Chapter 1:

17 3 0
                                    

Chapter One: Friends

Gabbi.

Inalala ko muna ang mga nangyari noong araw na iyon at nagsimula nang magtype. The sound of the keyboard is synchronizing with the music that comes from my phone. Lalo akong ginanahan magsulat sa tunog nito.

✘✘✘

Third Person's.

Palubog na ang haring araw at pabagsak na rin ang mga mata ni Merliyah sa kahihintay sa mga kaibigan nito. Nandito siya ngayon sa bahay nila Chandler, mag-isa. Umalis kasi ang mga kaibigan niya na sila Keiyhl, Reyvan at Mel para bumili ng meryenda nila.

'Haynako. Kahit kailan talaga ang mga yun. Napakatagal.' sa isip nya.

Nilibot nito ang mga mata sa kabuuan ng sala nila Chandler. Nakita niya ang bughaw na gitara ni Mel na nakasandal sa pader malapit sa tv. Tumayo siya upang kuhanin iyon tapos ay kumain na rin sa pwesto niya kanina sa sofa, pinuwesto ang gitara at nagsimula mag-strum.

"Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay malay na tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay. Lalala~ Lala~ Lalalalal--" hindi niya na naituloy ang pagkanta dahil biglang bumukas ang pinto at iniluwal nito ang pumapalakpak na si Reyvan at nakangiting parang aso sa kanya.

"Baliw." bulong niya sa sarili at inismidan ito.

Nakasunod naman sa kanyang pumasok sila Keiyhl, Chandler at Mel.

She stood up. "Wow! San niyo nakita si Flash at nabahagian niya kayo ng powers nya? Ambilis nyo ah. Grabe." you can trace the sarcasm in her voice.

"Hahaha! Mainipin ka talaga Liyah." lumapit sa kanya si Mel at ginulo ang buhok niya.

"Mukha kang na-rape. Hahahha!" pang-aasar ni Chandler habang inaayos ang buhok niya tapos ay nagpaalam na aakyat muna sa kwarto niya. Sa mga kaibigan niya, si Chandler ang pinakamalambing sa kaniya. Parang nakababatang kapatid kasi ang turing sa kanya nito.

"Si Mel at Reyvan kasi, Beks. Ambagal maglakad kung ano ano pang mga kaek-ekan before gumorabels daig pa tayes! Hahahah!" paliwanag ng kaibigan niyang si Keiyhl sabay halik sa pisngi niya.

"Mga vaklush kasi." pareho silang natawa sabay appear.

Pumunta sa kusina sila Keiyhl at Mel. Si Reyvan naman ay naglakad palapit kay Merliyah.

"Ang galing talaga kumanta ng babe ko. Kaya lalo akong nai-in love eh." panunukso nito sa dalaga at tumabi pa sa kanya sa sofa. Umambang hahalikan siya nito kaya't dali dali siyang umurong papalayo.

"Naku, Reyvan. Tigil tigilan mo ako at baka maihampas ko sayo 'tong gitara ni Mel." sabay irap sa binata.

Alam kasi ni Reyvan na naging crush siya ni Merliyah dati noong hindi pa sila magkakabarkada kaya gano'n nalang kung asarin niya ang dalaga.

'Like I would date him? Duh! Dati ko lang siya crush. Lol.' sa isip ni Merliyah.

Tumayo siya at naglakad papunta sa kusina. Naabutan niya naman na abalang abala si Keiyhl sa harapan ng stove at si Mel naman ay gumagawa ng dip base sa ketchup at mayonnaise sa tabi ng bowl na nasa harapan nito.

Lumapit siya kay Keiyhl at tinignan ang dahilan ng pagkabusy ng kaniyang bestfriend.

Nagluluto pala ito ng french fries. May nakita pa siyang fishball sa lamesa.

"Ilang kilo 'tong fries saka fishball?" napansin niya kasing andami ata nilang binili.

"Two kilos 'tong fries tapos isang kilo naman 'yong fishballs." sagot ni Keiyhl na abalang abala sa ginagawa at hindi man lang siya nagawang tapunan ng tingin.

'Antakaw talaga nila. Ay! Namin pala. Hahah.' napangiti na lamang siya. Kung saang bagay sila nagkakasundong magbabarkada? Iyon ay sa pagkain at sa musika.

"Mkay." lumapit si Merliyah sa stool sa counter ng kitchen at umupo roon. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon. Binuksan niya ang wifi at ini-log in ang kaniyang Facebook account.

Hell Timothy accepted your friend request. Write on his timeline.

She don't usually send friend requests to people she don't know, personally. She just wanted to ask him something. So she started composing her message for him.

Hell Timothy David ✆ ⓘ
active now


5:34 PM
You are now connected on messenger.

Merliyah: Hi Kuya!
delivered 5:40 PM

She decided to browse her newsfeed and check her notifs while waiting for his reply.

Merliyah's done checking the comments and reactions on her recent posts but still walang reply galing sa binata. She tapped the chat head on the side of the screen. Hindi pa ito nasi-seen but Hell's online. She composed another message.

Merliyah: Uyyy! Kuyaaa!!! :)
delivered 5:58 PM

'With matching smiley emoticon pa yan kaya sana naman mag reply na siya.' she rolled her eyes as if the boy can see her.

She locked her phone's screen and stood up to get some water. Nauhaw na siya sa kahihintay ng reply sa binata.

Saktong pagkalapag niya ng baso sa lababo ay biglang nag-vibrate ang cellphone na hawak niya sa kaliwang kamay.

She immediately unlocked her phone and check if it's him. A small curve was formed on her lips when she saw a small red number 1 on the upper left of the chat head.

Merliyah: Uyyy! Kuyaaa!!! :)
seen 6:01 PM

6:01 PM

Hell: Uyy! Ate?

'Mabilis syang magreply ah.'


✘✘✘

Saktong pagtapos ko ng unang kabanata sa ginagawa kong kwento ay naramdaman ko ang pagbigat ng mga talukap ng aking mga mata kaya sinave ko na ito at pinatay na ang laptop ko. Bukas ko nalang siguro ipa-publish 'to.

Pumunta na ako sa higaan ko at nagdasal muna bago pinahinga ang katawan at utak ko.

--------
❤Selengdrina❤

So, that's it for chapter 1. Gusto ko lang pong malaman kung may nagbabasa ba ng kalokohang ito at kung naintindihan nyo po ba itong chapter na 'to? Hahahah!
Please feel free to write me any of your recommendations and comments about this chapter.

I appreciate every single letter of your COMMENT and your VOTE.

Thank you for reading. Love lots!❤

Her'sWhere stories live. Discover now