Chapter 2: Ace Sammuel Javier

43 3 6
                                    

Chapter 2: Ace Sammuel Javier

“Miss. Yung utang mo pala. 100 pesos +75% interest.” Pumangalumbaba niya kong tiningnan..take note! Lahat ata ng estudyante dito sa canteen ay narinig ang sinabi niya!! Curse this guy! Curse him!

Umakyat ata lahat ng dugo ko sa mukha sa kahihiyan! I had enough for this day! What to do?! All I want is to punch his oh so handsome face! Arg! Did I just said handsome?

“Brad, maya ka na manligaw. Tara na!” napalingon kaming tatlo sa lalaking nagsalita. Si Paulo pala, kasama si lea. Agad rin naman silang ngumiti samin. Err, classmate namin sila at mababait naman.

“tsk!” mabilis na tumayo  ‘tong lalaking katabi ko. Akala ko aalis na siya, pero lumingon muna ito sakin at ngumisi sabay kindat. Lechugas!

“Bye girls!” at tuluyan na silang umalis. What was that? Bakit kilala nila Paulo yung lalaki na yun?

“girl! Close kayo ni Ace?” nabaling ang tingin ko kay sheena na  maigi akong tinitignan, na akala mo bang may inililihim ako sakanya. Teka, ano daw?

“Ha? Sinong Ace?” takang tanong ko.

“duh! Yung katabi mong lalaki.” Poker face niyang sabi.

“ah! So, Ace pala pangalan non?!”

“Hindi mo alam? E classmate natin yun ah!” wait lang, nabingi ata ako?

what?!! You sure?”

“sure na sure. Irregular kasi yon saka madalang pumasok.” ngiting-ngiti niyang sagot. E kaya naman pala pamilyar yung pagmumuka ng lalaking yun! Akala ko pa naman hindi ko na siya makikita, pero wala pang isang araw nagtagpo na ulit landas namin! “so, mukha naman kayong close. Pero bakit hindi mo siya kilala?”

“ewan! Hindi kami close ah.” Tanggi ko. E totoo naman diba. Tinignan niya lang ako na parang hindi kumbinsido sa sagot ko. Huminga ko ng malalim bago magsalita ulit.  S-siya kasi yung…yung… lalaki sa jeep kanina.” Patay talaga ko!

“ooh! You’re so lucky Girl!! “ really huh? Did she really know what lucky really means? “He’s so gorgeous and HOT! Shet, parang gusto ko na ding umupo sa pagitan---“ binatukan ko na agad bago pa niya maituloy. Loka loka talaga!

“Para san yun aber?! I’m just stating the fact. Ang dami kayang may gusto na classmate natin dun. Crsuh ko nga yon e! so, ano ano pakiramdam na maupo sa pagitan ng----” kinikilig niyang sabi. Seriously?

“whatever! Di ko talaga siya kilala.”

“palibhasa kasi masyadong focus mo don sa EX mo. Ayan tuloy di mo naaapreciate yung mga gwapong nilalang! Hahaha” I looked at her with disbelief. “what? Totoo naman diba? Move on na kasi girl. Hindi dapat pinag-aaksayahan ng oras yung sira*long yon!” I can’t blame her. Malaki kasing ga** yung ex ko. Hays.

“tsk! Hindi ko na yun naaalala noh! now tell me sino ba yung Ace na yon?” don’t get me wrong, hindi ako interasado sakanya. But there’s something ‘bout me that makes me want to know him. Like, why I didn’t noticed that he’s my classmate. It’s weird. Or maybe my mind just really pre-occupied by someone who shouldn’t be there at the first place.

“sabi ko na e! type mo rin noh?!” sinamaan ko lang siya ng tingin. “okay! Joke lang. Pwede magjoke diba? Haha! Anyways, siya si Ace. Ace Sammuel Javier. Sa totoo lang wala akong ganong alam tungkol sakanya. Para kasing masecreto yung taong yun!”

His Second OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon