Chapter 1

23 0 0
                                    

Chapter 1: The Magical University

Aizy's point of view

Nakatayo ako sa harapan ng isang mahiwagang eskuwelahan. Pinagmamasdan ko ang napakalaking eskuwelahang ito. Napangisi nalang ako at kinuha ang gamit ko. Para akong artista na pinagtitinginan ng lahat ng estudyante pagkapasok ko. May mga natutuwa, may mga naiinis, may galit, at mayroon namang mga estudyanteng walang pakialam. Sumunod na lang ako sa dalawang guardiya na nauunang maglakad saakin ngayon patungo sa aking dorm na tutuluyan ko.

"Hanggang dito na lang kami binibini"sabi ng dalawang guardiya at nginitian ko lang sila at pumasok na. Pumasok ako sa dorm at napakalaki nito para sakin.

"Andito ka na pala"sabi ng isang babaeng ikinagulat ko.

"Who are you?"taas kilay na tanong ko. Don't tell me na ka-room mate ko siya?

"I'm Sophia"maikling pakilala nito at umupo. Pinagmasdan ko siya at mukha namang mabait siya. Maganda siya, matangkad, at pwede siyang maging modelo. Napakaganda ng kulay asul na buhok nito at pati ang kaniyang mata ay kulay asul.

"Anong kapangyarihan mo?"nakangiting wika nito at binalingan ako ng tingin. Kunot noo ko siyang tiningnan "Kapangyarihan?" tanong ko at natawa lang siya sa inasta ko.

"Kung wala kang kapangyarihan ay bakit ka nakapasok rito?"balik tanong niya at pumunta sa kusina kaya sinundan ko siya. Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi niya.

"Mahina ka pa.. Hanggang sa makakaya mo ay dapat mailabas mo na ang nakatagong kapangyarihan"sabi niya at ngumiti ito.

"Wag mo akong minamaliit. Kahit wala akong kapangyarihan, kaya kong lumaban"sabi ko sakaniya ngunit natawa nalang ito.

Winalang bahala ko nalang ito at ipinasok na ang gamit ko sa kwarto ko. Malaki ang kwartong ito at tama lang siya para saakin. Kulay black at pink ito, tamang tama dahil paborito ko ang kulay na iyon.

"Alam mo bang ako ang nag-ayos dito?"napatingin ako sa pumasok at si Sophia yun. Napairap nalang ako dahil bigla bigla nalang siyang sumusulpot.

"Hindi ko tinatanong"maangas kong sabi at nabigla ako ng tumabi siya saakin.

"Bestfriend na tayo from now on"sabi niya at kinawit ang braso niya saakin. Mabilis ko namang tinanggal iyon at kinuha ang maleta ko, wala na rin naman akong magawa kaya mas mabuting mag ayos nalang ako ng gamit ko.

"Ano kayang magiging kapangyarihan mo?"naiirita ako dahil kanina pa tanong ng tanong ang babaeng 'to.

"Ano naman sayo?"masama na ba ako? syempre hindi. Ayoko lang talagang kinukulit.

"Ang sungit mo! Meron ka ba?"natatawang tanong niya. Kinusilapan ko nalang siya at kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko. 7 a.m na sa cellphone ko pero bakit gabi dito?

"Iba ang oras natin dito. Kabaliktaran ng oras sa mundo niyo"wika nito at humiga sa kama ko. I frowned at her, bakit ba feeling close siya?

"Walang kwenta ang cellphone dito"sabi niya at nagulat ako ng ifreeze niya ang cellphone ko.

Dahil sa inis ko ay hinila ko siya palabas ng kwarto ko at padabog na sinara ang pintuan at humiga sa kama. So ice water goddess pala siya?

"Palaban ka, katulad ka pa din ng dati"rinig kong sabi niya sa speaker sa labas ng kwarto ko at narinig ko ang pag yapak niya kaya alam kong wala na siya.

"Katulad ng dati?"tanong ko sa aking sarili.

Nevermind. Sasakit lang ang ulo ko kung iisipin ko pa yang mga bagay na yan na hindi ko naman alam. Lumabas nalang ako ng at magpapahangin dahil buong byahe ay natulog naman na ako. Sariwang hangin ang bumungad saakin pagkalabas ko kaya bumalik ako para kunin ang jacket ko.

"New student huh?"nagulat ako sa isang sumulpot na lalaki. Nakakatakot siya ngunit di pa sapat para matakot ako. "Alam mo bang may parusa ang maabutan ng curfew?"tanong niya at ngumisi. Duh? malamang hindi ko alam na may curfew dito kaya pwede naman siguro kung excuse ako kasi di ko alam na may ganun pala.

"I'm just new here, I'm excepted right?"ngiting sabi at tanong ko. Ayokong uminit ang ulo ko, kahit kanina pa gustong sumabog. Sana magiging madali ang lahat.

"Mas maganda kung bumalik ka na sa dormitoryo. Masyadong malamig ang klima baka magkasakit ka"wika nito. Masyado siyang concern ni hindi niya nga ako kilala eh.

"Sino ka ba!? Excuse me pero siguro nga mas maganda kung babalik nalang ako"matapang na sabi ko at paalis na sana ako ng hilain niya ako.

"Aizy Smith"wika nito, tatanungin ko palang sana siya ngunit bigla nalang siyang naglaho na parang bula.

Kilala niya ako?

The Magical Power and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon