Huminto at Lumiko
By: Allexandria FernandezSa isang pikit tila'y nag iba
Paligid na aki'y nadadarama
Dalwang puso na naging isa
Ngunit may sakit na laging iniindaPagod na sa pagsasama
Pagod na sa pagpapaasa
Ako ay bibigay
Pagkat hindi na kayaKelan ko ba ito ititigil?
Hangang kela ba ako magpipigil?
Gusto ko ng huminto
Gusto ko ng lumikoPero paano na ang pangako
Hahayaan na lang ba itong mapako
Sa nakaraan na unti unting naglalaho
Sa hinaharap na unti unting nagbabagoPinipigilan ang luha Sa aking mga mata
Hindi naiwasang mag-iba ang nadarama
Pero huwag nang magduda
Kasi sa huli'y minahal pa rin kitaKelan ko ba ito ititigil?
Hangang kela ba ako magpipigil?
Gusto ko ng huminto
Gusto ko ng lumikoPero paano na ang pangako
Hahayaan na lang ba itong mga mapako
Sa nakaraan na unti unting naglalaho
Sa hinaharap na unti unting nagbabagoHindi ko na alam ang aking gagawin
Hindi ko na alam ang aking sasabihin
SayoKelan ko ba ito ititigil?
Hangang kela ba ako magpipigil?
Gusto ko ng huminto
Gusto ko ng lumikoPero paano na ang pangako
Hahayaan na lang ba itong mga mapako
Sa nakaraan na unti unting naglalaho
Sa hinaharap na unti unting nagbabago