Chapter 5

2.9K 88 32
                                    

Chapter 5

~~~

"Mahal na prinsesa? Pinapatawag po kayo ng mahal ng reyna"  bahagya naman akong nagulat nang magsalita si Silvano. " Ano po ba ang iniisip ninyo at kanina pa kayo nakatulala?" tanong niya sa akin

Pagkatapos ng seremonyas ay dumaretso na agad ako sa bahay bahayan ng prinsipe upang magpahinga. Hindi ko sukat akalain na nakakapanghina pala ang ganoong seremonya. Mukhang kakailanganin kong matulog ngayong gabi kahit hindi pa araw ng pagtulog ko.

"Silv, sabihin mo nga sa akin. Ano bang nangyayari sa buhay ko? Para saan ba yung ginawa natin kanina? Alam mo, Kakaunti lang ang alam ko tungkol sa mga taong lobo at bampira. Kaya tulungan mo nga ako. Maari mo bang sabihin sa akin lahat ng nalalaman mo?" sabi ko habang hawak hawak ko ang aking ulo na para bang sumasakit ito.

"Ang mahal na reyna po ang sasagot sa lahat ng inyong katanungan. Kaya po magtungo na kayo sa silid aklatan" mahinahon niyang sabi. Nagtungo siya sa sa pintuan at bunuksan ito para sa akin.

Napabuntong hininga ako at tumayo na sa aking pagkakaupo. Mukhang ang reyna nga lamang ang maaari kong pagtanungan na sigurado akong sasagutin ako ng matino.

Sinundan ko siya sa silid aklatan kung nasaan ang reyna

Nanlaki ang mata ko sa dami ng libro sa silid na ito. Ang buong pader ay isatanteng lagayan ng libro. May ilan ding hanay ng lamesa at sofa. Isang malaking globo ang nasa gitna ng aklatan kung saan naka titig ang mahal na reyna habang kausap si Hans.

"Gusto kong magbakasyon sa lugar na to Hans" sabi ng Reyna at itinuro ang Antartica. Napailing na lang si Hans habang sapo sapo nito ang ulo niya. "Hindi pa ako nakakapunta dito" pagturo naman ng mahal na Reyna sa Africa.

"Napuntahan na natin yan" sabi naman ni Hans at inikot ang globo

Mukhang malapit na magkalapit talaga sila sa isa't isa, para lamang silang magkaibigan kung magusap. Kung may ibang taong ganito makipag usap sa reyna paniguradong putol na ang kanilang ulo at pinapakain sa mga hayop sa kagubatan.

"Naandito na po ako" Pag agaw ko ng atensyon nila.

Sabay naman silang lumingon sa akin

"Ah... Hans maaari ka nang lumabas" utos namn ng reyna

Tumango lamang si Hans at lumabas kasama ni Silv.

"Kamusta naman ang iyong pakiramdam?" nakangiting tanong sa akin ng reyna

"maayos na po kaysa kanina" tugon ko habang nakangiti.

"Halika, siguradong marami kang tanong" sabi niya 

umupo kami sa isa sa mga sofa at nagsimula nang magkwento ang mahal na reyna

marami akong hindi alam sa  mundo ng mga taong lobo kaya't halos lahat ng sinasabi ng reyna ay bago lamang sa aking pandinig.

Nalaman ko na nasa panganib pala araw-araw ang buhay ng reyna. Naunawaan ko na kung bakit sinabi ng prinsipe na hindi maaaring lumayo si Hans sa reyna. Si Hans ang papalit sa hari kung sakasakaling may mangyaring hindi maganda sa hari. Siya ang poprotekta sa susunod na henerasyon at sa reyna. Kaya pala ganoon na lang galit ng prinsipe kay Silvano noong nakita ko sya. Tinuturing na kaagaw ng lobo ng prinsipe si Silv ngunit hindi niya ito pwede saktan dahil sa responsibilidad nito.

Madami pa kaming napagkwentuhan ng Reyna ng gabi na iyon at natigil lamang nang mapunta ang atensyon ko sa amoy ng beloved ko

"Anong problema?" Tanong ng reyna sa akin

"Ah... Wala po"

Tinaasan ako ng kilay ng Reyna na para bang alam nyang nagsisinungaling ako. Inamoy niya ang hangin, paniguradong naamoy nya din ang naamoy ko kaya ngumiti sya ng nakakaloka at napailing

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 03, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ImprintTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon