Chapter 4

4K 106 40
                                    

ONCE AGAIN~ I'm still editing this whole thing. So please don't ask why this why that. I'm fucking editing it.

Chapter 4 Edited

"Hans, Nasaan na siya? Kanina ko pa sya inaantay. Borlogs na ak- AY! naandito ka na pala Jazz!" sabi ng mahal na Reyna pababa ng hagdan nila

Inikot ko ang aking paningin sa loob ng kastilyo. Kung anong kinaganda nung labas ay ganun din ang ganda ng loob ng kastilyo. May halong moderno at makaluma ang mga disenyo. Hindi mo aakalain na sobrang tagal nang nakatayo ng kastilyong ito.

"Mahal na reyna" bati nang kawal sa reyna at siya ay yumuko

"Magandang hapon po mahal na reyna" bati ko dito sabay luhod sa kanyang harap. Ito ang tamang pagbati ng mga taga labas ng palasyo sa mga dugong bughaw.

"Naku! ano ba! Hindi mo na kailangang lumuhod pa sa harap ko! magiging reyna ka din sa susunod kaya hindi na kailangan yan! tignan mo nga si Hans yumuko lang sya.gaK ganern lang" sabi nang reyna habang pilit akong pinatatayo sa aking pagkakaluhod

Napangiti naman ako sa mga gaKkmit na salita ng reyna.

"Nagmukha tuloy akong walang respeto sa pagbati ninyo mahal na prinsesa" natatawang sabi ni Hans

Bumilis naman ang tibok nang puso ko sa pgtawag niya sa akin ng prinsesa.

Prinsesa, yan na nga ako simula nang makita ko ang aing beloved. Unti-unti ko nang nararamdaman ang responsibilidad na aking dadalahin hanggang sa ako ay tumanda.

"Halika na, Dadalhin kita sa kwarto ninyo ng Prinsipe" Sabi ng mahal na reyna habang hatak hatak niya ang aking mga braso. "Hans paki sunod na lang yan ha?" pahabol niya kay Hans

"Masusunod po"

Hindi ko alam kung saang palapag ako dinla ng mahal na reyna dahil manghang mangha ako sa mga display nila sa plasyo pero alam kong mataas na ito dahil nakailang akyat kami ng hagdan

Dinala niya ako sa pinaka dulong bahagi ng pasilyo at bumungad sa amin ang malaking pintuan na may nakabantay na dalawang kawal.

"Dito ang kwarto niyo" sabi ng reyna at pinagbuksan kami ng kawal ng pinto.

Napanganga ako at napatingin sa reyna

"Ah. actually, Bahay sya sa loob ng bahay. Gets?" sabi nang reyna at hinila ako papasok ng hindi maintindihang kwarto na bahay ng Prinsipe.

Napaka ganda ng lugar at ibang iba ang ayos nito, hindi ito katulad ng palasyo na pinaghalo pero talagang modernong moderno ang loob nito at makikita mong isang binata ang may ari.

"Nung mga 14 years old sya tsaka nya pinagawa to. Sa sobrang laki ng palasyo at sa sobrang busy namin ng Hari hindi namin namalayan na pinapaayos nya pala tong lugar na to para maging kwarto nya. Ginamit nya ang pera niyang nakuha niya sa pakikipaglaban para lang dito" Natatawang sabi ng reyna.

Huminga ako ng malalim. Ang buong lugar ay nababalutan ng amoy ng prinsipe at walang kahit anong amoy ng mga kawal o katulog ng palasyo. Nginitian ako ng reyna nang makita niya ang aking ginawa. Napayuko naman ako sa hiya. Nakita nya akong sinisugurong walang ibang amoy dito.

"Wag kang mag-alala. Walang pinapapasok dito ang prinsipe. Ayaw nya ngang maamoy ang kung sino man sa amin dito sa loob ng kwarto nya eh. Sa totoo lang pangatlong beses ko pa lang nakakapasok dito. Masasabi mong masungit ang prinsipe pagdating sa mga bagay na kanya. Talagang isa syang tunay na Alpha. Naku! ang daldal ko ba? pasensya na hija. Wala kasi akong gaanong makausap dito sa palasyo kaya natutuwa ako na may dagdag na miyembro ang aming pamilya"

"Ah ayos lang po. Natutuwa nga po ako at hindi ko po aakalain na tanggap niyo po ako. Talaga pong nagpapasalamat ako sa inyo."

"walang anuman. Sige na. Maiwanan na kita para naman makapag pahinga ka. pasensya na talaga hindi ka namin matutulungan na ayusin ang gamit mo. Magagalit ang prinsipe kapag kumalat sa kwarto niya ang amoy ng ibang tao" sabi ng reyna. Napalunok naman ako sa mga sinabi nya at pinanood ko lang sya na maglakad papalabas ng kwarto

ImprintTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon