Marcos 11
15 At nagsidating sila sa Jerusalem: at pumasok siya sa templo, at nagpasimulang kaniyang itinaboy ang nangagbibili at nagsisibili sa loob ng templo, at ginulo ang mga dulang ng nangagpapalit ng salapi, at ang mga upuan ng nangagbibili ng mga kalapati;
Marcos 11 :15
16 At hindi niya ipinahintulot na sinoman ay magdala ng anomang sisidlan sa templo.
Marcos 11 :16
17 At siya'y nagturo, at sinabi sa kanila, Hindi baga nasusulat, Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan ng lahat ng mga bansa? datapuwa't ginawa ninyong yungib ng mga tulisan.
Marcos 11 :17
18 At yao'y narinig ng mga pangulong saserdote at ng mga eskriba, at pinagsisikapan kung paanong siya'y kanilang maipapapuksa: sapagka't nangatatakot sila sa kaniya, dahil sa buong karamihan ay nanggigilalas sa kaniyang aral.
Marcos 11 :18
19 At gabi-gabi'y lumalabas siya sa bayan.
Marcos 11 :19
20 At sa pagdaraan nila pagka umaga, ay nakita nila na ang puno ng igos ay tuyo na mula sa mga ugat.
Marcos 11 :20
21 At sa pagkaalaala ni Pedro ay sinabi sa kaniya, Rabi, narito, ang sinumpa mong puno ng igos ay natuyo.
Marcos 11 :21
22 At pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kanila, Magkaroon kayo ng pananampalataya sa Dios.
Marcos 11 :22
23 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang sinomang magsabi sa bundok na ito, Mapataas ka at mapasugba ka sa dagat; at hindi magalinlangan sa kaniyang puso, kundi manampalataya na mangyayari ang sinabi niya; ay kakamtin niya yaon.
Marcos 11 :23
24 Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Ang lahat ng mga bagay na inyong idinadalangin at hinihingi, ay magsisampalataya kayo na inyong tinanggap na, at inyong kakamtin.
Marcos 11 :24
25 At kailan man kayo'y nangakatayong nagsisipanalangin, mangagpatawad kayo, kung mayroon kayong anomang laban sa kanino man; upang ang inyong Ama naman na nasa langit ay patawarin kayo ng inyong mga kasalanan.
Marcos 11 :25
26 Datapuwa't kung hindi kayo magpapatawad, hindi rin kayo patatawarin sa inyong mga kasalanan ng inyong Ama na nasa mga langit.
Marcos 11 :26
27 At sila'y nagsiparoong muli sa Jerusalem: at samantalang lumalakad siya sa templo, ay nagsilapit sa kaniya ang mga pangulong saserdote, at ang mga eskriba, at ang matatanda;
Marcos 11 :27
28 At sinabi nila sa kaniya, Sa anong kapamahalaan ginagawa mo ang mga bagay na ito? o sino ang sa iyo'y nagbigay ng kapamahalaang ito upang gawin mo ang mga bagay na ito?
Marcos 11 :28
29 At sa kanila'y sinabi ni Jesus, Tatanungin ko kayo ng isang tanong, at sagutin ninyo ako, at aking sasabihin sa inyo kung sa anong kapamahalaan ginagawa ko ang mga bagay na ito.
Marcos 11 :29
30 Ang bautismo ni Juan, ay mula baga sa langit, o sa mga tao? sagutin ninyo ako.
Marcos 11 :30
31 At kanilang pinagkatuwiranan sa kanilang sarili, na sinasabi. Kung sabihin natin, Mula sa langit; ay sasabihin niya, Bakit nga hindi ninyo siya pinaniwalaan?
Marcos 11 :31
32 Datapuwa't kung sabihin natin, Mula sa mga tao-ay nangatatakot sila sa bayan: sapagka't kinikilala ng lahat na si Juan ay tunay na propeta.
Marcos 11 :32
33 At sila'y nagsisagot kay Jesus at nagsipagsabi, Hindi namin nalalaman. At sinabi ni Jesus sa kanila, Hindi ko rin sasabihin sa inyo kung sa anong kapamahalaan ginagawa ko ang mga bagay na ito.
Marcos 11 :33
Paliwanag:
Para sa akin ang ibig sabihin ng mga talatang ito ay igalang natin ang ating simbahan. Ang simbahan ay sambahan at hindi lugar kung saan pwede nating gawin ang mga gawain na gusto natin. Sa panahon ngayon inihahalintulad ito sa mga nagsisimba ngunit hindi pagsamba at pakikinig sa sermon ang inaatupag kundi ang pagkausap sa katabi ng hindi naman ukol sa salita ng Diyos, ang iba nama'y ginagawang tulugan ang simbahan at ang iba'y ginagawang parang parke ang simbahan.
Isa pang pagkakaintindi ko ay kung ikaw ay may hinihiling sa ating Panginoon ito ay matutupad basta't magtiwala ka lang at wala kang pag-aalinlangan na inaangkin mo na ang iyong kahilingan at ito ay matutupad. Katulad ko, mag-siyam na taon na kami ng aking partner na magkasama pero wala pa rin kaming anak pero hindi ako nawawalan ng pagasa na isang araw ay mabibiyayaan din kami ng supling at sana ngayong taon ay makapag- enroll na ako para matapos ko na ang aking kolehiyo. Sinasabi rin na dapat ay marunong tayong magpatawad ng ating kapwa upang tayo rin ay patawarin ng ating Panginoon sa ating mga pagkakasala.
Sana ay isapuso natin ang Bible Verse sa araw na ito.
God bless sa ating lahat..Sabay-sabay po tayong manalangin
Aming Panginoong Diyos maraming maraming salamat po sa araw na ito na ipinagkaloob Niyo po sa amin. Salamat po sa aming mga biyayang natanggap at matatanggap po namin. Mahal naming Panginoon patawarin Niyo po kami sa anumang pong pagkakasala na aming nagawa at sana po ay gabayan at bantayan Niyo po kami sa aming pangAraw araw na pamumuhay. Ipaalala Niyo po sa amin ang mga bagay na hindi po namin dapat gawin upang maiwasan po namin ang kasalanan. Maraming maraming salamat po. Hinihiling din po namin aming Makapangyarihang Panginoon ( sabihin ang inyong kahilingan). Dinadalangin po namin ito sa Matamis na pangalan ni Jesus.
Amen.Ang Bible Verse para bukas- April 15, 2017
Marcos 12:1-12©ⓂEbarrantes
BINABASA MO ANG
Food for our soul from Our Lord, Our Savior!
SpiritualI just want to share yung una kong hakbang sa pagbabago patungo sa Panginoon. Sana ay maging daan ang Wattpad na mahikayat ko kayong magbalik o kaya'y mas manalig sa ating Panginoon. Sama sama nating tuklasin ang mahahalagang aral na dapat nating m...