Si Chelsea Torn Sandovar,
Isang babaeng perpekto, mabait, matalino at talented. Nasa kanya na ang lahat. Ang lahat na inaasam ng mga lalaki, bihira lang ito magmahal at sa unang bese siyang nagmahal, nabigo siya. Dahil sa pangyayaring iyon, napilitan siyang wag nalang sumali sa mga relasyon at napagdesisyunan nalang niya na maging 'single forever' kaysa naman na masaktan ulit, at ayaw na ulit maranasan ang sakit na nadama niya nung una siyang nagmahal kaya minabuti nalang niyang iwasan ito at mag bagong buhay sa pamamagitan ng pagwala ng LOVE sa buhay niya at pati na rin sa diksyunaryo niya.
Alalang-alala pa niya nung una siyang sumambit ng 'OO' sa tanong na 'WILL YOU BE MY GIRLFRIEND' at ang mga memoryang naranasan niya pagkatapos niyang sinabi iyon. Pero lahat talaga ng bagay ay may katapusan.. sa di inaasahan, bigla siyang nakarinig ng 'BREAK NA TAYO!' na tuloy na nakadurog ng puso niya. Hindi niya iyon inaasahan kasi ang nakikita niya sa relasyon na iyon ay puro positibo, puno ng pagmamahalan. Pero sa isang iglap lang, biglang nawala. At pangako niya sa sarili na hindi na siya sasagot ng 'OO' sa mga tanong na 'WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?, WILL YOU MARRY ME? at etc.' kasi ang tanging alam niyang sagot ay 'HINDI' nalang.
Habang buhay na ba na nakatatak sa buhay niya?
O magdadalawang isip siyang bitawan ang pangako niya na hindi na magmahal muli?
O handa siyang makasakit ng ibang tao para ipagpatuloy ang pangako?
Masyadong komplikado, masyadong mahirap sagutin. Maypa nga ang Algebra mahahanapan mo ng solusyon, pero ito? Aabutin ka pa ng ilang buwan o baka nga aabutan pa siya ng ilang taon bago mahanapan ng tamang solusyon. Masyado siyang gullible, para sa ganyang sitwasyon kaya minabuti nalang niyang umiwas ng umiwas para hindi na siya masangkot sa mga gipit na sitwasyon kagaya niyan.
Pero, diba kung ang fate na ang gumagalaw? Ang hirap iwasan kasi gagawa at gagawa ito ng paraan para lang maisangkot ka sa sitwasyong kailangan mong sangkutan kasi ikaw ang kinakailangan dun upang matapos ang problemang iyon.
Handa ba siyang harapan yung dapat niyang harapin? Kaya ba niya itong lagpasan o patuloy pa rin siya sa pagtakbo ng walang katapusan? O siya mismo ang hihinto at titigil nito?
Handa ba siyang lagpasan ang mga bagay na dapat niyang lagpasan? Kahit saang lupalop ng mundo man siya, kahit sino man yun. Mapa-artista man.
"Hindi ko na kaya ang sitwasyong ito. Iiwasan ko ang magmahal, kahit man makasakit ako sa iba. Ayaw kong masaktan ako ulit gaya nung nangyari sa akin. Masisi mo ba ako na natatakot akong mabigo at masaktan? Kung oo, pasensya kasi hindi mo ako maintindihan. Natatakot akong magmahal ulit, naintindihan mo ba? Sana naman ay respetuhin mo ang desisyon na pinanghahawakan ko. Kung desidido ka, tulungan mo akong magmahal ulit. Tulungan mo akong gamutin ang sakit na ito, at sa paraang iyon ay baka may maisagot na ako.." --Chelsea
Ang tanong, kung malalagpasan man niya ito... magiging masaya kaya siya? O maging malungkot?
--
Aww :(. May mali ba? O nakakalito? Pakisabi po :) Thankyou ~ Will post chapter 1 soon :) Ready naman siya eh XD Basta lang HAHAHA
BINABASA MO ANG
[ S O O N ] [REVISION] Say It Again
Teen FictionDO NOT READ THIS YET | ON REVISION| "Sorry, pero natatakot na akong maulit yung nakaraan."-- Chelsea All Rights Reserved 2014 Written by: Hannychu