Chapter 4: The Danger Begins

0 0 0
                                    




Continuation........









Mahimbing na natutulog ang prinsesa ng may marinig siyang ingay mula sa labas ng kastilyo. Sinilip niya mula sa isang bintana kung ano ang nangyayari sa labas. Nakita niya ang mga galit na galit na tao. May mga dala dala silang matutulis na bagay.



"Mahal na prinsesa" natakot ang prinsesa ng makita ang kanang kamay ng kanyang ama na halos malagutan na ng hininga sa sobrang pagmamadali.




"Ano ang nangyayari?" Tanong ng prinsesa.





"Wala na po tayong panahon mahal na prisesa. Kailangan na nating tumakas" naguluhan ang prinsesa dahil sa sinabi ng kanang kamay ng kanyang ama.




"Asan sila ama at ina?" Natatarantang tanong ng prinsesa.





"Nasa bulwagan sila mahal na prin...." hindi na pinatapos ng prinsesa ang sasabihin ng lalaki. Nagmadali na siyang pumunta ng bulwagan. Nakikita niya na ang kanyang ina at ama kasama ang maraming kawal. Malapit na siya roon ng may biglang humila sa kanya. Narinig niya ang mga tao na nagsisigawan. Hinihila siya ng isang tao palayo roon. Ang mga tao ay nagkakagulo na. Gustong gusto nilang makapasok sa bulwagan.


Nakalayo na ang prinsesa at ang taong humila sa kanya. Nasa gitna sila ng kagubatan ng maalala ng prinsesa na may humila sa kanya. Tinignan niya kung sino ito.

"I-ikaw?" Nabigla ang prinsesa ng makita ang isa nilang kawal. Ang kawal na matagal ng may pagtingin sa prinsesa.

"Patawad mahal na prinsesa. Iniutos lang iyon sa akin ng iyong ama at ina" nanghina ang prisesa. Hindi niya alam kung bakit iyon nangyayari sa kanila.

"Ayun ang prinsesa!!" Nabigla ang dalawa ng may sumigaw na tao sa gilid nila. Biglang nagsidatingan ang marami pang tao. Hinila ng kawal ang prinsesa at nagsimula ng tumakbo. Lalong dumadami ang mga taong sumusunod sa kanila.

"Prinsesa mauna ka na. Magkita tayo sa dulo ng ilog. Magiingat ka Belle"  pipigilan pa sana siya ng prinsesa ngunit agad na itong tumakbo para iligaw ang mga tao. Wala ng nagawa ang prinsesa kundi ang sundin ang sinabi ng kawal. Tumakbo na siya, mabilis ang pagtakbo niya. Pero natigil siya ng makita ang daan. Napakarami ng puno. Hindi niya alam kung saan siya pupunta.


"Ayun ang Prinsesa!!!" Laking gulat ng prinsesa ng makita ang mga tao na papalapit na sa kanya. Nagmadali na siyang tumakbo. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Hanggang sa matalisod siya sa malaking bato. Natumba ang prinsesa. Tatayo na sana ang prinsesa ng makaramdam ng matinding sakit sa kanyang paa. Tiniggan niya iyon. May dugong umaagos mula sa kanyang sugat. Malaki ang sugat niya at malalim iyon.

Pinilit ng prinsesa na tumayo ngunit agad din siyang natutumba dahil sa sakit ng sugat niya. Sa tuwing pinipilit niyang tumayo ay napapangiwi siya dahil sa sakit. Tinignan niya ang mga taong papalapit na sa kanya. Hindi na alam ng prinsesa ang gagawin niya. Napaiyak na lang siya dahil sa takot.



"Mahal na prinsesa" nasa harap niya na ang mga taong galit na galit.

"Anong kailangan niyo?! Bat niyo ito gingawa sa amin?!" Takot man ay nagawang magsalita ng prinsesa.

"Dahil magnanakaw ang pamilya niyo!" Nabigla ang prinsesa ng marinig yun.

"Anong ibig niyong sabihin?" Naguguluhang tanong ng babae.

"Patayin ang prinsesa!" lalong natakot ang prinsesa ng unti unting lumapit sa kanya ang mga tao. Pumikit ang prinsesa at hinayaan ng tumama sa kanya ang mga matutulis na dala ng mga tao.






The Last GlanceWhere stories live. Discover now