"Kuya, hindi siya 'yun!"
Pinanatili ko ang pagkakapikit at pinakiramdaman ang paligid. Ang atungal ng kung sinong lalaking may katamtaman ang lalim ng boses, a boy in his teenage years, I guess, ang bumungad sa tenga ko.
Nagulat ako ng may marinig na kakaiba. Para itong pagkamot sa ulo na sinundan ng litong paghinga.
"What? Tinanong ko kung Cassidy Trevino ang pangalan niya, she said yes..." now that voice seemed familiar. It must be from that guy. Binuka ko ng bahagya ang mata. I saw a guy pacing back and forth at sa harap nito ay ang lalaking... teka, bakit hazel brown na ang mata nito? Ano ba kasi 'yun? Was it contact lenses?
Ay, takte! Muli kong naalala ang nangyari sa akin kanina. I was cheering myself up hard, trying to convince my own mind that it's all just a dream, or maybe just pure hallucinations. Pero hindi talaga. It was all real! What the heck!
My thoughts were interrupted by different kinds of screeching sounds. Napaupo ako agad sa inis at pagkalito. Hinawakan ko ng mariin ang magkabila kong sentido at hinilot ng madiin.
"Hey, are you okay?" tanong sa akin ng lalaking kanina ay hindi mapirmi sa iisang lugar. His deep set of eyes were looking at me softly and his forehead was in a knot. Kinalma ko ang sarili at tumango ng marahan sakanya.
"Nasaan ako?" mahinahon kong tanong. Siya lamang ang tinignan ko kahit na alam kong nakatitig na sa amin ngayon ang isang pares ng mga matang nagdala sa akin kung nasaan ako ngayon. Ano kasi 'yon? Bagong labas na contact lenses? Nagpapalit-palit na ng kulay, gano'n? Napakunot tuloy ako ng noo.
Tinapik ako sa balikat ng lalaking kaharap ko bago sumagot, "This is our house. My brother brought you here..."
Doon ay napalingon na akong tuluyan sa pares ng mga matang iyon. Nagtama agad ang paningin namin. Blangko ang mga tingin niya at walang kurapang nagaganap.
Hindi ko napigilan ang mainis. Isinara ko ng mariin ang mga mata. Anong karapatan niyang dalhin ako sa kung saan?
"You fainted that's why," kaswal na wika niya na parang nabasa ang iniisip ko. Sasagot na sana ako ngunit naunahan na ako ng katabi ko.
"Cindy Trevalia kasi, kuya. Paanong nakarating ka ng Cassidy Trevino? Ang layo-layo!" ungot nito ng parang bata. Binalingan siya ng lalaking tinatawag niyang kuya na isang beses sa isang dantaon lang yata kumukurap. Nagkibit lamang ito ng balikat.
"Ay, ge! Bahala ka nga diyan. Ikaw maghatid diyan, ha?" naglakad ito patungo sa kuya niya at halos mabasag ang eardrums ko sa lakas ng tunog nito.
Marami pa akong ibang naririnig ngunit ang mga yapak niya ang nangingibabaw. Ticking of the clock, the centralized air conditioner... sige matatanggap ko pa 'yan. Pero iyong paglunok, pagtibok ng puso, at ultimong paghinga, naririnig ko? Ayaw ko na. Sobra na.
Yumuko ng bahagya ang lalaki at tsaka bumulong sa Seph na tinawag niya, "Wag mo hintaying makita 'yan ni Sasha, malilintikan tayong dalawa," bulong nito. Narinig ko iyon dahil minamaligno na nga pati ang tenga ko. Muli ay humarap siya sa akin. Kahit na malapit na akong mabaliw ay nakuha ko pa ding suklian ang tipid na ngiting binigay niya.
Yumuko siya, "Ako si Silver. And that man," tinuro niya ang lalaking nakaupo sa couch at nakatulala sa kawalan ng walang pa ring pagkurap, "That's Seph. Kuya ko siya. Alam ko iniisip mo. Magpalechon ka na lang kapag nakita mo siyang kumurap," at nilisan niya na ang kwartong iyon.
Umalis ako sa pagkakahiga sa kama at agad tumayo. Tumaas ang kilay ko na mukhang aabot na ata sa anit ko sa sobrang taas dahil sa pagtitig niyang ginawa sa akin. Inirapan ko na lamang siya at dumiretso sa pintuan.
BINABASA MO ANG
A Deity's Fall
FantasyWhat happens when a divinity who always ascends through his cast-iron puissance, fall? {hiatus}