Chapter 2: We meet again
Nagising ako ng maaga para maghanda sa pagpasok ko. Lumabas ako ng kwarto para sana magluto ngunit nakita ko sa kusina si Sophia na nagluluto. "Gising ka na pala"sabi ni Sophia, nilapag niya ang mga niluto at prinito niya at umupo sa harapan ko. "Isn't it obvious?"taas kilay na sabi ko ngunit tinawanan niya lang ako. May saltik ba 'tong babaeng 'to?
"Mauna na ako maligo ha?"sabi niya pagkatapos niyang kumain at pumunta na sa banyo. Papunta na sana ako ng kwarto ko ng napatingin ako sa kabilang kwarto. Pumasok ako at napakaganda din ng kwarto niya, kulay asul at puti ang puro makikita mo.
"Sophia Tyler"basa ko sa napakalaking pangalan sa kwarto niya. Nadako ang mga mata ko sa mga litrato na puro mukha ni Sophia kasama ang iba't-ibang tao na sa tingin ko ay mahalaga sakaniya. Kumunot ang noo ko nang makita ang isang litrato. Siya at ako!?
"Ahh Aizy"nagulat ako at muntik ko ng mabitawan ang litratong iyon ng dumating si Sophia.
"Di ko sinasadya. Maliligo na ako"sabi ko at dali-daling umalis sa kwartong iyon.
Pagkatapos kong mag-ayos ay kinuha ko na ang bag ko at lumabas na nang dorm. 7:20 AM na tingin ko sa relo kong inadjust siguro ni Sophia. Sampong minuto bago mag simula ang una kong klase.
"Aizy Smith?"
"Paano? Akala ko patay na siya?"
"Katulad pa din siya ng dati"
"Gusto ko siyang lapitan"
"Ano kayang magiging reaksyon ng dalawang gang pag nakita nila si Aizy?"
Nalilito ako sa pinagsasabi nilang bulungan. Naririnig ko ang pangalan ko ngunit malabo para marinig ko dahil sabay sabay sila nagbubulungan. Kilala nila ako? Pero paano? Bago lang ako dito at imposibleng nag aral na ako dito noon dahil wala namang nababanggit ang mga magulang ko. Napairap nalang ako at pumasok na sa una kong klase.
"Nagbalik ka"ngiting sabi saakin ng katabi ko. Sinong kausap niya? Baliw ba siya para kausapin ang sarili niya? Winalang bahala ko nalang iyon at hinintay ang pagdating ng guro namin.
--
"Bakit mo naman ako iniwan kanina?"sabi sakin ni Sophia pagkalabas ko sa klase ko. Nauna siyang kumilos pero nahuli pa din siya. Tumingin ako sakaniya ng nakataas ang kilay ko. "Kain na nga lang tayo"sabi niya at hinila ako sa Cafeteria.
"Juice and fries with hotdog"sabi ko sa waiter. Bata pa lang ay hilig ko nang kainin ang pagkaing ito.
"Katulad ka pa din ng dati"bulong ni Sophia na hindi ko narinig. Di ko nalang siya pinansin at nang matapos ako kumain ay lumabas na ako ng Cafeteria dahil mamayang hapon pa kami parehas ng klase.
Nainis ako at parang sasabog na sa galit ng may makabunggo ako. Nakakatakot sila at madami sila. Para silang pamilyar, napahawak ako sa ulo ko ng biglang sumakit ito.
"Hindi ba uso ang humingi ng tawad dito?"inis na parinig ko sakanila na nakatitig lang saakin.
"Bestfriend?"sabi ng kasama niya. Lumingon ako sa paligid. Ofcourse baka umalis na yung sinabihan niyang bestfriend.
"Kailan ka pa bumalik?"tanong niya ulit. Seriously? Ako talaga ang kinakausap niya or trip niya lang ako? Gusto niya bang makatikim ng suntok?
"Blair, she don't remember anything"sabi ng nakabunggo kong lalaki. I'm just wasting my time here, binangga ko ang nakabangga saakin at dumiretso na sa pangatlong klase ko. Bakit ba madaming nakakakilala saakin? I'm famous in social medias but Sophia said na useless ang phone dito so there is no fucking reason para makilala nila ako?
"Ms. Smith are you with us?"tanong ng guro namin. Pinag-aaralan namin ang mga kapangyarihan ngunit di ako nakikinig dahil hindi ako nakakarelate, I don't have any power.
