Kakatapos ng klase kaya nandito ako ngayon sa classroom, nililigpit ko ang mga gamit ko para makauwi na. Mga 3:00 pa kasi, marami akong gagawin tuwing maaga ang dismissal. Natapos na ang pagliligpit ko tapos lumabas na sa room.
Syempre, nag CR muna ako kasi naiihi ako. Baka makaihi ako sa sasakyan, mahirap na kung ganun. Palabas na ako ng CR ng nakasalubong ko ang Class President namin. Hinarangan niya ang daan ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Bakit?" kalmadong tanong ko sa kanya.
"Chelsea, wag mo kalimutan yung dadalhin next week ha? Baka makalimutan mo eh. Nireremind lang kita." sabay hawak sa batok. Tumango nalang ako tapos nilagpasan siya. Kaysa naman makipagdaldalan ako sa kanya malapit sa CR noh? Lalaki pa naman yun.
Lumabas na ako sa campus tapos nakita ko yung sasakyan na naghihintay sa akin. Agad akong tumawid sa daan at pumasok sa sasakyan.
"Akala ko magtatagal ka. Kanina lang ako mga 2:30 dito eh." sabi ni Charles. Kapatid ko, kuya ko pala. Pero mas mature ako. Isip bata yan, may gulaman sa utak.
"Kasalanan mo kung bakit ka maaga. Diba sabi ko 3:00 ang labas ko ngayon? Bingi ka kasi." pasimpleng sabi ko. Inirapan lang ako nito tapos nagsimula ng mag drive ng sasakyan.
"Hoy, wala na akong balita sayo simula nung umalis ako ng Pinas. Balita ko daw na break na kayo nung Johann?" lintek. Nung sinabi niya ang pangalang iyon binigyan ko siya ng death glare pero hindi niya nakikita kasi nakadrive siya. Hindi ko nalang pinansin at itinuon ang pansin sa daan. Imbyernang kuya. Nakakabadtrip!
"Hoy, sagutin mo ang tanong ko." pangungulit nito sa akin hanggang sa inuulit-ulit niya ito kaya hindi ako nakatiis ang hinila ko yung buhok niya.
Kaya napapreno kami sa gitna ng daan at sinuswerte ka nga naman naka stop ang traffic light. Binitawan ko na ang buhok niya tapos tinulak siya. Tse, ginagalit ako eh!
"WOOH!" sabay uyog ng ulo niya, "Amazona ka na talaga! Anyare sayo?!" sigaw niya habang nagdadrive kasi baka mabangga kami. Kakalbuhin ko na talaga siya!
"Tss." yan lang ang isinagot ko sa kanya tapos nagpansak ng earphones at pumikit. Ka stress tong Kuya ko, dumadagdag sa sakit ng ulo.
**
"Hoy, wag ka nang sumimangot diyan. Kung nakikita ka nilang ganyan baka akalain nilang galit ka sa kanila, kahit sa kanila man lang. Magpakita ka sa totoong ikaw, wag yung ngayon. Naloka ka na, Sister!" pabaklang sabi ni Kuya. Kaya tumango lang ako.
2 months rin ako hindi nakabalik. Nakakamiss pumunta dito...kasama siya. Aish,ba't ka sumagi sa isipan ko? Past is past, never to discuss. Kainis naman kasi ito si Kuya ba't pa kasi ako sinama dito sa Orphanage. Oo, may orphanage kami. Kami mismo ni Kuya ang nagpatayo dito gamit ang mga pera namin.
"HOY!" rinig kong sigaw ni Kuya. Aish, nakatunganga lang pala ako dito sa labas. Kaya agad akong pumasok. Yung simangot na dala ko mula school ay nawala dahil sa mga bata na nandidito. Grabe, nakakagood vibes.
Yung mga ibang bata naglalaro sa playground, yung iba kumakain ng meryenda tapos yung iba kakagaling lang sa tulog. Kaya nung nakita ko si Sunny agad ko siyang tinawag. Napakurap naman siya ng mata at agad siyang tumakbo papunta sa akin.
"Ate Sea!" maligayang sabi ni Sunny sa akin. Sea kasi ang tawag niya sa akin, hindi sanay sa mga ang pangalan. Umuko ako tas niyakap niya ako tapos niyakap ko rin siya pabalik, nakakamiss ang batang ito. Kahit may sakit itong batang 'to mahal na mahal ko ito. Para ko na itong kapatid eh.
Kumalas na si Sunny sa yakapan namin tapos sinuri ko siya mula ulo hanggang paa. Ngumiti naman ito. Ngumiti rin ako nito tapos inayos ang magulong buhok niya, ngayon ko lang napansin na galing pala sa paglalaro ito. Nakaligo ng pawis eh.
BINABASA MO ANG
[ S O O N ] [REVISION] Say It Again
Teen FictionDO NOT READ THIS YET | ON REVISION| "Sorry, pero natatakot na akong maulit yung nakaraan."-- Chelsea All Rights Reserved 2014 Written by: Hannychu