Chapter 3

3.9K 100 8
                                    

A/N

Editing

I'm still editing this chapter.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chapter 3

"ang mata mo.." sabi niya sa akin pero hindi ko ito pinansin

Kusang gumalaw ang katawan ko at kinagat ko sya sa kanyang leeg. Ang lugar kung saan ko ilalagay ang aking marka upang makita ng lahat na akin sya. Kakaibang pakiramdam ang hatid nito sa akin. Nag iinit ang buong katawan ko at hindi ko mapigilan na tikman ang kanyang dugo. 

Dinig na dinig ko ang mabilis niyang paghinga sabay ng kayang ungol na pang lobo. Hinawakan niya ang aking bewang na parang inaalalayan niya pa ako. Pagkatanggal ko ng aking pangil ay dinilaan ko ang kinagatan ko upang maghilom ang sugat. Hinalikan ko ito ng isa at inamoy ang naghahalong amoy namin sa katawan niya.

Bigla naman akong natauhan ng bigla niyang hawakan ang aking mukha. Ano bang nangyayare sa akin? bakit ko sya minarkahan

"Ah.a-a-ano. h-h-hindi ko. hindi ano" pautal utal kong sabi. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. 

Bihira lang magkaganito ang aking lobo. hindi nya basta basta kinokontrol ang katawan ko nang ganito. ano ba talagang nangyayari sa akin. Hindi normal na ang babae ang unang magmamarka. Kalimitan ay ang lalaki ang mauuna, simbolo na kaya niyang pangunahan ang relasyon na mabubuo sa inyong dalawa. 

Napatingin ako sa kanya nang tumawa siya ng malakas

"anong nakakatawa?" tanong ko sa kaniya. 

Hindi nya ako sinagot at nahiga na lamang siya sa higaan ko.

"bukas, magimpake na ka. Doon ka na titira sa bahay ko. Gusto mo man o hindi, susunod ka sa utos ko. Matulog ka na dyan sa tabi ko" wika niya bago niya isinubsob ang mukha niya sa unan.

sa bahay nya na ako titira? sa bahay niya? kaniya talaga? Pano na yan? Ayaw ko pang umalis sa puder ng mga magulang ko. 

"Hindi ba pwedeng sa isang buwan na lang? masyado naman atang maaga para dun diba? naririnig mo ba ako? naiintindihan mo ba ako? Ayaw ko pa ng ganun. Gising ka pa ba? Wag naman ganito. Mahal na Prinsipe." pagmamakaawa ko sa kaniya. Alam ko namang gising pa siya pero hindi nya lang pinapansin ang mga sinasabi ko.

Tumayo ako sa aking kama at nagtungo sa malaking sala sa gilid ng aking kwarto upang doon matulog. Sobrang inaantok na talaga ako. Bukas ko na lang kakausapin ang Prinsipe tungkol dito. Mas mabuting itulog ko muna ito.

Wala pa yatang limang minuto ang aking pagkakahimbing nang maramdaman kong parang lumulutang ako sa ere at may nakapulupot sa katawan ko na nakakakuryente. Minulat ko ng kaunti ang aking mga mata. Nakita ko ang aking mate na may inis sa kanyang mukha. 

"Hindi ba't sabi ko sayo matulog ka sa tabi ko" dinig kong sabi niya ngunit antok na antok na talaga ako upang magsalita pa bagkus lalo ko pang inilapit ang ulo ko sa kanyang leeg

Naramdaman ko naman ang malambot kong higaan pagkatapos ay nahiga na siya sa aking tabi

"Matulog ka ng mahibing aking mahal" sabi niya pero hindi ko gaanong narinig dahil dahan dahan na akong nilalamon ng aking antok

Pagkagising ko kinabukasan ay wala na sa tabi ko ang aking mate ngunit napangiti naman ako ng bahagya nang mag iwan siya ng sulat.

"Magimpake ka na, susunduin kita mamayang ala-tres ng hapon"


Dugong bughaw talaga ang aking mate.Kitang kita naman kung paano niya ako utusan kahit sa sulat. Kagabi ganito din, akala mo isa lamang akong katulong sa kanilang palasyo kung makapag utos. 

ImprintTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon