Chapter 3: Saving me

5 0 0
                                    

Continuation......








Someone's POV.




"Kilala ko na ang taong hinahanap natin" tinitignan ko siya mula sa malayo.





"Siya ba?" Tanong niya. Tumingin ako sa kanya at nginitian lang siya.







"Hawak niya ba ang kailangan natin?" Tanong niya.






"Hindi pa. Pero malapit na"







Cyth's POV.



FRIDAY




Nasa grounds kaming lahat na estudyante ng school. Friday ngayon kaya puro activities lang ang ginagawa namin. Naka blue tshirt ako pati na rin si shane. Magkateam kami. Ang unang activity na gagawin ay puro mga sports. Basketball ang naglalaro. Nabobored ako sa ganto dahil di naman ako mahilig sa sports.




Nagawi ang tingin ko sa mga teachers nakita ko si Sir Azairis na bored na bored din na nanonood ng basketball. Tinitigan ko lang siya sa malayo. Nabigla ako ng tignan niya rin ako agad akong nagiwas ng tingin at nagkunwaring nanonood ng laro. Sinilip ko ulit siya nakita kong paalis na siya.





"A-ah shane may pupuntahan lang ako ah" nagmadali na akong umalis.





"Cyth teka lang san ka pupunta?!" Narinig ko pa ang sigaw ni Shane pero tumuloy tuloy lang ako sa pagalis. Nang maabutan ko siya nagpahuli ako sa kanya ng kaunti para hindi niya mahalatang nakasunod ako.







Teka? Bat ko ba siya sinusundan?




Napaisip ako sandali pero umiling lang ako at sinundan siya ulit. Tumigil siya at tila ba alam na may sumusunod sa kanya. Agad akong nagtago sa mataas na halaman sa gilid ng pinto ng faculty. Sumilip ako sa halaman nakita kong inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa kanyang bulsa at nagsimula na ulit maglakad. Nang medyo makalayo na siya ay sinundan ko na ulit siya. Patuloy lang ako sa pagsunod sa kanya nang bigla ulit siyang tumigil. Naghanap ulit ako ng matataguan. May isang mataas na halaman sa gilid ng isang poste agad akong tumakbo doon para magtago. Sumiksik ako sa halaman. Sinilip ko siya tahimik lang siya na parang nakikiramdam. Nakaramdam ako ng kati sa kamay ko hindi ko lang iyon pinansin. Pero lalo itong kumalat sa katawan ko nangati ang buo kong katawan.






"Aray!" Mahina kong bulong habang nagkakamot ng katawan ko. Sobrang kati ng buo kong katawan. Natigil ako sa pagkamot ng mapansing wala na siya sa kinatatayuan niya kanina.






"Asan na siya?!" Patuloy pa rin ako sa pagkamot ng katawan ko.







"Sinusundan mo ba ko?" Halos matanggal ang kaluluwa ko sa katawan ko ng marinig ang boses niya sa likod ko. Dahan dahan ko siyang nilingon.







"Hindi ah" ngumiti ako sa kanya at aalis na sana. Pero agad niyang hinawakan ang wrist ko at pinabalik sa harap niya.







"What do you need?" Seryoso niyang tanong sakin.







"A-ahmm..." tumingin ako sa paligid.







"Uy Basti andito ka pala! Tara manood na tayo ng game" nakita ko si Basti na naglalakad papunta sa amin. Kaya nagkunwari akong niyaya si Basti na manood ng game. Lumapit siya sa amin at bumati kay Azairis.






"Manood?" Nilapitan ko siya at sumenyas na umalis na. Nagets niya naman iyon kaagad kaya lumapit siya sa akin at inakbayan ako.






The Last GlanceWhere stories live. Discover now