Chapter Two

14 2 0
                                    

Ako ang napiling representative ng school para sa contest next week. Kung paanong naipasa ko ang mga gawa kong iyon sakanya, hindi ko alam. Wala ang parteng iyon sa lahat ng mga alaalang nanumbalik sa isip ko.

Oo, nanumbalik.

"Forget everything that's happened between the two of us today. Magmula sa umpisa hanggang ngayon. You were lost that's why you got infront of this big black gate."

Anak ng kagang rin talaga ang isang iyon. Nang manumbalik ang memorya ko ay abot langit ang tuwa ko at pag-asam na sana ay mapuntahan ko ang Seph na iyon kung nasaan man siya ngayon at pagpapakyuhin siya sa noo. Obviously, his supernatural powers didn't completely work for whatever reason. Gusto kong ipamukha sakanyang ang shunga niya para pumalya sa pagbura ng memorya ko for good.

Ah, that. Whatever happened two days ago, I decided to just put it in the past. A cool memory I'm going to think about someday, laugh and get amazed at the same time. Wala na rin namang mangyayari kung ipagpapatuloy ko ang pagfifreak out tungkol doon. And I have this gut feeling na hindi ko na ulit makikita pa ang engkantong iyon. Kahit na patuloy na minamaligno ang mata at tenga ko, iniisip ko na lamang ang mga naitutulong sa akin no'n. I thanked heavens for it and just kept the whole thing to myself. Sinabi ko kay Jon na tumigil na ito kahit na ang totoo ay hindi naman talaga at mas lumalala pa ata habang tumatagal.

"Good morning!" a sweet voice boomed the conference room. Nilingon ko ito at nakita agad si Ms. Graze. She graced the room with her flowing hair and contagious smile. Bagong guro lamang siya, and she is our guidance counselor.

"Good morning, Miss," ngumiti ako. Masaya siyang tumango at iminuwestra ang upuan sa tabi niya. Lumipat ako doon.

Inilapag niya ang hawak na mga papel sa lamesa at matamang tinignan ito, "Mmm. So, how do we start?" natawa siya kaya napangiti din ako. She's so pretty!

Umayos siya ng upo at inilahad ang kamay sa akin, "Let me make the atmosphere as light as possible," she cleared her throat, "You can just call me Graze, though. Kung tayong dalawa lang. Nakakaasiwa kasi kapag Miss, ewan ba," natawa ulit siya, "Sorry for my big mouth. Cassidy, right?"

Medyo natigilan ako ng makaramdam ng iba sa mga titig niya. Iyong pagkilatis niya sa akin, iba ang dating. It was as if she knew me already at may connection kaming hindi ko alam dahil sa mga ngiti niyang sobrang laki considering the fact na ngayon lang naman kami nagmeet. Well, guidance counselor nga naman kasi siya. She must be really friendly. Ano ba 'tong mga naiisip ko.

Tumango ako at tinanggap ang nakalahad niyang kamay, "Cassidy Trevino," I awkwardly said ngunit idinaan na lamang sa ngiti.

She nodded actively at natawa ng malakas. Mas lalo akong nakaramdam ng awkwardness, "S-sorry. I just remembered something..." she smiled.

Itinuon niya na ang atensyon sa mga dalang papel, "Okay, so, alam mo naman na kung bakit tayo nandito, right? I was kind of disappointed na ngayon lang nila ikaw ipinunta sa akin gayong next week na ang contest. It's fast approaching," naiiling niyang sabi. Tumango lamang ako sa mga sinabi niya, "They will give a certain topic to all of you there and I got some of the possible topics they'll be casting with me today and I want you to come up with a work with each. Lima lang muna iyan. Anyway I heard that you're really good! Kayang-kaya 'yan!" dire-diretso niyang sabi. Natawa ako ng bahagya at sumang-ayon ulit sa mga sinabi niya. Nagdrawing na ako at siya naman ay inabala ang sarili sa phone ngunit madalas naman ay tinitignan ang gawa ko. The silence was deafening so I tried to open a topic.

"Mmm, Graze?" panimula ko.

"Yeah, what is it?" napalingon siya sa akin, "Do you feel uncomfortable? Want me to go out?" she said smiling. Nahiya ako at agad na umiling.

A Deity's FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon