"Bakla, ang sakit ng ulo ko..."
Kunot na kunot ang noo ni Jon habang kumakain ng saging na isang oras na ang nakalipas ngunit hindi niya pa rin napapangahalatian. Para siyang may malalim na iniisip ngunit walang napapala at napapangiwi na lamang sa huli. I sighed.
Wala ba talaga siyang maalala?
Kung ganoon, gumana nga talaga ang powers ng kulugong iyon. Yes! Ladies and gentlemen, once again, naulit 'yung nangyari sa akin a few days ago! Ang pinagkaiba nga lang, ang mga tao naman sa crime sceneㅡ ay? Crime scene talaga? Ang nabiktima niya. Lang. Ang akala niya ay nabura niya ang mga memorya naming lahat na nandoon kanina pero hindi. Hindi tumalab sa akin.
This is so frustrating!
Hindi ko na maintindihan 'tong mundong ginagalawan ko. Nagiging paranoid na din ako. Masyadong nag-ooverthink. Lahat-lahat na! Kesyo may katulad pa ang lalaking iyon na malapit sa akin. Kesyo nababaliw lang talaga ako at walang katotohanan sa lahat ng ito. I am a total mess right now and I can't do anything but just think of all the that's happened over and over again. Iyon lang.
Nang lingunin ko si Jon ay nakatulog na pala ito. Tutal ay free time naman namin ngayon at may two hours pa, hindi ko na muna siya ginising. Binusog ko na lamang ang mga mata ko sa tanawin dito sa campus. Suddenly, I remembered what happened earlier.
"Cassidy Blaze Trevino, in my office! Now!"
Napasimangot ako. Pahamak na lalaking 'to! Nakakainis! Yamot ko siyang tinalikuran at susunod na sana sa paglalakad sa principle ng school ngunit tumigil ang lahat. Nabitin ang sana'y bahing ng aming principal at kitang-kita ko ang talsik ng laway at unting plema nitong natigil sa hangin. Naroon din si Jon na nilingon ako at patagong iniirapan, nasaktuhan ng pagtigil ang irap nito. Maging ang mga abubot ni Sir Dumagilio ay may kanya-kanyang posing. Everything froze. Laking pasasalamat ko na lang at maayos-ayos ang itsura ko ngayon. Hindi katulad noong nakaraang nagkastiff neck pa ako sa sobrang pangit ng kinatigilan kong tindig.
"All of you, you don't know me at all and this commotion did not happen today," rinig ko ang seryosong boses ni Seph sa likuran ko. Hindi naman ako makalingon o kahit makakurap man lang. Rinig ko ang mga marahan nitong yapak. Buti at hindi sinusumpong ang tenga ko ngayon. Nagulat ako ng makita siyang tumayo sa harapan ko at tinitigan ako.
As usual, hindi siya kumukurap. Pero ang noo niya, kunot na kunot. Para bang takang-taka siya sa isang bagay na hindi niya mawari kung paano nagawa o nangyari. Napairap ako sa isip ko.
"How did you remember me? I perfectly erased your memories back there," tanong niya habang tinititigan ako. Ibig sabihin lang niyan, akala mo lang talaga 'yun. Kung perfectly pala, bakit natandaan kita? Sana nga hindi na lang. Tss.
"As much as I wanted to get you punished for shoving that filthy toothbrush in my mouth, I want to maintain my anonymous figure," he smirked, "You're one troublesome kid, really... it makes me thrilled," aniya sa patuyang tono ngunit wala pa ring pagkurap sa mga mata.
Iyon na ata ang pinakamahaba niyang sinabi sa tana ng pagkakakilala ko sakanya pero ano daw? One troublesome kid? A kid? Really?
Nakakainis talaga ang lalaking iyon! Nakakakulo ng dugo, sobra. Inabot pa tuloy ng uwian ang sobra-sobra kong pag-iisip. Matamlay kong pinagsisipa ang naghuhulugang dahon sa mga puno.
Mabuti na lang at mukhang nagpapahinga pa ang tenga ko mula sa mga kahibangan nito kaya naeenjoy ko ang pagsipa-sipa sa mga dahon. Ang mga mata ko'y ganoon pa rin ngunit hindi naman masyadong maperwisyo, hindi katulad ng sa tenga ko.

BINABASA MO ANG
A Deity's Fall
FantasíaWhat happens when a divinity who always ascends through his cast-iron puissance, fall? {hiatus}