Chapter 1: A no will always be a no

42 3 0
                                    

I am Chelsea Torn Sandovar. Weird name? Specifically, TORN. My name describes me, I wonder why.

Naglalakad na ako papunta sa locker room upang ilagay mga gamit ko, ayaw ko nang madaming binibitbit, nakakahassle.

Habang naglalakad ako, may biglang humarang sa daanan ko at si Mark iyon. May dalang rosas tapos naka porma, aalis na sana ako pero hinarangan na naman niya ako.

"Bakit ba?" kalmang tanong ko sa kanya.

Napakamot siya ng batok tapos hindi makatingin sa akin. Nag buntong hininga ako tapos binigyan siya ng death stare.

"Ano? Tutunganga ka lang ba diyan? Alam mo, madami pa akong gagawin kaya wag mong gambalain ang oras ko kasi napakaimportante ng oras para sa akin at--"

"Uh-" pinutol niya ako tapos nabigla nalang ako nung lumuhod siya kaya nagulat ako pero yung simple lang, lumaki ang mata tapos back to normal. Ugh! Hindi ba niya naiintindihan?!

"Pwede bang--" bago pa niya tinapos yung dapat niyang sabihin, pinutol ko na siya tapos hinila patayo.

Tapos lumapit ako ng konti sa mukha niya, "Alam mo na ang sagot ko, at alam mo na yung gusto ko at hinding-hindi yun magbabago." sabay walkout.

Busted! Actually madaming nanliligaw sa akin pero lahat sila busted kasi alam kong lahat ng lalaki ay maloko! Wala nang matino sa kanila, mas mabuti pang single ka kasi alam mo kung matino ka ba o hindi. Nakakaloko!

Nakarating na ako sa locker room at agad na dumeretso sa locker ko at iniligay yung mga gamit ko. Tsaka lumabas.

**

"Anak, alam mo. May nag alok sa akin, kapwa business woman, gusto niya sanang ipakasal kayo ng anak niya. Diba maganda yun? Lalago ang negosyo natin!" galak na sabi ni Lola pero hindi ko siya pinansin.

Tinignan ko lang siya saglit tsaka binalik ang pansin sa iPad ko. Bakit ba mas matigas ang ulo ng mga magulang ko? Alam naman nila na AYAW KO.

"Anak?"

Isinara ko ang case ng iPad ko tsaka tinignan si Lola, "Lola, alam mo naman ang sagot ko diba? Wag niyo akong gamitin sa mga negosyo niyo kasi hindi ako bagay na basta basta nalang ibibigay kahit sino kung may aalok sa inyo. Apo niyo ako, at sana naman respetuhin niyo ang desisyon na pinanghahawakan ko." tapos tumayo na ako at dumeretso sa kwarto ko.

Agad akong humiga sa kama ko tapos nag isip isip sa mga masasayang pangyayari ko noon.

Ang pagiging sociable ko, madami akong kaibigan noon pero simula nung binackstab nila ako at pinag-uusapan nila tapos binibintangang kung ano-anu kahit hindi ko alam bakit.

Ang pagiging masayahin ko, kahit saan at kahit kailan. Ang pagiging aktibo ko sa mga activities na ginaganap sa school pero ngayon? Wala na, malungkot at wala na akong gana.

At lalong lalo na yung, nagkaboyfriend ako at si Johann yun. Mahal na mahal ko yung lokong iyon! Akala ko napakaseryoso na! Pero madali lang naman pala nagsawa, kasi nakita ko siya kasami ni Dilla. Nagdadate pero wala lang sa akin yun pero nung tinanong ko siya dun na! Lumabas ang tinatagong dumi niya!

Pagkatapos ng mga pangyayaring iyon, buong buhay ko. Nagbago, noon masaya pero ngayon malungkot at lagut-lagut. Hirap nang ibalik ang nakaraan, masaya man pero madami namang masasakit na pangyayari.

Ayokong magdrama kaya itutulog ko nalang ito. Kasi kahit sa pagtulog man lang, makakalimutan ko yung mga masasakit na pangyayari sa buhay ko at parang wala kang nararamdaman pag tulog. GOOD NIGHT!

**

Nandito na ako sa school, first subject. Nagdidiscuss lang si Sir nang biglang may pinapagawang group project sa amin. Ito yun eh! Group project, ayaw kong makihalubilo sa mga tao pero itong @#$%& na project!

