All of a Sudden : Conceited Jerk

25 0 1
                                    

C A M I L L E ' S  P . O . V

Umiiyak siya sa balikat ko ngayon, di ko alam pero nag-guilty ako dun sa ginawa ko, Oo, alam ko naman na di niya sinasadya yun.

Nung nakita ko siya dito sa may beach, bigla akong nanlambot sa mga sinsabi niya, She loves Reine so much. Narinig ko pang kinausap niya si Tiffany, nung natapos sila mag-usap, na ako nag lakas loob na lapitan siya. Sinabi ko na iiyak niya na yung lahat ng sakit,

Mga 30 minutes na rin kaming andito and tahimik na siya, ng tignan ko siya naka-pikit siya and nakatulog siguro. Tinake chance ko na yun para mas matignan siya ng malapitan, may stain ng luha yung mukha niya, pinunasan ko yun, and dun ko naramdaman na ang lambot ng mukha niya parang hindi siya lalaki. Sinandal ko rin yung ulo ko saakanya and hanggang ngayon di niya parin binibitawan yung kamay ko. Hinigpitan ko lang yung hawak ko sa kamay niya.

Hindi ko alam kung ano yung sakit na nararamdaman niya for the past few years, and alam kong nagsu-suffer siya dun. Lumilipad lang yung isip ko ng may kumalabit saakin, inangat ko yung tingin ko, si Dad.

"Dad!" I said, hindi ako makatayo kasi nga tulog yung katabi ko,

"Oh, wag ka ng tumayo let him rest, for sure pagod siya sa biyahe kanina." Sabi ni Dad, "You know? I can see myself in him when I was younger. Ramdam ko yung pagmamahal niya sa pamilya niya. And Hands down ako sakanya. I salute him." Dagdag ni Dad, nashock ako, hindi Basta pinupuri ni dad yung mga tao eh.

"Osiya ready na yung pagkain, sunod nalang kayo pag-gising na siya ha?" Sabi ni Dad, tumayo na siya and bumalik na sa bahay. Gusto ni Dad si Stephen, and nag-guilty na ako. Paano ko sasabihin na di naman talaga kami, na nagpapanggap lang kami? Pag nalaman nila dad to... Magagalit sila. Pero  bahala na.

"Steph?? Oy. Gising na." Tinapik-tapik ko yung pisngi niya, after awhile naman nagising siya, "good afternoon ay mag g-good eve na pala." I said. Half awake pa rin siya, "tara na sa loob." I said, tumayo ako and yinaya ko siyang tumayo.

"Nakatulog pala ako, sorry." Sabi niya and nag-unat.

"Luto na yung pagkain.tara na sa loob." Sabi ko, naglalakad kami pabalik sa loob ng bahay ng bigla niyang hawakan yung kamay ko.

"Thank you," sabi niya and nag-smile. And damn, namumula na naman ako.

--

"Hijo? Pwede ko bang malaman yung pangalan ng parents mo?" Tanong ni Dad kay Stephen,

"Ah oo namna po, yung father ko po si Estevan Young, and yung Mom ko po si Galilee Fernandez " Sagot niya and nag-smile pero agad naman nawala, tumango tango naman sila Dad,

"At the young age of 30, seems like you're successful now. Think of it asa early 30's ka palang and you earn a lot." Dagdag pa niya, natawa naman ng mahina si Stephen.

"Hindi naman po." Sagot niya, kumakain lang kami, nag-kwentuhan yung iba, katulad ni Kate na daldal ng daldal kanina pa. Di nauubusan ng energy.

Nang matapos kumain, nag-volunteer kami na mag-hugas ng pinggan kaso ayaw nila Mom kaya ayun asa kwarto kami ni Stephen, sabi niya dun muna daw siya sa terrace, so Hinayaan ko siya. Ni-ready ko muna yung comforter and mga kumot, inayos ko yung hihigaan niya, pinangkuha ko ri. Siya ng mga unan.

All of a SuddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon