Chapter 2 Unexpected

4.6K 96 1
                                    

A/N

Edited

Chapter 2

Unexpected

~~~~~

Bata pa lang ako ay talagang pinapantasya ko na ang pagkakaroon ng Beloved. Isa sa pinaka nakamamanghang gawa ay ang pagkakaroon mo ng ganito. Para sa mga bampira ito ang dahilan kung bakit hindi sila namamatay.Mabango para sa kanila ang amoy ng beloved nila. Masarap at nakakapanlaway ang mga dugo nila ngunit hindi nila ito pwedeng gawing pantawid uhaw. Kapag naghalo ang dugo nilang dalawa ay mas tumitindi ang koneksyon nilang dalawa. Ito ang nagiging sagradong dugo para sa kanila. Sa unang pagkakataon ay nakakaramdam ang mga batong puso nila ng pagmamahal. Ikaw at ikaw lang ang mamahalin nila.

Para sa mga taong lobo pinagkalooban sila ng Mate. Kagaya ng beloved ay naaakit din sila sa amoy ng Mate nila. Amoy na nagpapaulol sa lobo nila. Hindi sila mapapakali kapag nawala ang amoy ng isa't isa. Ikaw ang nagiging posesyon nila. Kayo lang ang makakapag kalma at makakaintindi sa isa't isa. Minamarkahan nila ang mate nila sa pamamagitan ng pagkagat nila sa leeg ng mate nila. Naghahalo ang amo'y nila at mas napapadali sa kanila na mahanap kung nasaan ang isa't isa.

"Ma...ma.... mauuna na ako" pautal utal kong sabi sa lalaking nakatingin sa akin

Hindi ko alam ang gagawin ko at gusto ko nang umuwi sa bahay. Hindi ko inaasahan na ganito ko makikilala ang beloved ko.

Gusto ko syang makasama pero natatakot ako. Hindi ko pa alam ang gagawin ko sa mga ganitong pagkakataon. Gusto kong yumakap kay kuya at marinig na sabihin nya na okay lang ang lahat.

Bampira ang pinaghandaan kong makakasama ko hindi isang taong lobo. Akala ko talaga bampira din dahil umiinom ako ng dugo. Wala akong gaanong alam sa lobo.

Kalimitan ay nagpapahanap ang mga babaeng bampira sa lalaking bampira na mayroong kasamang alay ng dugo.

Pero sa mga lobo? Ano bang ginagawa nila kapag nahanap na ang kanilang mate?

"Saan ka pupunta?" Tanong naman niya sa akin

Parang nanghihina ang mga tuhod ko sa boses nya.

"Uuwi na ako" sagot ko sabay alis

Alam kong katangahan itong ginagawa ko pero natatakot ako. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Alam kong sinusundan nya ako pero masyadong mataas at malalago ang mga puno dito kaya mahirap makita kung nasaan ako.

Nagpaikot ikot din ako upang hindi niya malaman kung saan ako nakatira.

Ilang beses din akong nagdaan malapit sa may talon upang matakpan ng amoy ng tubig ang amoy ko.

Pagkauwi ko sa bahay ay naroon na ang mga magulang ko

"Bakit ngayon ka lang? Akala ko ba nangaso ka? Wala ka man lang uwing karne?" Tanong sa akin ng mama ko.

Nakaupo siya sa sofa kasama si Papa. At parang may pinaguusapan silang importante.

Nakalimutan ko yung karne ng usa na nakasabit sa puno nung tinulungan ko yung lalaki kanina

"Ah nag gala lang po ako saglit sa gubat. Maliit lang po mama yung pinatay ko kaya pati karne kinain ko na. Sorry" pagsisinungaling ko

"Ganiyan talaga ang bunso niyong anak aking ina. Isang madamot at walang kunsiderasyon" singit naman ng ate ko.

Mayroon na naman siyang topak.

"FYI. Hindi ako nagdadamot sadyang wala lang akong makitang usa o ano mang malaking hayop sa pangangaso ko" palaban kong sabi.

ImprintTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon