanya.

"Hi jess :)" bati niya sakin
Syempre nagulat ako pero di ko pinahalata. Nginitian ko muna bago ko siya binati
"Hello dem ;)"
Ganda ganda niya talaga
Eh di nagpapansin na naman sakanya yung manliligaw niya
"Hi deme ko"
Damn deme ko daw hays
"Hello" plain ng pagbati meaning ayaw niya dun kay macote.
May number na ako ni deme kaso di ko pa tinetext tsaka na lang. Alam na din naman niya number ko e.
Nagstart na yung klase namin
Puro sulat lang naman haba haba nakakatamad -.-
So nasa kabilang board na ako eh di lumipat ako ng pwesto.
Sakto walang nakaupo. Napansin kong uupo din si macote dun kaya binilisan ko at bigla na akong umupo dun nagulat pa nga si deme ee
"Sorry hehehe nagmamadali na kasi akong magsulat ee." Sabi ko kay deme sabay ngiti
"Ok lang jess wala yun :)"
Shet that smile <3 kinikilig ako
"Tae naman jess jan na lang ako lumipat ka na lang" sabi ni macote
"Nagsusulat ako pre wag kang istorbo mangungulit ka lang kay deme ee ge na dun ka na"
Sabi ko ng di siya nililingon kasi nagsusulat ako ee tutok ako sa board
"Salamat jess :) buti na lang pinaalis mo yun. Ang kulit kulit na kasi nun ee puro naman porma" sabi ni deme na nagsusulat din
Wala kaming lingunan naguusap nagsusulat kami ee parehas ee
"Una na ako tapos na ako magsulat dito ee" paalam ko sakanya
"Wait lang patapos na din ako sabay ba tayo" sabi naman niya. Inantay ko siya matapos saglit lang din naman halos magkasunod lang kami
Lumipat na ako sa upuan ko at nagsulat katabi ko pa din siya kasi wala namanng nakaupo sa katabing pwesto ko e
Natapos ang writting story namin ni deme.
Uwian na din namin nagpaalam na ako sa mga kaklase ko.

"Bro? Lalabas ka na?"
Sabi ni jelyn. Yup magkaklase pa din kami nito ni jelyn at reden. Nagsimula yung bro and sis namin nung nawala si rochelle. Ewan ko ba basta dun  nagsimula lahat hahaha
"Oo sis punta na ako sa service bakit?"
"Sabay na tayo lumabas wait mo ko" habang hinihintay siya nakatingin lang ako sakanya.
Nakakatawa nga crush ko to dati ee hanggang pa din naman crush ko pa din to kaso sis ko na siya ee parang pangit tignan.
"Bro? Ano pa tinutunganga mo jan? Tara na" sabi niya sakin habang nakangiti
"Hahaa sorry na sis tara."
Magkasabay kaming lumabas ng school yung mga ibang studyante pinagtitinginan kami paano ba naman maganda kasi tong si jelyn payat lang.
"Sis baka magalit sakin mga manliligaw mo hahaha" biro ko sakanya
Binangga nya ako gamit ang balikat
"Wag ka nga bro naiinis na nga ako sakanila ee" sabi niya ng nakasimangot
"Bakit naman? Ayyiiiee hahaha sorry na sis. Joke lang naman ee ;)" lambing ko sakanya
"Oo na bro alam ko naman yun ee" hinatid ko na siya sa service niya
"Sige na sis pasok ka na punta na din ako sa service ko"
"Salamat bro sige ingat ka paguwe" dungaw niya sa bintana
"Opo ikaw din ge po"
Naglakad na ako paalis at pumunta na sa service ko
Dalawa pa lang kami nung ex ko sa service. Ang sama talaga nito makatingin sakin
"Oh bakit ka ganyan makatingin sakin? Nagagwapuhan ka na naman?" Biro ko sakanya
"He! Manahimik ka panget mo!" Sabi niya sakin
Wala na din naman yung awkward saming dalawa ok na kami. Kahit siya pa yung first love ko. Yup siya ang first love ko si nikki. Di ko nga alam kung paanong naging kami ee nung grade 4 naging mag on daw kami di ko alam kung paano at bakit pero umabot kami ng 2yrs and 8months
Nihindi ko nga alam yung monthsary at anniversary na yan ee di ko alam kung para saan yun ee tapos sasabihin niya nakatwo and up kami
"Ok po labas muna ako ;)" sabay kindat at takbo hahaha sadista kasi yan ee at under ako jan dati. Kahit maliit napakatapang at ang bigat ng kamay
"Oy bro! San ka punta?"
Tanong sakin ni jelyn na nasa labas ng service niya ngayon
"Wait lang sis hahahahah!"
Takbo lang ako ng takbo dahil hinahabol ako ni nikki.
Pero sa huli nagpabugbog din ako sa kanya sa loob ng service. Wag kayong green hahahah literal na binugbog talaga ako sabunot at sampal talaga inabot ko.
Lumabas ako na mukhang bugbog sarado gulo gulo ang buhok namumula ang mukha at magulo ang polo
"Oy bro? Anyare sayo? Para kang dinaanan ng bagyo ah" tinabihan ko siya kung saan siya nakatambay
"Sinasidista na naman ako ni nikki ee inaasar ko kasi ayun ito na pala ko" tinawanan lang niya ako boset
"Hahahaha ikaw kasi malakas kang mantrip ee" tawa pa din ng tawa
"He ewan ko sayo. Punta na nga ako sa service" sabay tayo
"Oy joke lang bro ehehe" sabay hila sa kamay ko pabalik sa pwesto ko
"May gagawin ka ba mamaya?" Tanong niya sakin
"Wala naman baka matulog lang bakit?"
"Wala lang :D" tumayo ba siya at nagpaalam
"Sige na punta na ako sa service aalis na ata kami bye bro ;) ingat" nagpaalam na din ako sakanya kasi binusinahan na ako ng service ko
"Sige babay sis ingat din" sabay takbo papuntang service

Pagkaupp ko palang inasar na ako ng mga kaservice ko
"Yan kasi pahuli huli pang nalalaman"
"Nanchichicks pa kasi e yan tuloy"
"Hahahaha mukha kang bugbog a! Anyare?"
Yung huling tanong lang yung pinansin ko habang nagaayos ako ng polo at buhok ko
"Binugbog na naman ako nung isa -_-" sabi ko ng di nakatingin kay nikki
"Anong sabi mo!?" Sigaw ni nikki sakin
"Wala po boss! Sabi ko nadapa ako kaya ako nagkaganito"
Katakot siya men
"Good. Kala ko may sinasabi ka ee"
Sabay tawanan mga kaservice ko. Putsa wala ka talagang palag jan sa babaeng yan

Nang makauwe na sa bahay wala ng palit palit rekta hilata agad mamaya na ako kakain at matutulog muna ako.
Pero bago ako pumikit may magtext sa number ko
-sis.jelyn
'Sleepwell bro :)'

Tinignan ko lang di na ako nagreply. Antok na ako dre

Mga bandang alas singko ng hapon ako nagising may mga text sa cp ko.
Naghilamos at nagbihis na ako para makapaghanda na din ako ng kakainin ko
Sarap ng ulam hahaha paborito kong sinigang na baboy ^_^
Ginanahab tuloy ako kumain

Maya maya biglang may nagtext na naman sa number ko. Nung chineck ko puro kay sis jelyn yung mga messages
-sis.jelyn
'Bro? Gising ka na?'
'Bro? Kain ka na paggising mo ah'
'Bro? Reply ka naman po'
'Bro? Tulog ka pa ba? Haba naman ng tulog mo -_-'

Bakit kaya? Ano kaya kailangan nito sakin.
To sis.jelyn
'Sis slr kakagising ko lang po' -message not sent

Patay wala na pala akong load. Inubos ko muna yung kinakain ko. Bahala sila magsain jan hehehe naubos ko yung kalahating kanin dun sa rice cooker.
Kinapa ko yung pantalon ko kung may pera pa. Sakto may 15 pa akong natira sa baon ko kanina.

"Tao po? Paload nga po mga 100.000 po" hahahah tagal kasing lumabas ee nakakaurat
"Pabili nga po!" Sigaw ko sa tindahan
"Ano yung bibilhin mo?" Sabi ng tindera
"Load po :D"
"Load lang pala ee magkano ba?"
"Alltext regular15 po"
Sabay type ko sa cp niya yung number ko
"Salamat po"

Pagtapos kong magregister sa TnT agad kong tinext si jelyn kung bakit niya ako tinatadtad

To sis.jelyn
'Sis bakit? Slr kakaload ko lang po'

From sis.jelyn
'Bro? Kumain ka na?'

To sis.jelyn
'Opo sis kakatapos lang. Ikaw ba?'

From sis.jelyn
'Oo kanina pa.'

To sis.jelyn
'May sasabihin ka ba sis?'

From sis.jelyn
'Aahhmm wait lang bro nahihiya ako ee'

To sis.jelyn
'Ano ba yun? Sige na sabihin mo na :)'

From sis.jelyn
'Bro pwede bang favor?'

To sis.jelyn
'Sige po ano yun sis?'

From sis.jelyn
'Ok lang ba if maging tayo?'

To sis.jelyn
'Bakit mo naman gusto na maging tayo?'

From sis.jelyn
'Wala. Gusto ko lang na maranasan magkabf. Ganun'

To sis.jelyn
'Ahhmm ewan ko lang pero sige para sayo mamahalin kita as your bf'

From sis.jelyn
'Salamat bro. I mean jess? Baby? Hahaha di ko na alam tatawag ko sayo'

To sis.jelyn
'Jess na lang para simple lang'

From sis.jelyn
'Ok po jess :*'

Pagkaraan ng isang linggo nagbreak din kami. Di pa daw siya handa kaya siya nakipaghiwalay sakin. Naging bitter kami parehas wala kaming pansinan at parang balik stranger lang. Yung tipong di na kami magkakilala. Pero after one week nagkabf siya classmate namin. Taena di ko alam kung ano ba nakita niya dun sa puro tigyawat na manyak na yun :/ di naman ako laitero dinedescribe ko lang.

Kaya ayun medyo natututo na ako tungkol sa laro ng pagibig pero gusto ko pa din subukan yung iba para sa susunod na magmahal ulit ako di na ako sobrang magpapakatanga. Time!

Love StruggleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon