Chapter 4

2 0 0
                                    

"Happy 14th birthday, love!" bati ni Lucas sa kasintahan sabay abot ng regalo.

"hala wag kang maingay dyan baka may makarinig lagot tayo, diba sabi ko sayo secret muna na tayo na." pagaalalang wika ni Sam

"ikinahihiya mo ba ko bilang boyfriend mo?" bigla sumeryoso ang boses ng binatilyo habang nakatitig sa kausap.

"of course not, natatakot lang ako na malaman ni mama at ng mga parents mo ang tungkol sa atin dahil for sure magagalit sila at malamang paghiwalayin nila tayo.... at di ko kakayanin yun Lucas." paliwanag ni Sam habang ang isang palad niya ay humaplos sa pisngi ng lalake

"gaano mo ako kamahal Sam?"

"mahal kita sa paraang gusto ko ikaw ang una at huli kong mamahalin."

"promise?" sabay hawak nya sa mga kamay ng dalagita. "oh, eh bakit parang nangingilid ang mga luha mo, love?" pagaalalang tanong nito na halos isang dangkal lang ang layo ng mga mukha nila sa isa't-isa.

"You have no idea how much you made me happy just by loving you. but I can't help being scared, hanggang kelan tayo pwede magtago?" tuluyan ng bumagsak ang mga luha nito.

dahan-dahang pinunasan ni Lucas ang mga luhang naglandas sa mga pisngi ng kasintahan gamit ang kanyang hinlalaki. "we will face this together, okay?"

sasagot pa sana si Sam ng biglang unti-unting lumapit ang mukha nito sa kanya.

Lucas is gently kissing her lips.... and the feeling is all new to her, because it's her very first kiss from her first love.

matanda ng 5 taon si lucas sa kanya. nasa senior high sya nung mga panahong iyon habang ang lalake ay nasa kolehiyo.

pagkatapos syang halikan ni Lucas ay niyakap sya nito ng buong higpit... "mahal na mahal kita, Sam. that's why I don't want to see you crying."

kinuha ni Lucas mula sa kanya ang kahon na inabot nya dito kanina bilang birthday gift at binuksan iyon para sa dalaga.

"Ms Samantha Concepcion, wear this ring and please marry me after finishing your college!" wika ng binata habang isinusuot sa kanya ang regalo nitong singsing na gawa sa white gold.

"you leave me with no choice Mr Lucas Gamboa." pabirong wika ng dalaga.

6 na buwan ang matuling lumipas, masaya na sana ang lahat ng biglang kausapin sya ng kanyang ina.

"alam mo ba na ipinatawag ako kanina ng mga magulang ni Lucas sa opisina nila?" pagsisimula ni aling Beth. namamasukan ang kanyang ina bilang mananahi sa factory ng mga Gamboa na pagawaan ng mga school bags.

"bakit daw po ma?"

"may mga nakakakita sa inyo dito sa bayan na madalas kayong magkasama ni Lucas." Singhal ng kanyang ina "alam mo ba na pwede akong mawalan ng trabaho sa ginagawa mo?!" nasa ganoong paguusap sila ng biglang may narinig ang nanay nyang ring na tila telepono na nagmumula sa bag ng anak.

"ano ito? sayo ba ito ha?!" habang hawak ni aling Beth ang cellphone na mula sa gamit nya. wala ng nagawa si Sam kundi ang maiyak, ito na yata ang kinakatakutan nya. malalaman na ng nanay nya ang tungkol sa kanila ni Lucas.

"Ma, wala naman po kaming ginagawang masama ni Lucas." paliwanag nya.

"oo sa ngayon wala pa, ang bata mo pa para makipag relasyon. At naisip mo ba na ang layo ng estado nyo sa buhay ha!? Samantha, Itigil mo na ito agad. Binalaan ako ng mga magulang ng lalaking yan na kung di kita mailalayo kay Lucas ay mawawalan ako ng trabaho!"

Nabuntis sa pagkadalaga ang kanyang ina at sya ang bunga noon. magisa syang itinataguyod ng kanyang Ina simulat sapul. Ngunit nitong kelan lang ay nagulat sya dahil sa bahay na nila biglang tumira ang kinakasama nitong lalaki na bukod sa mahilig sa barkada at alak ay wala pang trabaho. kaya hindi din sya masyadong naglalalagi sa bahay kapag andun ito dahil di sya kompotableng kasama ito tuwing ito'y nalalasing.





Between yesterday and todayWhere stories live. Discover now