"Pagkatapos ng graduation mo next week doon ka muna sa tita mo sa Maynila titira."
"Ma, parang awa mo na paano ang pag-aaral ko sa college?" pagsusumamo nito sa ina.
"wag ka na muna mag-aral! magtrabaho ka na muna doon at tsaka ka na magaral ulit pag nakaipon na tayo."
Tila lalong gumuho ang mundo ni Sam sa sinabing iyon ng ina. Paano na sya ngayon. Paano na ang mga plano nya para sa kinabukasan? Paano na sila ni Lucas?
Ng mga sumunod na araw tila sya isang preso na nawalan ng kalayan. Inutusan ng nanay nya ang anak ng stepfather nya na ihatid at sundo sya sa pagpasok sa iskwelang pinapasukan nya. Ang binata ay halos kasing edad ni Lucas.
Sumapit ang araw ng kanyang graduation. kung ang kanyang mga kaklase ay masayang nagdiriwang sya naman ay tila nagluluksa sa bigat ng sitwasyong kinakaharap.
Isang malakas na tikhim ang nagpabalik sa isip ni Sam sa kasalukuyan....
"Malaki ba ang pinagbago ng itsura ko, Sam?!" habang ang binata ay hinigpitan pa lalo ang pagkakahawak sa kanyang mga braso na halos bumaon na ang mga daliri nito sa balat nya "and how about this? pakiramdaman mo kung malaki din ang ipinagbago!" hindi nya inaasahan ang sumunod na ginawa ni Lucas...
Hinawakan sya nito ng marahas sa baba at siniil ng halik ang kanyang mga labi. habang ang isang braso nito ay nakatali ng mahigpit sa kanyang baywang. tila mapagparusa ang mga halik na iyon...
"Luc..." pinilit nyang ipunin lahat ng kanyang lakas upang itulak ito, ngunit parang bakal sa tigas ang dibdib ng binata na hindi man lang natinag.
"Lucas, please... stop... nasasaktan mo na ako.. " ang binata ay parang binuhusan ng malamig na tubig, bigla itong huminto at itinulak sya palayo.
Pilit inayos ni Sam ang sarili. Dinama nya ng daliri ang kanyang mga labi at di sya nagkamali na ang nalalasahan nya na maalat ay bahid ng dugo...
"here, this will help.. " sabay abot nito sa kanya ng isang pirasong tube ice na nakabalot ang kalahati sa paper towel.
"I wanna go home..." pinipigilan ni Sam ang mga luha na kanina pa gustong kumawala sa kanyang mga mata. halo-halo ang kanyang nraramdaman para sa binata... takot, galit, sakit, pangungulila at higit sa lahat ang muling pagsibol ng kanyang pagmamahal dito.
"go fix your things. I'll take you home." malamig na wika ni lucas.
Pinagdrive nga sya ni Lucas gamit ang sarili nyang sasakyan hanggang sa inuupahan nyang condo sa may BGC. Ng makapasok sya sa loob ng kanyang unit doon nya pinakawalan lahat ng kanyang luha, pakiramdam nya ay pagod na pagod sya sa mga nangyayari.
YOU ARE READING
Between yesterday and today
Romance"Hindi porket iniwan tayo ng mga nagmamahal sa atin ay ibig sabihin ayaw na nila! minsan may mga dahilan lang sila kung bakit kailangan nila lumayo."