Liera's POV
Di ko namalayang nakatulog na pala ako. Pagkakita ko sa orasang nakasabit sa pader ay eksaktong 9:00 Pm na. Di ko pala natawagan si manang. Matawagan nga. Kinuha ko ang cellphone ko at dali-daling binuksan. Ngunit nagulat ako sa nakita ko. Madaming missed calls and texts at mula sa halimaw ko pang asawa.
Binuksan ko ang isang text
"SAGUTIN MO YUNG PHONE MO PWEDE?" Sabi niya sa text. Binuksan ko naman yung isa
"NASAAN KA NA BA HA?"
Lagot galit na naman yung halimaw na yun. Huyy Liera huwag mo na ngang intindiin yung halimaw na yan, diba wala naman siyang pakiaalam sayo?.... tama nga, hahayaan ko nalang yang halimaw nayan. At imbis na siya ang tawagan ko ay tatawagan ko nalang si manang.
Idinial ko yung number ni manang.
"Hello nay." Pambungad ko
"Oh anak nasaan ka na ba ha. Kanina pa kami naghahanap sayo. At si Lance kanina pa tawag ng tawag sayo. Di ka naman sumasagot." Sabi ni0 manang sa kabilang linya
Narinig ko ang boses ni halimaw sa kabilang linya.
"Nay si Liera ba yan?" Sabi niya, bakas sa boses niya na galit siya
" siya nga hijo" sagot ni manang sa kanya
"pakausap nga ho."
No di pwede ayoko. Huli na ng mapagtanto ko kung ano ang dapat gawin. Siya na ang nakahawak sa kabilang linya
"HEY... WHERE ARE YOU?DO YOU KNOW WHAT TIME IS IT?" galit niyang sabi. Hindi ako makapagsalita.
" ANSWER ME OKAY!!!" ma awtoridad niyang sabi.
" na-sa-ba-hay-ni-ta-tay" utal kong sabi.
"Wait there ok.,I'm gonna pick you up." Sabi niya
"Pero ayoko ko pang umuwi" sagot ko naman. Galit ang boses ko ngayon. Diba wala siyang pake sa'kin bakit ngayon kung makaasta akala mo daig pa ang asawang concern.
"NO BUTS LIERA. I'M GONNA BE THERE WHETHER YOU LIKE IT OR NOT" pasigaw na namang sagot niya. Tsaka pinatay yung phone.
30 minuto na ang nakalipas magmula ng tawag ko sa bahay. Bumaba ako sa living room upang sana ay makausap si tatay nang biglang tumunog yung doorbell. May tao nga yata sa labas. Malamang Liera tao yan. Alangan namang hayop na nagdodoorbell. Ok sorry subconscious ko, bakit ba paipal ka.
Dahang dahan kong tinungo ang pintuan. Sino nga ba tong taong to. Sa ganitong dis oras pa tagala ng gabi bumisita. Aswang ba siya? O kaya magnanakaw. Lagot baka magnanakaw nga. Wait Liera, may magnanakaw bang nagdodoorbell? Sabagay tanga lang magnanakaw ang gagawa nun. E kahit na, baka masamang tao parin yan. Bago ko buksan ang pinto ay kumuha muna ako nang pamalo. Binuksan ko dahan-dahan yung pinto at tsaka
"Ahhhh.." sigaw ko sabay hampas sa taong pumasok
"Aray..." sa lakas ng pagakakhampas ko napakapit sa ulo niya ang taong hinampas ko. Na di ko inaaasang, ang halimaw kong asawas pala.
Pagkita ko sa parteng nahampas ko ay nagduduho na pala.
"Ahh... sorry Lance!! Akala ibang tao na may masamang balak. "paghingi ko ng tawad sa kanya.
"Masakit ba?" Tanong ko. Nagiguilty ako. Bakit ba kasi. Lagi mong pinagagana yang katangahan mo Liera ha?
"YOU" naghihintay na'ko sa idudugtong niya. Kahit masakit pakikinggan ko parin. Pero imbes na itoloy niya. Ay nagulat ako sa mga susunod na nangyari.
NIYAKAP NIYA AKO 0o0
"Oh Lance anak nadyan ka pala. Teka nagdudugo yang ulo mo. Napano ka ba anak?" sabi ni tatay. Hmmp kaya pala. Kaya niya ako niyakap kasi nandyan si tatay. Huwag kasing asyumera Liera okay?
"Wala ho. Napalo lang ako ni Liera sa ulo. Di niya po sinasadya
BINABASA MO ANG
One Roof With Mr. Lance Cruiver
Teen FictionWhat if you need to live in a different house?Not just a typical one but a house of a prince who have the heart of a monster. And the worst case is that you need to marry him. What will you do? Ako nga pala si Liera S. Cruiver, 17 years old. Bakit C...