Chapter 9: Visitors
I woke up early just like yesterday and I'm on my way at the training room, baka nag hihintay na si Karla saakin.
"Mahal na reyna"I said and bow ng makita ko ang reyna sa training room kasama si Karla.
"I will watch you"wika ni Queen Savannah at nginitian ako.
"Ngayon, gagawa tayo ng mga armas gamit ang iyong kapangyarihan"sabi saakin ni Karla.
"Gumawa ka ulit ng malaking bilog gamit ang iyong palad"madami pa siyang sinabi at nagawa ko lahat ng sinabi niya at madami akong nagawang armas.
"A fast learner"komento ni Queen Savannah at ngumiti ako sakaniya at yumuko.
"Ngayon unahin natin ang espada"kinuha ko ang espada na ginawa ko gamit ang aking kapangyarihan.
"Makipaglaban ka muna saakin at sugatan mo ako sa kung saan madali lang masugatan"wika ni Karla na sinunod ko. Sinugatan ko siya sa wrist niya at nasaktan naman siya at sumigaw.
"Karla! okay ka lang ba?"tanong ko at lumapit kaagad ako sakaniya.
"Dyaan ka mahina, Aizy"wika ni Queen Savannah at pinagaling ang nahiwa ko sa wrist ni Karla at tumayo naman siya.
"Wag kang magpapadala sa emosyon mo, iha. They will take that as an advantage to you"sabi ni Queen Savannah at yumuko naman ako.
"Maging matapang ka. Eh paano kung ang kalaban ay si Karla?at dapat lang na mamatay siya o matalo mo ngunit nadala ka sa emosyon mo. Yan ang magiging kahinaan mo, Aizy"wika ni Queen Savannah at umupo na ulit.
"Ang tawag sa ginawa mo saakin ay Kote Wrist Cut"wika ni Karla at kinuha ulit ang espada at nakipaglaban ako sakaniya. Tinuruan ako ni daddy kung paano gumamit ng espada kaya alam ko na ito.
"Kapag banda naman ito sa tiyan ko ay Do Abdomen Cut"madami pang sinabi si Karla about sa cut cut na iyon at pinamemorize niya saakin.
"Kapag sa tiyan, Do Abdomen Cut kapag sa wrist, Kote Wrist Cut kapag pa ekis, Kiriage Upward Cut"sabi ko at tumingin kay Queen Savannah na nakangiti saakin.
Natapos ang training at inaamin ko nakakapagod kaya dali dali akong pumunta sa palasyo, nagpahinga, naligo at natulog na.
"Aizy, bumangon ka nga diyan!"ang ingay talaga ni Sophia kahit kailan.
"Aizy Smith!"iuuntog ko na talaga to sa pader.
"What the hell!"sigaw ko sakaniya pero dinaganan lang ako.
"Di ako aalis dito pag di ka bumangon!"sabi pa niya at pinagpapalo palo ako.
"Paano ako makakabangon kung dinadaganan mo ako!"sabi ko at pinilit bumangon kaya nalaglag siya sa higaan at sinamaan ako ng tingin.
"That's what I call karma"sabi ko at tinawanan siya bumangon naman siya at pumunta sa closet ko at kinuha ang dress doon at binato saakin.
"Suutin mo yan!dalian mo na!"sabi niya at kumunot naman ang noo ko.
Ngayon ko lang napansin na naka yellow skirt siya, nakapink sleeveless, naka yellow heels, and yung hair niya nakacurl. Magaling siya sa fashion. Sinuot ko ang dress na binato niya sakin tatlo iyon.
"I don't like this one, kita yung cleavage ko"sabi ko pagkalabas ko ng cr. At hindi naman kagalang galang sa mga bisita kung kita kaluluwa ko. Pumasok ulit ako sa cr at sinuot ang isang dress.
"Ang iksi. Kulang nalang makita panty ko. Di ba pwedeng mag pants nalang?"sabi ko at sinuot pa ang isang dress.
"Alam mo ang arte mo!"sabi ni Sophia. Lumabas ako ng cr at okay na ito. White dress siya at mas kumportable ito kaysa sa mga nauna kong sinuot. Kinuha ni Sophia ang grey heels at sinuot sa paa ko. Tinapik ko naman ang noo niya.
"Aray ha!"natawa ako ng sinamaan niya ako ng tingin.
"Airport!"sabi ko at tinawanan si Sophia. Kinuha niya naman ang curler at kinulot ang buhok ko.
**
"Sino ba yung mga bisita?"tanong ko habang pababa kami at papunta sa hapag kainan.
"Ewan, basta ang sabi lang ni Queen Savannah ay mag-ayos tayo upang maging mukhang representable"tumango tango naman ako.
"Bakit?di ba tayo mukhang representable kapag nakapambahay?"tanong ko.
"Syempre mas maganda kung pinaghandaan ang pag dating ng mga bisita. Malay mo kapatid sila ng reyna"wika ni Sophia at ng makarating kami sa hapag kainan ay naabutan namin si Queen Savannah,Karla at Brentt. Umupo ako sa tabi ni Karla at si Sophia naman ay tumabi kay Brentt.
"Parating na sila"wika ni Queen Savannah. Maya maya ay dumating na ang mga babaeng kasing edad ng reyna at yung iba ay mas matanda sakaniya.
"Saan ang apo ko dito?"tinuro naman ako ni Queen Savannah ng mag tanong ang isang babaeng mas matanda sakaniya.
"Siya si Aizy Smith. Aizy iha, siya ang kambal ng lola mo"sabi saakin ng reyna tumingin naman ako sa babae.
"Magandang gabi po"wika ko dun sa babae.
"Don't be too formal. Call me Grandma"wika nito at tumango naman ako sakaniya.
"So tell me, bakit kayo naparito?"tanong ng reyna sa mga bisita.
"Kailangan nating protektahan si Aizy, Savannah. Masyado ng delikado na kumalat sa mundong ito na siya ang babaeng may special power"wika ng katabi ni Grandma na sa tingin ko ay kasing edad lang ni Queen Savannah.
"Alam ko iyon, kayanga naririto siya upang turuan makipaglaban"wika ng reyna at kami nila Sophia ay tahimik lang na kumakain.
"Alam kong may ginagawa na ang mga Mocrief ngayon laban saatin upang makuha si Aizy"sabi ng babae na katabi ko.
"Kaya ko po sila kalabanin, ano pa po bang silbi ng kapangyarihan ko kung di ko ito gagamitin?"sabi ko at nakuha ko naman ang attention ng lahat kaya napalunok ako. I hate attentions.
"Yes, ikaw na ang pinakamakapangyarihan dito sa mundong ito Aizy. Ngunit kailangan ka pa din naming protektahan"wika ng babaeng katabi ni Brentt.
"Ako po dapat ang magpoprotekta sainyong lahat"sabi ko at pinagpatuloy ang aking pagkain narinig kong nagbuntong hininga ang reyna.
"Masyado kang matapang Aizy, You deserves the magical power"wika ng babaeng katabi ni Grandma kaya nginitian ko iyon.
"Sana magtagumpay ka"wika ni Queen Savannah.
Magtatagumpay ako.
---------------------------------
Miss niyo na ba ang The Magical University?Miss niyo na ang mga gangs noh?hahaha.
Vote. Comment. Read.
-Strawberry❤
BINABASA MO ANG
The Magical Power and I
FantasySimple lang akong babae na tatapak sa hindi pangkaraniwang unibersidad. Hindi ko alam kung bakit may mga nakakakilala sakin doon. Matapang ako at palaban. Mahaba pasensya ko ngunit parang nawawala ito ng mabangga ko ang isa sa mga gang na kinakakat...