Chapter 2

21 3 1
                                    

Chapter Two: The Drummer

Merliyah.

Uhm.

Ehh.

Haaah.

What's with me? Ugh! For the first time of my existence in this earth, ngayon lang ako walang masabi sa isang lalaki. Where should I start? What should I say? Kainis naman.

How should I ask him to be the dirummer of our band? No. Wala pa kaming banda. Pinaplano palang namin ni Mel, he's the master mind.

Alam kong marunong mag-drums si Hell, Keiyhl told me. 'Yong dati kasing best friend ni Keiyhl nung elementary ay best friend ata ni Hell ngayon? Hmm..? Not sure.

"Chill, Liyah. Tense na tense ka d'yan ah?" puna ni Chandler sa akin. Nakita ko sa peripheral vision ko na naglakad siya palapit sa sofa kung saan ako kasalukuyang naka-upo.

"Sino ba 'yan at 'di maipinta 'yang mukha mo?" umamba siyang sisilip sa phone ko, kaya mabilis na ni-lock ko ang screen at tinago ito sa aking bulsa.

"Sikretong malupet!" sagot ko sa kanya at lumipat sa tabi ni Keiyhl at kumuha na rin ng fries sa table.

Nandito kaming lima sa salas, moma lang. Actually, sila lang ang nanonood. Napanood ko na kasi yung movie, Cabin in the Woods.

Binaling ko nalang ang atensyon ko sa itim na screen ng cellphone ko. Pinindot ko ang maliit na buton sa gilid, dahilan upang umilaw ito at lumitaw ang isang litrato na nagbalik nang daan daang ala-ala nang sandaling makita ko ito. Imahe ito ng isang lalaking kumakanta kasabay ng banda na tumutugtog sa likod niya. Kuha ito nung foundation day sa school last year.

Tss. Ba't ba palagi ko nalang nakakalimutan na palitan ang lockscreen ng phone ko?

Agad kong tinap ko ang settings at pinalitan ang wallpaper ng isang picture ng isang siamese cat. Si Bruno.

Napatulala na lamang ako sa wallpaper ko. Two years. Two years ko rin siyang inalagaan pero siguro nga wala talagang permanente sa mundong ito. Only change is the constant thing in this world. Siguro, ngayon masaya ka, pero bukas o mamaya, pwedeng hindi na. Everything will change.

Ba't ko ba naman kasi inisip na hindi ako iiwan ng isang pusa? Maiksi lang ang buhay nila kumpara sa mga tao.

Natigil ang pag-iisip ko kay Bruno nang maramdaman kong mag-vibrate ang cellphone na hawak ko.

Awtomatiko akong napangiti nang makita ko na litrato niya ang nasa maliit na bilog na lumulutang sa gilid ng screen ng phone ko.

It was Hell.

6:12PM

Hell: Hey! Still there?


Oo nga pala, nakalimutan ko siyang reply-an.

Merliyah: Uhm... Hello! Sa'n
ka nag-aaral?

Hala?! Ano ba namang klaseng reply 'yan Liyah? Jeez.


I stood up and go to the kitchen. I need to be alone, I need to think straight.

Pero tama lang naman na 'yon 'yong ni-reply ko kasi para 'di halata. Baka magtaka siya kung paano ko nalaman na marunong siya mag-drums tapos 'di na ako reply-an, mukha pa naman siyang masungit.

Base sa pictures niya sa FB, mukha siyang matangkad, matangos ang ilong, pink 'yong lips niya, maputi siya tapos singkit. Gwapo na rin, mukhang may Korean blood siya. I don't know. May kamukha nga siya eh. Hmm...? Sino nga ba? Ay, ewan. Basta may kamukha siya, 'di ko lang maalala kung sino. 'Di naman kasi ako mahilig sa K-Pop eh, si Keiyhl lang ang adik sa mga 'yon.

Her'sWhere stories live. Discover now