"Uy, sis. Anong oras ba ang dismissal niyo? Treat kita mamaya. Namiss kita eh." sabay gulo ng buhok ko. Agad ko namang inalis ang kamay ni Kuya.
"Two sa hapon. Pero mga 2:30 pa ata ako makakalabas. Cleaner kasi ako."
"Sige. Pagbutihan mo ang pag-aaral, Sis. Para makita mo na ang Kpop na ano yan. Hahaha!" sabi ni Kuya sabay tulak sa akin palabas. Childish. Umiling nalang ako at nag ba-bye na kay Kuya.
Honestly, naging masiyahin ako ng kasama ko si Kuya. Parang bumalik ang dating ako. Hay! Malapit na akong mag move on. Konti na lang!
Pumasok na ako sa campus. Idedescribe ko ang nasa paligid ko. Mga chismosa, echusera, bruha na mga tao lang naman. Tsk, ang iingay. May nagdaldalan. Kainis.
Binilisan ko ang lakad ko. Nakakaloka ang mga nasa paligid. Dali dali akong pumunta sa building namin at dumeretso sa floor kung nasaan ang classroom ko.
**
"Class dismissed." yan ang huling sinabi ng Proffesor namin bago lumabas at lunch break na! Tangay tangay ang mini bag ko, lumabas na ako sa classroom at dumeretso sa Cafeteria.
Naglalakad na ako sa hallway papunta sa Cafeteria.
Nakita kong may nagkumpulan sa banda doon malapit sa fountain. Dahil may lahi rin akong pagkachismosa. Tinignan ko kung anong meron.
Dahil alam niyo na... na ehem. Kulang ako sa height. Kailangan ko pang tumingkad para makita kung ano.
Pero napatigil ako sa paggalaw dahil sa narinig ko. At kilalang kilala ko yung boses na yun. Hinding hindi ako magkakamali.
"Will you be my girlfriend, Sha Santos?"
Parang nabingi ako at hindi makagalaw sa pwesto. Grabe.
Biglang bumalik sa alaala ko ang mga ginawa namin noon. Noong...kami pa. Sobrang sakit. Na iba na yung tinatanong niya ng ganyan. Parang hindi ko pa kaya. Ang dali naman maka move on. Siguro, hindi niya talaga ako sineryoso. Ang sakit... ang sakit isipin.
"Yes, Johann."
Hindi ko namalayan tumulo na pala ang luha ko. Pinahiran ko agad ito at bumuntong hininga. Move on na. Move on na Chelsea. Nakapagmove on na nga siya eh, ikaw hindi pa?
Tumalikod na ako kasi parang hindi ko pa kayang masaksihan ang pangyayari. Naghiwayan naman ang mga tao, agad akong umalis doon pero hindi ako masyadong makakita dahil sa luha ko.
Grabe? Sa ganito lang. Nawala lahat ng effort ko para makalimutan siya. Ang dami kong ginawa para makalimutan siya, pero sa isang iglap lang bumalik lahat ang sakit.
Nagbago ako. Pero sa nangyari na iyon, lahat ng araw at oras na nagamit ko upang makalimutan siya ay nawala. Parang balloon lang, kahit gaano ka effort ang pagboblow mo nito.. dadating pa rin ang oras na puputok iyan. Parang puso ko lang, hati hati. Wala na.
Nabigla nalang ako nung may humawak sa balikat ko. Nakayuko kasi ako kasi umaagos ang luha ko. Tinignan ko kung sino ang humawak. Si Dilla, ang dakilang bitch sa school namin.. at ang dahilan ng break up namin.
Agad kong binawi ang kamay ko at pinahiran ang mga luha sa pisngi ko. Nabigla nalang ako nung nag smirk ito at tumawa ng mahina tila nangaasar.
"Problema mo?" cold na sabi ko sa kanya.
"Tsk." sabi niya habang umiiling iling at napapatingin sa taas, sa gilid at tumatawa ng mahina.
"Bingi ka ba? Ano problema mo? Ba't hinablot mo ang kamay ko?"
"Tsk.. Tumahimik ka nga TORN. Alam kong nakita mo yung pangyayari sa labas. Kaya ka umiiyak diba?"
Nagulat ako sa sinabi niya. Pero hindi pinahalata na ang apektado ako. Not here, not now.
BINABASA MO ANG
[ S O O N ] [REVISION] Say It Again
Fiksi RemajaDO NOT READ THIS YET | ON REVISION| "Sorry, pero natatakot na akong maulit yung nakaraan."-- Chelsea All Rights Reserved 2014 Written by: Hannychu