"Today's activity will be by pair. Grab a partner and start the activity as soon as possible. You only have thirty minutes to finish it."Bagot kong inayos ang crayons mula sa pinakamalalim na kulay hanggang sa pinakamapusyaw. Pumangalumbaba ako sa aking armchair at tumitig sa kawalan nang magsawa ako sa ginagawa.
A fake cough enveloped my ears. Nag-angat ako ng tingin at naabutan ang lecturer naming sarkastikong nakangiti sa akin, "Kailan ka tatayo at maghahanap ng kapareha?" tanong niya. Napakurap-kurap ako.
Kung hindi siya isa't kalahating shunga, alam niya dapat na thirty-one kami sa klase. Pinigilan ko ang nagbadyang pag-ikot ng aking mga mata. Kinalma ko ang sarili at sinabing ako na lamang mag-isa ang gagawa nito.
"Well, the choice is yours. You can do that alone but your highest possible score will be half of the perfect score only," nagkibit balikat ito at pumunta na sa harapan.
Ang activity namin ngayon ay pagguhit at pagkulay ng mga prutas. Guguhit ng dalawampu at ang pares na siyang pinakamahusay ay isasali sa contest next week, paligsahan na tungkol din sa pagguhit. Ang lakas makapreschool ng lecturer na 'to, ano? Ang daming alam.
Sisimulan ko na sana ang gagawin nang gambalain ako ng mga kaklase kong kulang sa pansin. The next thing I knew, putol-putol na ang mga pangkulay ko. Inilibot ko ang paningin at nakitang wala na ang guro namin. That explains it.
"Ang yabang mo talaga, ano? By pair nga daw, tamo ang isang 'to, nagpapaimpress na naman! Pwe!" wika ng nasa unahan kong kaklase. Umingay ang paligid sa pagsang-ayon ng mga kaklase ko. Kagimbal-gimbal ang walang patawad na talsik ng laway niya papunta sa direksyon ko. Pasimple ko itong iniwasan lahat at nginitian na lamang siya. Tapos na akong maligo. Thanks na lang.
Ang pinakamatinding pambira sa lahat ng mga pangungutya nila ay ang pagdeadma. Sinubukan kong pulutin na lamang ang mga pangkulay ngunit hindi pa man ako nakakatatlo ng pulot ay napangiwi na ako sa sakit ng kamay na idinulot ng leather boots na suot ng isa ko na namang mahaderang kaklase. Padiin nang padiin ang tapak nito sa kamay ko. Tiningala ko siya. Ganoon na lamang ang gulat ko ng makita ang nagmamalaking gubat sa loob ng ilong nito. Green na green ang tanawin. Napatayo ako ng wala sa oras at mas gugustuhin ko na lamang himatayin pagkatapos no'n. Wala na nga ang dumi sa ilong, ano naman 'to?
Pahilera ang paggapang ng mga alaga nito sa ulo. Una ang malaki at purong itim, sumusunod ang kulay tsokolate at medyo may kaliitanㅡ tangina. Ano ba naman 'tong mga ito, mga grade twelve students ba talaga 'to? Sininop ko na lang lahat ng gamit ko at lumabas ng classroom. Hindi ko na masikmura ang kadugyutan ng bawat kaklase ko. Mamayang bago mag-uwian ko na lang ipapasa iyong pinapadrawing ni Mr. Catbagan. Tatanggapin pa rin naman niya 'yon, tiwala lang.
Ilang araw na akong ganito. Dinaig ko pa ang inaapoy sa lagnat at pinukpok ng kung ano ng paulit-ulit sa ulo sa sobrang kahibangan ko. Sa hindi malamang kadahilanan, nagmistulang magnifying glass ang mga mata ko. I can see even the smallest particles of a thing. White heads, kulangot, mga kuto, hinog na uhog at ultimong talsik ng laway ng mga kaklase ko kitang-kita ko. Walang lumipas na segundong walang rain showers na nagaganap sa sobrang kaingayan nila. Masyado na akong naloloka sa mga nangyayari kaya nakahiligan ko na lamang itulog ang mga mata madalas.
Mag-isa akong naglalakad ngayon. Isa lang ang kaibigan ko sa tana ng pag-aaral ko dito. Siya ang tagaalis at tagasumbong sa teacher namin kapag may naglalagay ng bunot sa bag ko, siya nananakot sa mga kaklase kong babaeng wala na lang ibang ginawan kundi putulin lahat ng krayola ko. Siya ang tagapagligtas ko.
"Hoy!"
"Ay, puta!" sinipa ko ang unang taong makita ng mga mata ko. Napaigik sa sakit si Jon. Hindi pa ako nakuntento at binatukan ko pa siya, "Walangya!" gigil kong wika nang maputol ang mga iniisip.

BINABASA MO ANG
A Deity's Fall
FantasíaWhat happens when a divinity who always ascends through his cast-iron puissance, fall? {hiatus}