Pangarap na balewala
By: Allexandria Marie F. FernandezAko ngayo'y nililipad
Ng isip at pusong wasak
Nangingilid ang mga luha
Pangarap ay nasayang langAkala ko ay pwede nang
Ituloy itong pagsasama
Na masaya at walang problema
Walang maling inaalalaTayong dalwa'y ipinagkaloob ng Diyos
Bilang pusong nagmamahalan ng lubos
Na kapag iyong pinagdikit at pinagsama
Magiging buo, walang hadlang at maligayaNgunit lahat nang yon ay nawala
Na parang lobo sa langit na pinagpala
At ito ngayon ang puso'y nawawasak
Ng dahil sa pangarap na iyong binalewala