Nagsimula ng mag assign si Sir ng members each group,

"Group 3, Yoxie , Nicole, Gemma, Lourd, Francis, Kenneth at Chelsea."

Okay na. Atleast sila, hindi ko naman sila kilala kaya oks lang! Sila pala yung Gee-Four sa school namin, mababait naman pero madalas mataray. Pero hindi ako tinatablan. At yung dalawang boys naman, ewan di ko sila masyadong kilala pero one thing I know, close ang dalawa.

Pumunta na ako dun sa assigned place namin kasama ang kagrupo ko. Umupo ako sa isang bakanteng upuan tapos poker face.

"Uh! Okay! Magsimula na kaya tayo sa project natin?" tanong ni Nicole

Tumango naman sila tapos tumango na lang rin ako. Wala naman akong kailangang gawin. Nakakahassle lang kung makisali pa ako sa mga gagawin namin.

"So, eto..." at nagsimula na silang mag brainstorm at ako? Cool lang, tumatango tapos sumasagot naman minsan kung tinatanong ako.

Tapos na ang pagmemeeting namin, at magsisimula ang taping namin this weekend kasi due next week yung video. Nag volunteer ako as taga video. Ayoko sumali sa mga scenes.

**

Break time na. As usual, loner ang peg ko. Nandito lang ako sa room, nagbabasa ng Nicholas Sparks na libro. Wala akong ganang kumain, at nakakawalang gana rin pumunta doon.

Dahil namimiss ko na si Kuya na kasalukuyang nasa America ngayon, kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa tapos nagsimula nang gumawa ng message sa kanya at naghihingi na rin ng pasalubong.

Pagkatapos kong i send iyon, niligpit ko ang mga gamit ko na nasa desk ko tapos sumubsob sa desk ko. Tapoa sumagi na naman siya sa isip ko,

Kumusta na kaya siya? Sana naman, babalik siya kagaya ng mga storya, may rason kung bakit niya ginawa iyon sa aki tapos babalik siya at poof happy ending... pero hanggang imahinasyon lang ako.. alam ko. Wala na siyang babalikan pa..teka? Ba't ba alalang-alala ako sa kanya? Bahala siya sa buhay niya. Kung pwede lang sanang sakalin..

Natigil ang pagisip isip ko nang biglang may tumapik sa balikat ko. Inangat ko ang ulo ko at nakita ko yung mga kaibigan ko noon. Sina Mary at Nestlyn. Ang mga totoong kaibigan ko, pero iniwan ko sila dahil dun sa mga narinig ko tungkol sa mga ibang kaibigan ko pero hindi sila sangkot sa mga kaibigan ko na nagback stab sa akin.

Umupo sila sa magkabilang upuan na nasa tabi ko tapos hinarap ako. Nag fake smile ako.

"Ano kailangan niyo?" mahinahong tanong ko sa kanila.

Nagbuntong hininga naman sila. At tinignan ako, I can see sadness in their eyes pero pinipilit nilang ngumiti. Namimiss ko na itong mga babaeng ito, pero ayaw ko.

"Chelsea, one year ka nang ganyan. One year ka nang lumayo sa amin. One year ka nang wala sa sarili mo. Pero, binigyan ka namin ng time at space para makapagisip-isip ka. Sa totoo lang, namimiss ka na namin pero alam naming kailangan mong mapag-isa. Please? Bumalik ka na sa sarili mo at pati na rin sa Tres Marias?" awang tanong sa akin ni Nestlyn.

Liliko na sana ako pero naalala ko ang gawain ko. Tinignan ko sila with bravery on my face. Pilit kong magmukhang malakas sa kanila.

"No. Sorry." sambit ko tapos tumayo at lumabas sa room, dire-diretso papuntang CR. Naiiyak ako. Namimiss ko rin sila, unang beses yun. Tiis tiis lang Marias, babalik rin ako. Sana wag kayong sumuko.

At dun na nagsituluan ang mga traydor kong luha...

--

Madrama much si Ate? Btw, names mentioned in this chapter are my REAL friends ^^v. Ang layo ng plot sa cover ko HAHAHA nakyukyutan kasi ako ni Sunny *u*! HAHHA ~ Pagbigyan niyo na :D May silbi rin yang cover na yan XD

[ S O O N ] [REVISION] Say It AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon