Chapter 2: The Pendant

4 0 0
                                    


Continuation........














"I-ikaw?" Nauutal kong tanong sa lalaking may hawak ng hood ko. Siya yung lalaki kanina sa store. Nakatingin lang siya sa stop light kaya tumingin din ako sa stop light nakared iyon.


"Thank you for saving....." di ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang tumingin sa akin.


"Stupid" binitawan niya ang hood ko at nagsimula ng tumawid. Naiwan akong magisa sa kinatatayuan ko. Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang inis. Hahabulin ko pa sana ang lalaki kaso hindi ko na siya nakita.






MORNING



Sabay kaming pumasok ni Ellie sa school. Wala pa kaming teacher kaya naisipan kong lumabas muna para bumili ng pagkain sa canteen.

"San ka pupunta cyth?" Tanong sa akin ni shane. Si shane ang pinakaclose kong kaklaseng babae. Makulit siya at medyo maingay pero mabait.

"Lalabas lang. Bibili muna ko ng pagkain" hinawakan ko ang tyan ko at tumawa kay shane.


"Gutom na ko eh" ngumiti lang sa akin si shane. Lumabas na ako ng classroom.

Naglalakad ako sa hallway ng mapadaan sa faculty. Nalampasan ko na ang faculty pero napabalik ako ng mapansing parang may bagong teacher. Sumilip ako ng patago sa bintana ng faculty. Nakita kong naguusap usap ang mga teachers. Hindi rinig sa labas ang pinaguusapan nila. Pero alam kong meron talagang bagong teacher.

May isang lalaking tumayo sa kinauupuan niya at pumunta sa harap ng mga kaco-teachers niya. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ang bagong teacher. Napaupo ako sa labas ng faculty at tinakpan ang bibig ko. Para akong bibeng nagmamadaling umalis. Nakayuko ako para hindi makita sa loob ng faculty ng may mabangga ang ulo ko na parang malambot. Unti unti kong itinaas ang ulo ko. Nakita ko ang transfer student na mahinang tumatawa. Shit?! Ano yung natamaan ng ulo ko?! Hinimas ko ang ulo ko at napa lip bite.



"HAHAHA. Dont worry its my tummy" natatawa niyang sabi. Napatingin ako sa kanya. Nakakahiya


"Ye-s HA-HA-HA" tumawa din ako sa kanya. Dahan dahan akong umalis sa harap niya.

"Wait" napatigil ako ng pigilan niya ako.

"Whats your name?" Tanong niya sa akin.

"Me?" Tinuro ko ang sarili ko. Luminga linga siya sa likod ko.


"May kasama ka pa bang iba?" Natatawa niyang sabi.



"Pilosopo naman pala" bulong ko.


"May sinasabi ka ba?" Tanong niya sa akin.


"Wala sabi ko.....Im Cynthia Maurize Sy. Cyth (Sayt) for short and Btw. Sorry pala dun sa natapon kong kape sa damit mo last time" iniabot ko sa kanya ang kamay ko.

"Im Basti. Its okay" nakipagshake hands siya at nginitian ko sabay kindat. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng faculty. Nilingon ko iyon. Nakita kong lumalabas na ang mga teachers. Nagmadali na akong tumakbo pabalik sa classroom. Hindi na ako nakapagpaalam kay basti dahil sa pagmamadali.

Wala pa kaming teacher. Pagpasok ko ay may ibat ibang mundo ang mga kaklase ko. Hingal na hingal akong umupo sa upuan ko.

"Oh Cyth? Bat ka pinagpapawisan ng ganyan?" Tanong ni Shane sa akin.


"May bago tayong teacher." Hirap man akong magsalita dahil sa hingal ay nasabi ko iyon kay shane.

"I heard it already" natatawa niyang sabi.

The Last GlanceWhere stories live. Discover now