Chapter one: Dumi

231 9 0
                                    

THIS WORKS IS PURELY FICTIONATED. ANY RESEMBLANCE TO THE REALITY IS BUT A COINCIDENCE

THIS WORKS SHOULD NOT BE REPRODUCE IN ANY FORM OF ELECTRONIC FILES OR HARD COPY. PLAGIARISM IS A CRIME AND IS NOT PERMISSIBLE AND IS PUNISHABLE BY THE LAW

THE PICTURE USE IN THIS STORY IS NOT MINE:
CREDITS TO THE OWNER

Alright Reserved 2017.....



Liera's POV

Gumising ka na lierang engot,gumising ka na lierang engot,gumising kana lierang engot.

Hahh.... ... tumigil kang alarm clock ka. Sigaw ko sa isip ko.
Dali-dali kong tinungo ang aking kamay sa alarm clock at pinatigil ito. Nagtataka siguro kayo mga readers bakit ganun ang tunog ng alarm clock ko imbis na tunog, pangungutya yung lumalabas. Kaya ganyan yung alarm clock kasi nga gift ng halimaw noong araw ng kasal namin. Akala ko nga bumait na kasi may pa-gift-gift pang nalalaman. At 'yon na nga,nalaman ko na ang tunay niyang pakay. Swempre hindi para sumaya ako kundi kabaliktaran.

Bumangon na'ko sa kama ko at inayos ang higaan ko.
Sa iisa palang bahay kami nakatira pero kahit na mag-asawa kami magkaiba kami ng kwarto, nasa kabila 'yong sakanya. Pagkatapos kong ayusin ang higaan ko ay naligo na'ko tsaka bumaba para mag-agahan.

"Nay" sabi ko kay manang. Nanay ang turing ko sakaniya dahil maaga akong naulilah sa ina. At magmula noon, kahit pa noong naninilbihan palang ako sa pamilyang Cruiver ay tumayo na siyang parang nanay ko. Nakakatawa nga kasi siya yung yaya ng halimaw kong asawa. Kaya nga ng makasal kami ay sinabi ni Lance sa lolo niya na kong pwede
Isama nalang namin si manang sa titirahan naming bahay.

"Bakit anak?" Sabi ni manang

"Ano po'ng ulam?" Tanong ko sa kanya

"Hotdog anak at pritong itlog may kasama pang sinangag" sagot sa'kin ni manang

"Wow,hmmn... masarap yan nay^-^ Nga pala nay, si Lance nauna naba sa school?"

"Oo anak. Alam mo naman 'yon maagang pumapasok. Halika na anak kain kana" Sabi ni manang

At pumunta na'ko sa table at linapak na 'yong pagkain. Haha kawawang pagkain napagdiskitahan. Eh sa gutom ako eh..

Pagkatapos kong kumain ay naghanda na'ko para sa pagpasok sa iskwela.

"Nay aalis na po ako. Paalam nay" sambit ko bago binuksan ang gate

"Mag-ingat ka anak." Pahabol ni manang

At nagcommute na'ko papuntang school. Saklap no...si Lance nakasakay sa kotse,ako nagkocommute. Ayaw kasing ipaalam nang halimaw na'yon na kasal na siya kahit highschool palang kami at swempre ang pinakarason, ayaw niyang malaman ng school na isang katulad ko lang ang napangasawa niya. Palibhasa pang mayaman ang eskwelahang ito.

Pagkababa ko sa jeep naglakad na'ko patungong gate ng school. Malapit na lang naman na kaya nilakad ko na. Hindi ko gusto na maging grand entrance pa yung pagpasok ko sa school. Kasi nga kapag nakita nila na sumakay ka nang jeep. Ikaw na naman ang pagdidskitahan nila. Rich kids bastards talaga. Kung ako lang naman hindi ko ikinakahiya na nagjejeep ako. Pero ayoko ko lang makahanap pa ng gulo, kaya heto ako ngayon naglalakad sa gate.

Pagkapasok ko ng gate ay deretso na'kong pumunta sa classroom na kinabibilangan ko.

4th year na pala ako section B...at ang halimaw kong asawa ay 4th din pero sa section A siya nabibilang

"BESSSSS...." sigaw ni Ana, bestfriend ko sabay yakap sa'kin. Siya lang din ang nakakaalam nang sekreto ko. Na asawa ko si Lance na mayabang.

Di nagtagal ay pumasok na si Ma'am Neveras.

One Roof With Mr. Lance CruiverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon