Simula
Nagsimula ang lahat ng makita ko siya.
Naging magkaaway.
Naging magkaibigan, hanggang sa lumalim ito.
Naging magulo.
Naging kami na hindi. Na may nararamdaman kami kaso wala kaming relasyon.
Friends with benefits? No.
Mutual Understanding? Well.. kind of.
Mahirap ang magmahal kung hindi naman kayo. Mahirap umasa na sana balang araw ay may matatawag mo ng sa'yo.
Mahirap dahil araw araw kang nage effort para mapasaya mo siya.
Mahirap dahil mahal niyo nga ang isa't isa ngunit hanggang kaibigan lang ang maibibigay niya sa'yo.
Isipin mo, nagkaroon pa kayo ng tawagan sa isa't isa, e hindi naman kayo. Daig niyo pa ang magjowa.
Mahirap dahil nararamdaman lang ang pinanghahawakan niyong dalawa.
Ang lungkot diba? Oo. Pero masaya. Masarap sa feeling ang magmahal. Nakakabaliw diba?
Minsan ay nag aaway kayo, mahirap siyang suyuin.
Minsan naiisip mo, na wala kang karapatan sa kaniya. Kasi nga hindi kayo! Anong karapatan mong magselos, e, walang kayo!
Walang kasiguraduhan na kayo pa rin bandang huli. Oo, kasi minsan umaasa ka na sana ay siya na talaga. Nagtagal kayo ng ilang taon, pero wala pa rin. Hindi pa rin kayo.
Masakit ba? Kahit alam mong masakit ay naghihintay ka sa hanggang pwede na. Na hanggang maging kayo.
Mahal na mahal mo kasi.
Mahirap dahil alam mong mahirap ka at mayaman siya. Maraming eeksena, maraming hahadlang.
Minsan ay nagi isip ka ng mga bagay. Tulad na lang kung paano kung makakita siya ng mas higit sa'yo? Paano kung iwan ka na lang niya sa ere? Paano kung mangyari ang kinakatatakutan mo?
Na kahit gusto mong sabihin na, "Pwede bang akin ka lang?"
"Pwede bang huwag ka ng maghanap ng iba?"
"I want you to stay."
"Pwedeng huwag mo na akong iwan?"
Pero hindi mo alam ang ihip ng hangin, ang daloy ng panahon.
Paano na lang kung mawala siya? Hindi mo alam ang gagawin. Hindi mo alam kung saan ka magsisimula ulit. Hindi mo alam kung makaka ahon ka sa sakit, hindi mo alam ang mag move on.
Tangna. Mahal mo kasi.
Kahit walang kayo..
Mahirap dahil nasasaktan ka at hindi mo siya maaaring ilayo sa tuwing may kasama siyang iba, anong magagawa mo? E siya na mismo ang nagsabi na, "Walang Tayo."
Sa ngayon ay maging masaya ka dahil nandiyan pa rin siya. Nandiyan at iniintindi ang mood swings mo. Nandiyan at inaalagaan ka. Nandiyan dahil alam niyang ikaw lang. Nandiyan at pinapasaya ka. Nandiyan kahit anong mangyari.
Nandiyan at hindi ka iniiwan.
Nandiyan at patuloy kang minamahal...
Kahit wala namang kayo.
-
Walang Tayo
06-30-16 : 9:46 P.M
REVISED VERSION
05-02-17
Pinku_Princess
I made this story because I was inspired by the M.U song entitled, 'Hindi naman kayo' by Cleo Engco.
BINABASA MO ANG
WITHERED (Poblacion De Selvia Series #1)
General FictionUmasa. Nabigo. Nasaktan. Mga katagang pilit na binubura sa aking isipan. Dahil hindi siya aasa, hindi siya masasaktan kapag ako'y kaniyang minahal. Written by Pinku_Princess