Chapter 2

3 0 0
                                    

"Sam, you're crying." puna ni Bryle sa dalaga habang nakatayo ito at nakatitig ang mga mata sa tanging tao na nasa stage.

"I need to go." sabay lakad ni Sam palabas ng bulwagan.

"Samantha!" habol ni Bryle dito

"Please Bryle not now! I want to be alone." may pagmamakaawa ang tinig ng dalaga.

labag man sa kalooban ni Bryle hinayaan nalang nya muna ang matalik na kaibigan. sa tagal ng pagsasama nila ngayon nya lang nakitang ganito si Sam. Sa kutob nya malaki ang epekto ng bagong member ng board dito. Pero bakit? sa anong kadahilanan?

Sa parking lot doon tila dipa din makahuma si Sam. kanina pa sya sa loob ng kanyang sasakyan pero pakiramdam nya ay para syang nanlalambot at nahihilo.

pakiramdam nya ay pinaglalaruan sya ng tadhana sa sitwasyon nya ngayon. Paano nya haharapin si Lucas sa mga susunod na araw? Nasa ganoon syang kaisipan ng biglang may nagbukas ng pinto ng sasakyan niya...

"I said move to the other side!"

"Lucas.. " halos hindi lumabas ang boses sa pagkakabigkas nya ng pangalan nito. Gayon pa man tila sya sunud-sunuran na lumipat ng pagkakaupo sa kabilang upuan ng sasakyan.

Si Lucas naman ay pumasok at umupo sa driver's seat.

"Give me your car keys!" tila nalilitong binigay naman ni Sam ang Susi kay Lucas.

Tila malayo na ang tinatahak nila. Kung di sya nagkakamali patagaytay ang tungo nila.

"Lucas, where do you think you're taking me?" halos nagkakabulol na ang mga salitang nasasabi nya.

Si Lucas ay di naman natinag sa pagmamaneho at tila di sya nadinig ng binata.

Huminto ng pagmamaneho si Lucas sa tapat ng isang modernong tila resthouse na overlooking sa Taal Lake. naunang bumaba ng sasakyan si Lucas at tuloy-tuloy itong pumasok sa bahay.

sa nalilitong isipan ni Sam binuksan nya ang pinto ng sasakyan, malamig na hangin ang sumalubong sa kanya kaya tila lalo syang sinamaan ng pakiramdam. Habang ang katawan ay nakasandal sa sasakyan nakatanaw sya sa pinto ng bahay. "Oh, Samantha, You need to make it to that door." wika nya sa sarili.

nahihilo talaga sya, pero pinilit nyang maglakad para makapasok sa loob ng kabahayan. Di nya matukoy kung bakit sya nakakaramdam ng ganito, kung dahil ba sa matinding puyat nya ng mga nakaraang araw, yung alak na nainom nya o ang masilayan ulit si Lucas?

Isinandal nya ang katawan sa likod ng pinto ng makapasok sya sa loob ng kabahayan. bumibigat na ang pakiramdam nya. Gusto na nyang mahiga at magpahinga. Ngunit paano? Magdadrive ba sya pabalik ng Maynila? Nalilito talaga sya sa mga oras na ito. Ano ang dahilan at dinala sya ni Lucas dito sa muli nilang pagkikita?

"You've really changed alot." malamig na wika ni Lucas na noon ay pababa ng hagdan. "You're drunk and you were going to drive?" panunuya nito.
"gawain mo ba talaga yan?" na noon ay palapit na ng palapit sa kinatatayuan niya.

"I-I'm nnot drunk!" dipensa ni Sam

"Oh, really? sige nga lumakad ka ng diretso papunta sa akin!" hamon ng binata

kung susuriin ni Sam ay nasa limang dipa ang layo ni Lucas sa kanya. Alam ng dalaga sa sarili nya na hindi sya lasing kundi sinasaman talaga siya ng pakiramdam at lalo pa siyang pinahihirapan ni Lucas.

Between yesterday and todayWhere stories live. Discover now