Kabanata 2

2 0 0
                                    

WITHERED (Poblacion De Selvia Series #1)

Written by Pinku_Princess

-

"Salamat," Aniya pagkababa niya sa aking bisikleta at humarap sa akin. Ngumiti ito ng matamis, I smiled back. Damn that smile of yours.

"Gusto mong pumasok? I'm sure gusto kang makita ni Manang Nida, matutuwa iyon." Tukoy niya sa kaniyang kasambahay na si Lola Nida, may katandaan na rin ito. Siya kasi ang palaging kasama ni Jade sa mansyon nila dahil ang mga magulang nito ay nasa Italy. Nang makilala kasi ako ni lola ay naging magaan na ang kaniyang loob sa akin.

"Gusto ko sana kaso gumagabi na, mukhang uulan pa naman. Baka mabasa ako pagkauwi, sabihin mo na lang sa kaniya na hinatid kita at pakikamusta na lang." Ani ko. Tumango siya. Sinikop niya ang kaniyang buhok na tinatangay ng malakas na hangin.

"Yes, sasabihin ko. Papasok na ako. So, thank you ulit. Ingat ka sa daan, umuwi ka kaagad." She waved and kissed me on my cheek then she immediately go inside. Tumingin ako sa kalangitan na nababalutan ng itim na ulap, nagtago na ang buwan at bituin. Tumingin ulit ako sa mansyon, I saw her looking at me in her room's veranda. Nang nagtagpo ang mata namin ay agad namilog ang kaniyang mata at agad niyang isinara ang pintuan nito. Natawa ako..

Tumingin muli ako sa kanilang mansyon, napansin kong may mga guards sila sa loob at nagbabantay. Marami sila na siyang ipinagtaka ko dahil wala naman ang mga ito noong isang araw. Nasa labas kasi ako ng kanilang napakalaking gate, kaya kitang kita ko ang looban na kung saan makikita rito ang napakalaki nilang fountain sa gitna at mga hardin sa palibot nito.

That is her favorite place.

Ilang minuto na rin ang lumipas ay umalis na ako, binilisan ko ang takbo ng aking bisikleta. Mabuti na lang at mayroong street lights at sementado ang daan kaya mabilis akong nakauwi. Ipinarada ko ang bisikleta ko sa gilid ng  aming bahay, agad akong nakita ni papa habang  binibilang ang mga sako sakong bigas na naani nito. Lumapit ako at nagmano.

"Nasa loob si Tanya, kanina ka pa niya hinahanap. Alas kwatro palang ay nandiyan na siya." Sabi ni papa, tumango ako. Si Tanya ay ang  kakambal ni Thadeus na kaibigan ko. Palagi itong nasa bahay kaya hindi na ako magtatakang bakit siya nandito. Pumasok ako sa bahay at agad ko siyang nakita kasama ang nakababatang kapatid ko na nasa Grade 12 pa lamang, nakatalikod ito sa akin.

"Gusto ko ding matutunan ang paglalaro ng volleyball, ang sabi ni Ms. Banjie ay kapag nakapasa kami sa pagsusulit namin sa susunod na linggo, pwede na kaming maglaro niyan." Sambit ni Gerard, kapatid ko.

"Madali lang naman ang larong iyan. Ang kuya mo nga ang nagturo sa akin, hindi ako makakapasok sa volleyball varsity kapag hindi niya ako tinuruan noon." Ngumiti ang kapatid ko sa naging turan ni Tanya, agad niya akong namataan.

"Kuya!" Ngumiti ako sa kaniya tsaka ako lumapit sa sala. Lumingon si Tanya at tumayo, linapitan niya ako at agad akong yinakap at hinalikan sa pisngi. Ngumuso ito. "Bakit ang tagal mong umuwi? Hinihintay kita. Ipapatikim ko pa naman sana 'yong luto ko."

Rinig ko ang pagtawa ni Gerard sa isang tabi, "Corny. " Tinitigan ko si Gerald at umiling. Sanay na ako sa ipinapakita ni Tanya sa akin kapag nagkikita kami, minsan ay hinahayaan ko na lang dahil para naring kapatid ang turing ko sa kaniya. Pamilya na ang turing namin dahil ayos naman siya kay mama at papa pati na ang kapatid ko.

Mabait kasi siya at masipag. Maganda ito, kayumanggi, chinita at maayos ang bagsak niyang buhok. Kaya't marami ding nagtatangkang manligaw kaso agad ding bumibitaw dahil na rin sa kakambal niyang si Thadeus na masiyadong istrikto, kaya ako na lang ang palaging kasama ni Tanya.

"Ayos. Gutom na rin kasi ako." Ngumiti siya at hinila ako sa kusina. Nakita ko si mama na naghuhugas ng plato, lumapit ako at hinalikan ko ito sa kaniyang pisngi.

"O anak, hindi ka na namin mahintay kanina kaya't kumain na kami. Saan ka nanaman ba galing? Nag ensayo ka nanaman ba ng basketball sa parke?" Tanong nito. Hindi ako kumibo, hindi alam ang pamilya ko na nagkakagusto na ang anak nilang lalaki. Ahh. Sasabihin ko lang sa mga ito kapag pinayagan na ako ni Jade na ligawan siya. Ngayon ay naghihintay pa ako sa kaniya, hanggang siya ay handa na. 

Tinitigan ako ni Tanya. Alam niya kung sino ang gusto ko, sa tagal na naming magkaibigan ay kilala na niya si Jade. "May pinuntahan lang po ako." Sabi ko. Tatanungin sana ako ni Mama ngunit nagsalita si Tanya.

"Gabe! Dali na, tikman mo."  Aniya. Thank God, Tanya's here to save me from my mother's questions. Agad akong lumapit at naupo, linagyan ni Tanya ng kanin at niluto niyang sisig ang pinggan ko. Nagsimula na akong kumain.

Umupo siya sa tabi ko, "Hinatid mo nanaman ba siya?" Si Jade ang tinutukoy niya, tumango ako.

Bumuntong hininga ito. "Gabe, alam mo naman na hindi pwede-"

"Stop. Alam ko ang ginagawa ko." I continued eating. Kumunot ang noo niya at suminghap.

"No, Gabe. Habang maaga pa ay itigil mo na ang paghihintay sa kaniya! Can't you see it? Kapag nalaman ng iba ay huhusgahan ka, kahit palihim kayong nagkikita! She's too rich and we're just.." Itinigil nito ang sasabihin at nag iwas ng tingin.  Padarag kong binaba ang kutsara ko at tiningnan siya ng malamig.

"Paano kung luluwas na sila pa Maynila? Makakakita siya ng mga katulad niya doon! 'Yong mayayamang katulad niya!"

"You don't have the right to say that. Kahit malayo ang agwat namin ay wala akong pakialam." Uminom ako ng malamig na tubig sa aking baso, nag iinit ang ulo ko.

"I'm sorry, pero pag-isipan mo naman, Gabe. Something happened in the past between your family and the De Selvia's, isipin mo naman ang paghihirap nila tito noon dahil--"

Tumayo ako, "Tatawagan ko si Thadeus para sunduin ka, thanks for the food anyway." Then I left. Umakyat ako sa hagdan patungo sa aking kwatro. Kahoy lang ang aming hagdan ngunit palagi itong malinis at makintab. Binuksan ko ang kwarto ko at tinanggal ang aking sapatos. Tinanggal ko ang polo ko dahil sa init, tiningnan ko ang aking bentilador ngunit ito ay sira na. Masyado na kasi itong luma, sinabihan pa ako ni mama na ibilhan ako ngunit umayaw ako, agad akong nahiga.

Inisip ko ang sinabi ni Tanya sa akin kanina. Bumuntong hininga ako, walang magagawa ang nakaraan. The past is in the past now at hindi na ito maaaring ungkatin pa.

Maaga akong gumising kinabukasan, alas kwatro palang ay gising na ako nagsibak ako ng kahoy at nagdeliver sa centro plasa. Pagkatapos ay nadatnan ko si Tanya na nakatayo sa harap ng di kalakihang gate namin . Kumunot ang noo ko, itinigil ko ang bisikleta ko.

"Gabe." Sabi niya. "Pasensya na kagabi. I.. I shouldn't have said that." Nag iwas ito ng tingin. Nakauniporme na ito at handa ng pumasok sa eskwelahan.

"Ayos lang. Wala na 'yon sa akin. Papasok ka na?"

Tumango ito, "Nais ko sanang sumabay."

"Iaangkas na lang kita para hindi ka mapagod." Anyaya ko. Tumango ito at namula, dahan dahan siyang umangkas. Nang maayos na ay agad akong pumedal mabuti na lang ay hindi baku-bako ang daang papuntang eskwelahan.

Ilang minuto din ay nakarating na kami, bumaba na ito at ngumiti sa akin. "Salamat. Masaya palang umangkas sa bisikleta mo." Ngiti lang ang aking iginawad, naisip ko si Jade dahil paborito niya ang bisikleta kong ito, napangiti ako.. Nag iwas ng tingin si Tanya at agad namula.

"Uhm. Mauuna na ako, ha? Hindi pala tayo magka klase ngayon." Nasa 3rd year college kasi siya kaya may pagkakataon na magka kalse kami sa isang subject. Tumawa siya, bago ito umalis ay hinalikan muna niya ako sa pisngi at tuluyan na siyang pumasok sa loob ng unibersidad.

Tiningnan ko ang mga letrang kulay itim na nakaukit sa isang pader na kulay ginto,

POBLACION DE SELVIA UNIVERSITY.

Isang De Selvia si Jade. Na nagpapakitang malayo talaga ang agwat naming dalawa.

WITHERED  (Poblacion De Selvia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon