Feb 13

24 0 0
                                    

Chapter 3: Feb 13

Hey. It's Feb 13. I know, right? Hahahahahahahaha. Bukas na ang kasal namin ng lalabs ko, ay este, date lang pala.

Woohh. Well, it's been a week since the last time we talked about our date for tomorrow. Sana nakapaghanda na sya.

He he he. I told him kasi na sya nalang ang maghanda dahil sya ang lalaki. It's his responsibility since pumasok sya sa isang relasyon. He agreed to me naman. Mwahahaha. Ang galing ko talaga. Ano kaya ang inihanda ni lalabs para sakin? Hmmmm....

---

Sana man lang makita ko sya ngayon. Kahit isang sulyap lang.

Charness. Ang oa ko na talaga. Hayy naku. Pano ba to? Mahal ko si Arvin Denieva eh.

--

It's 3:45 pm, it means vacant ako ngayon at 6:30pm pa ang next class ko. Malapit lang naman ang bahay namin eh. Umuwi kaya ako? Sus. Uuwi na ako.

Pagdating ko sa bahay...

Pinuntahan ko agad si mama. Nasa labas kasi sya kasama ang mga kaibigan nya. Nandun sila malapit sa garden. Si mama talaga, parang teenager parin. Meron kasi syang mga kaibigan at ang sesexy nila. Pero minsan lang sila nagkikita. Siguro once a year lang sila nakakabisita dito sa amin... Ehem ehem. Ang babata lang nilang tignan. Ganun din si mama. Sa katunayan mas maganda si mama sa  kanila eh. Ang sexy ni mama, matangos ang ilong, maputi, maganda, mabait at matalino pa. Oh diba, winner? Haha. Hindi ko sinasabi ito dahil mama ko sya. Totoo talaga. Promise! Maganda ang mama ko. Hindi makikita sa pisikal nyang anyo (lels) na may anak na syang third year college ngayon.

"Hello mama. Hello mga tita!" nagbeso-beso pa kami huh. Napaka-awkward kaya. Haha.

"Ang laki mo na iha huh. Ang bilis lang talaga ng panahon." sabi ni tita Alison. Sa mga kaibigan ni mama, si tita Alison ang pinaka-paborito ko. Ang bait nya kasi sa akin eh.

Naaalala ko pa yung bata pa ako, dinala nya ang anak nya na ka-edad ko. Lalaki sya. Ang sungit-sungit ng bata na yon. Haha. Akala ko nga bakla yun eh. Napaka-snob, sobra. 6 years old pa siguro kami nun.

Hindi kasi ako palakaibigan noon. And I don't really like making friends except for my bestfriend Sean. Siya lang ang gusto kong kalaro. Napaka-caring kasi ni Sean kahit noong bata pa kami.

Pero isang araw, nagbakasyon sila Sean sa America. Nandoon kasi ang lolo't lola nya. Kaya naiwan akong mag-isa. Sobrang lungkot ko nun. Kahit anong gawin ni mama at ni papa, wa-epek parin sa akin.

Kaya ayun, dinala ni tita Alison ang anak nya na ka-edad ko. Ewan, hindi ko alam kung anong pangalan ng batang yun. 'Masungit na bata' kasi ang tinatawag ko sa kanya.

Una mabait sya sa akin. Pero mabait lang pala sya sa akin kapag nandoon sina mama't tita. Sa totoo, ang sungit sungit sungit nya. Pinilit lang siguro sya ni Tita Alison na kaibiganin ako.

Kahit na ayaw ko ng ibang kaibigan at kahit masungit yung bata na yun, gusto ko syang maging kalaro. Ewan ko ba. Gusto ko lang siguro noon ng kalaro kasi wala si Sean.

"Huy batang masungit. Laro tayo." sabi ko sa kanya.

Sumimangot ang mukha nung batang masungit. Pero paano to, gusto ko ng kalaro? Huhu T^T

"Laro tayo doll house. Sige na. I have toys. I have Barbies." haha sa lahat lahat, doll house pa ang nasabi ko with Barbie-barbie pa.

Bigla nalang kuminang ang mga mata ng batang masungit at nagsmile ng napakalaki. Haha. Bakla tong batang ito.

"Okay." at bigla nalang nawala ang kasiglaan ng mukha nya pagkatapos nyang sabihin yung okay nya.

Nung naglalaro na kami ng doll house, kitang-kita ang future nya. Magiging bakla sya. Haha.

Pagkatapos nun, hindi na ulit bumalik yung batang masungit. Hindi na sya dinala ulit ni Tita Alison. Hindi rin ako nagtanong kung anong nangyari sa kanya or ano bang pangalan nya. Wala akong balita sa kanya.

...

"Magpapahinga muna ako mga tita huh. Napagod kasi ako sa school. Bye mga tita."

"Sige iha." sabi nila

Pagpasok ko sa bahay hinanap ko si manang Lyn, yung katulong namin.

"Manang, pwede mo ako gisingin ng 6:00pm. 6:30 pa kasi class ko." sabi ko kay manang.

Tumango lang sya.

Hayy. Makatulog na nga.

I'm In Love With A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon