Chapter 8

3 0 0
                                    

Chapter 8: Training

Maaga akong nagising dahil maaga din ang training ko. Hinayaan ko muna si Sophia na matulog dahil sa tingin ko ay puyat siya kakaisip dun sa Brentt na iyon.

"Ready ka na ba Princess Aizy?"Tanong ni Karla at tumango ako.

"Yeah"I said at may binigay naman saaking damit at iba pang mga bagay para siguro isuot ko sa training.

"For protection"She said at hinila ako papunta sa training room. Papunta na kami ng sinalubong kami ni Brentt at tumingin saakin.

"Where's Princess Sophia?"tanong ni Brentt saakin at tinuro ko naman ang palasyo. "Acting like Sleeping beauty and waiting for a prince to kiss her"I said and he chuckle.

"Ilabas mo ang magical power princess"utos ni Karla at binukas ko naman ang mga palad ko at lumabas doon ang kapangyarihan ko.

"First kung paano gamitin ito gamit ang iyong emosyon"sabi nito at tumango ako.

"Kapag sobrang galit ka o sobrang lungkot mo, pwedeng may mangyaring masama sa kapangyarihan mo at sa kapaligiran. Tulad ng pwedeng umulan ng malakas, dumilim ang paligid at iba pa. Lahat ng kapangyarihan ay nagmula sa kapangyarihan mo kaya pwede mong controllin ang kapangyarihan ng iba"panimula nito.

"Pero pag may kalaban ka at sobrang galit ka na sakanila, ay pwede mong ma-off lahat ng kapangyarihan. Kayang kaya mong kalabanin ang kahit na sino, dahil sa mundong ito, ikaw ang makapangyarihan"sabi nito at tumango tango ako.

"Pero dilekado ito. Dahil pwedeng may mangyari na masama saiyo dahil sa kapangyarihan mo na pwede mo ding ikamatay"nag-aalala siyang tumingin saakin.

"Sana magamit mo ito ng tama"wika nito. Nilabas niya din ang kapangyarihan niya na kulay itim.

"Lahat ng kapangyarihan ay nasa kapangyarihan mo. Mind control power, Teleportation Power, Flying Power, Super speed power, super strength power at iba pa"hindi ako makapaniwala na saakin talaga nakatadhana ang kapangyarihang ito.

"Pero mag iingat ka Princess Aizy, wag kang masyadong magtiwala. Nasa paligid lang ang kalaban"wika nito na ikinatakot ko.

"Mag iingat ka sa mga kaibigang akala mo totoo ngunit kalaban. Mas delikado sila kaysa sa mga Moncrief"hindi naman siguro kalaban sila Sophia,Gwen, at Addison diba?aish. Tumigil ka nga Aizy! Wag mong pagdudahan ang mga kaibigan mo.

"Wag kang magtitiwala sa mga iba pang makikipag kaibigan. Baka makipagkaibigan lang sila dahil sa kapangyarihang meron ka"hindi nga talaga sila Sophia yun. At isa pa wala palang akong kapangyarihan ay tinanggap na nila ako bilang kaibigan.

"Ngayon bumuo ka ng isang malaking bilog gamit ang dalawa mong palad"ginawa ko ito at cinocontroll ko ang aking emosyon at kapangyarihan upang mabuo ito.

"Ayan, paikutin mo pa ang palad mo upang mas lumaki ito"wika ni Karla na ginagawa niya din ngayon.

"Nakikita mo ang malaking kahoy na yun?sirain mo yun gamit ang lakas na binuo mo sa kapangyarihan mo"ginawa ko ito. Tinapat ko ang dalawa kong palad sa kahoy at nasira ito ng ilang segundo lamang. Ginawa niya din ito at ganun din ang nangyari.

"Ngayon, gawin mo ang mind controll power. Basahin mo ang nasa utak ko"sabi ni Karla at tiningnan ko naman siya.

"Tumingin ka sa mga mata ko, ngayon basahin mo ang nasa utak ko"tinitigan ko siya ng mabuti ngunit di ko mabasa ang kaniyang isip. Hindi pala ganito kadali gawin ang lahat. Tinitigan ko siya ulit unti unti kong nababasa ang kaniyang isip na sinasabi nito ay 'Ang kapangyarihan ko ay telekinesis Princess Aizy' .

The Magical Power and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon