"I can't...." halos pabulong na sabi ni Sam.
"what do you mean you can't ?!!"
doon na hindi nakasagot si Sam at unti-unti na syang napaupo sa sahig.
Lahat naman ng galit sa mukha ni Lucas ay napalitan bigla ng pag-aalala sa dalaga... Halos takbuhin niya ang pagitan nilang dalawa.
"Sam?" iaangat sana niya ang dalaga mula sa sahig ng maramdaman ng mga kamay niya ang maiinit na braso nito. "Ang init mo ah!" lalo siyang nataranta, Totoong hindi lasing ang dalaga kundi may dinaramdam ito sa katawan. Inakala nya na lasing ito dahil nakita nya ito sa ballroom kanina na tinungga ang baso ng alak at ng pasukin nya ito sa sasakyan kanina ay amoy alak talaga ito.
Dali-dali nya itong binuhat at dinala sa master's bedroom. Tinanggalan nya ito ng sapatos at kinumutan hanggang baywang.
"Lucas.. " palabas na sana siya ng kwarto ng bigla siyang tawagin nito.
ng muli nya itong lapitan ay nakapikit naman ang mga mata ng dalaga.dahan-dahang umupo si Lucas sa gilid ng kama at noon ay walang sawang pinagmasdan ang magandang mukha ng natutulog na talaga. "I'll let you recover for now, but I assure you that tomorrow you're going to pay for ruining my life twelve years ago!"
Napabalikwas ng bangon si Sam Kinabukasan, agad sinuri ang sarili. muling inalala ang mga pangyayari ng nakaraang gabi. Nagmadali syang lumabas ng kwarto upang hanapin ang binata. Agad naman nya itong natagpuan sa may patio na nakaharap sa magandaang tanawin ng Taal.
"ikaw ba ang nagpalit ng damit ko kagabi?" magkahalong pagkailang at takot ang tinig ni Sam
"you slept for more than twelve hours, it's past noon already. Join me for lunch!" matabang na sagot ni Lucas
"You didn't answer my question."
"You owe me big for changing your clothes last night." panunuya ng binata
pasimpleng hinagod ni Lucas ng tingin si Sam na noon ay nakasuot ng puting cotton na long-sleeved na umabot lang ang haba sa gitna ng mga hita ng dalaga. kaya halos malantad ang mahahaba at mapuputing binti nito.
"Sa sobrang ganda mo kahit damit panlalake bumagay sayo." tila nanunuksong wika ni Lucas. "follow me to the dining room, I'm hungry already!" sa pakiwari ni Sam ay tila sya isang batang paslit na minamanduhan.
walang nagawa si Sam kundi ang sumunod sa binata. Hindi pa sya halos nakakarecover sa muli nilang pagkakita at heto buong magdamag sila magkasama sa iisang bubong at ang trato nito sa kanya ay tila napaka casual lang. Samantalang siya ay tila nahihirapan pakitunguan ito, sa simpleng tingin lang ni Lucas ay tila napapaso na sya.
"I need to go, can you give me my car keys?"
"why? are you in a hurry?"
"This is not proper, dalawa lang tayo dito and... " huli na para bawiin ni Sam ang mga nasabi. Gustong nyang sipain ang sarili sa posibleng pagbibigay nya ng malisya sa sitwasyon nila ng binata
"and what Sam?" sabay ngiti ng pilyo sa dalaga "come on! finish your sentence, I wanna hear it." habang lumalakad ito dahan-dahan palapit sa kanya.
pakiramdam ni Sam ay nagmumukhang tanga sya tuwing kaharap nya si Lucas. katulad nalang ngayon. Kaya mas minabuti nalang nyang di sagutin ang mga tanong nito at lumakad palayo.
Ngunit agad siyang nahatak ng binata pabalik dahilan upang bumunggo ang katawan nya sa dibdib nito. Ng magtaas siya ng tingin ay ang mga mata ng binata ang agad nyang nahagip. at tila ibinalik sya ng mga iyon sa kahapon
YOU ARE READING
Between yesterday and today
Romance"Hindi porket iniwan tayo ng mga nagmamahal sa atin ay ibig sabihin ayaw na nila! minsan may mga dahilan lang sila kung bakit kailangan nila lumayo."