"Yeah"maikling sagot ko at tinuloy na ng guro ang pagtuturo. Natapos din ang klase ko at sa pang apat kong klase ay natapos na din, diniscuss lang ni Teacher Everly ang history tungkol sa kapangyarihan.
"Why do I need to study here!?"inis na sigaw ko ng naglalakad nalang akong mag-isa sa walang katao-taong daanan. Lunch na kasi kaya malamang nasa cafeteria ang iba.
"You're so noisy, alam mo ba iyon?"inis na sabi ng lalaking nasa likuran ko kaya humarap ako at siya ang nakabunggo saakin.
"Asan yung mga kasama mo?"taas kilay na tanong ko. Siguro iniwan na siya kasi ang sama ng ugali, di man lang nag sorry.
"Why are you finding them? andito naman ako."
Pagkatapos niyang sabihin yun ay parang bulang biglang nag laho nalang siya. Edi sila na may kapangyarihan. Hanggang ngayon, di ko alam kung ano bang ginagawa ko sa eskwelahang ito. Ni wala nga akong kahit anong kapangyarihan eh. And bakit ba ang init ng ulo ko sakanilang lahat? I swear, this is not me. Hindi mainitin ang ulo ko, and siguro nga dahil meron ako ngayon.
I'm going at the building number five, this is the furthest building and there's something here that makes me scared hindi naman ito katulad ng kanina but I think I'm not the only person here, I'm late kaya halos wala ng katao tao dito. And I'm right dali dali kong sinipa ang lalaking nag tangkang kunin ako and I punch the other men too. Ngunit dumami sila at di ko napansing nakuha na pala nila ako at ginapos.
"Hey bastards. If you want to fight with me be fair"I said in a calm voice.
May dumating na babae at dali daling sinampal ako at sinabunutan. Wow, did she just slapped my wonderful and gorgeous face!?And pulled my awesome brownish hair!?eh kung suntukin ko kaya siya sa mukha niyang wala namang binatbat sa napakaganda kong mukha. Dumating ang isang grupo ng babae at masama silang nakatingin saakin. Dinilian ko ang gilid ng labi kong may dugo dahil sa sapak ng babae. Lumapit naman sakin tong leader na babae nila at nilabas ang kaniyang kapangyarihan.
"Yan ang napapala sa mga babaeng pasikat, ayoko sa lahat ng may humihigit saakin. Ako lang naman ang isa sa may pinakamalakas na kapangyarihan at ang pang sampo sa magical list. Wala kang espasyo dito, umalis ka nalang"sabi ng babae at tinapat saakin ang palad niya.
"Tanga ka ba? Andito ako para mag-aral hindi mag pasikat. Wala pa ngalang akong ginagawa, sikat na ako. Paano pa kaya pag may nagawa na ako?"sabi ko at isang ngisi ang kumawala sa labi ko.
Isang malakas na sampal ang inabot ko sa babaeng kasama niya na dahilan upang mamula ang napakakinis kong mukha compared sa babaeng nanakit sakin na puno ng pimples ang mukha.
"Makikipaglaban ka nangalang, unfair pa"dagdag ko at nag smirk
"I'm Andrea Scott. I can do what I want. Do you want me to kill you?"Nakangising sabi nitong Andrea.
Pinakawalan niya ako at tumayo naman ako. Lumabas sa palad niya ang sa tingin ko ay Electrical Power na kayang mag kuryente sakin hanggang sa mamatay ako.
"Wala ka pang kapangyarihan New girl. Wala ka pang laban. Mahina ka"sabi ni Andrea na nginisian ko lang.
"What if makuha ko na ito. At paano kapag mas malakas ito kaysa sa kapangyarihang meron ka?"I ask with my oh-so-teasing-tone na halatang kinagalit niya.
"Let's see. Smith"sabi niya at tinapat saakin ang palad niya kaya nakuryente ako. Sobrang sakit. The hell!?
"Andrea stop!You don't want me to do that to you right?"sigaw nung isang lalaking di ko na mamukhaan dahil nanlalabo na ang mata ko.
"Don't you ever hurt her again"
BINABASA MO ANG
The Magical Power and I
FantasíaSimple lang akong babae na tatapak sa hindi pangkaraniwang unibersidad. Hindi ko alam kung bakit may mga nakakakilala sakin doon. Matapang ako at palaban. Mahaba pasensya ko ngunit parang nawawala ito ng mabangga ko ang isa sa mga gang na kinakakat...