Chapter 10: I miss you
Natapos na ang training ko ng 4 days. May mga pinadala din saaking mga libro para sa iba ko pang pag-aaralan tungkol sa magical and special power ko. Ngayon ay nagpapaalam na kami kay Queen Savannah.
"Nagpadala ako ng mga bantay upang bantayan kayo hanggang sa makarating kayo sa university. Mag-iingat kayo, hanggang sa muli nating pagkikita Aizy and Sophia"wika ni Queen Savannah at nakipagbeso beso kami at lumabas na ang palasyo kasama sila Karla at Brentt.
"I'll miss you, Princess Sophia"wika ni Brentt at niyakap si Sophia. Aww so sweet.
"Mag-iingat ho kayo Princess Aizy. Maganda kang kasama at mamimiss kita"wika din ni Karla at niyakap ako. Nagpaalam na kami sakanila at sumakay sa private train at mga iba pang sasakyan hanggang sa makarating kami sa magical university.
Bumukas ang napakalaking gate ng Unibersidad at nang makita ako ng mga estudyante ay yumuko sila at nagbigay daan. I really hate attentions, siguro alam nila na nasaakin ang Magical and Special Power. Plastics people.
"AIZY, SOPHIA!!"sigaw ng dalawang babae na bigla kaming niyakap. Si Gwen at Addison.
"Bakit di niyo sinabi na magtatagal kayo doon?ang daya niyo!"wika ni Gwen at hinampas pa ako. Such a bratt.
"Alam niyo bang hinahanap kayo ng dalawang gangs saamin?"Sabi naman ni Addison at kumusilap.
"Halos patayin kami eh!"sabay nilang sabi kaya natawa kami.
"Aizy, welcome back"salubong saakin ni Mrs. Glandiola at nginitian ako kaya ngumiti din ako.
"Magpapahinga ho muna kami ni Sophia, excuse me po"paalam ko kay Mrs. Glandiola at tumango naman siya. Asan kaya sila? at siya?
"Alam mo ba Aizy, isa isa pumupunta ang dalawang gangs sa dorm niyo upang icheck kung nakabalik ka na"kinikilig na balita ni Gwen.
"Haba ng hair mo, naaapakan ko"natatawang sabi ni Addison.
"Gaga!"sabi ko naman at binuksan ni Sophia ang dorm at pagbukas namin ay ganoon pa din naman. Mas luminis.
"Nilinisan namin"sabi ni Gwen. Pinatong ko naman ang mga librong pinadala saakin sa mga drawer ko.
"Nagugutom ako"sabay sabi namin ni Sophia kaya nagtinginan kami at natawa.
"Di ba kayo pinapakain dun sa palasyo ng Cambria?"tanong ni Gwen at umiling ako.
"Para kayang fiesta doon araw araw"sabi ni Sophia.
"And btw, nasa sayo ang magical power!"sabi ni Addison at tumili kaya naman tinakpan ko ang dalawang tenga ko. Ang sarap nila iuntog sa pader ha!
"Shunga! wag ka nga tumili"sabi ko at nag cross arms.
"Aray, nashunga pa ako"sabi naman ni Addison at sinamaan ako ng tingin.
"Can I see your power?pretty me please?"sabi ni Gwen kaya pinagbigyan ko na. Binukas ko ang palad ko at pinakita ang iba't-ibang kulay na bilog sa palad ko at sinarado kaagad yun ng may kumatok.
Binuksan yun ni Addison at tinaasan niya ang kilay niya sa babae "What do you want?"mataray na tanong niya sa babaeng kumatok.
"Pinapatawag po si Ms. Smith"natatakot na sabi ng babae at bigla namang lumapit si Gwen sakaniya.
"Sino?saan siya pupunta? You should call her Princess Aizy dahil nasa kanya ang magical power"mataray na tanong at sabi din ni Gwen.
"S-sa a-ano po ahm s-sa garde-n"sabi ng babae at tumakbo.
BINABASA MO ANG
The Magical Power and I
FantasíaSimple lang akong babae na tatapak sa hindi pangkaraniwang unibersidad. Hindi ko alam kung bakit may mga nakakakilala sakin doon. Matapang ako at palaban. Mahaba pasensya ko ngunit parang nawawala ito ng mabangga ko ang isa sa mga gang na kinakakat...