WITHERED (Poblacion De Selvia Series #1) Written by Pinku_Princess
WITHERED (HIS SIDE)
-
GABRIEL MARCO AGUSTIN
Uwian na. Ibig sabihin, kailangan ko ng umuwi. Malamang, uwian nga diba? Tss. Agad akong sumakay sa aking bisikleta palabas ng unibersidad. Paborito ko ang bisikletang ito dahil bigay pa ito ni mama ng maka-graduate ako ng highschool.
"Gabe!" Dahil sa gulat ay agad kong ibinaba ang paa ko sa daan para huminto ang bisikleta ko. Nasira kasi ang brake nito at hindi ko pa naaayos. Napalingon ako sa tumawag sa akin. Nakaramdam agad ako ng kaba, ganito naman palagi kapag kinakausap ko siya.
"Hmm?"
"Sino 'yong kasama mo kaninang lunch sabi ng mga kaklase ko?" Tanong niya at pinagtaasan ako ng kilay habang hingal na hingal na nakatayo sa harap ko. Hinarap ko siya.
She's so beautiful eventhough she looked so haggard.
"Tumakbo ka at nagpaka pagod para lang tanungin kung sino ang kasabay ko kanina?" I asked. I bit my lips to prevent my lips from smiling.
"Sagutin mo na lang kasi." Inip niyang sabi at inirapan ako.
"Hindi mo nakita-"
"Just answer me, Gabriel!" Galit nitong sambit.
Uh oh. "Si Dana." Sagot ko at agad itong napanguso. Napatingin ako sa kaniyang malalambot na pulang labi. Shit. Napaiwas agad ako ng tingin dahil panay na ang pagsusungit nito sa akin.
Alam ko kung kailan ito nagseselos, alam ko rin kung paano siya magalit. Pero hindi ko alam kung bakit mas naguhustuhan ko iyon, kung paano siya magtaray at pagsalubong ng kaniyang kilay.
Kaya hangga't sa maaari ay iniiwasan ko ang mga bagay na ikakagalit at ikaka selos niya. "Babae mo 'no?" Nanliit ang kaniyang napakagandang mata na parang sinusuri ako.
Nagulat ako ng sinabi niya 'yon. Itong babaeng 'to masiyadong judgemental, hindi man lang nagtanong sa akin kung kaano ano ko ang babaeng tinutukoy niya.
Si Dana kasi ang dikit ng dikit sa akin na siyang ayaw ko. Hindi ko man ipagkakaila na sa kagwapuhang taglay ko ay magkakagusto ito sa akin.
Si Jade nga nabighani ko.
"Anong tingin mo sa akin? Babaero? Tss." Sinimangutan ko siya at tinitigan ng blankong ekspresyon, ganoon din ang ginawa niya.
"Bakit hindi? Tsaka huwag mo akong simangutan diyan at baka wakwakin ko 'yang mukha mo." Aba't. Sadista talaga.
Isali ba naman ang mukha ko? Paano na lang ang mga babaeng nagkakandarapa sa akin? At paano na lang ang kagwapuhan ko?
Paano na ang mga magmamana sa akin kapag nagka anak na kami?
"Lumalayo ako kay Dana. Okay? You don't have to be jealous of her." Sabi ko at napangisi, nagbago ang ekspresyon niya at nag- iwas ito ng tingin sa akin. "I'm not jealous. Why would I?" Aniya at inirapan ako. Oo nga, bakit naman siya magseselos, Gabe.
"E bakit ganiyan ka maka react?" Umaasa pa rin na nagse selos talaga siya. Hirap hirap pa namang basahin ang iniisip niya.
Para siyang puzzle na kailangan ng solusyon kaya na- stuck tuloy ako. Parang sa pag- ibig lang, nang nahulog ako sa kaniya, hindi na ako maka ahon.
Tangina. Talaga.
"Tss. Ah basta! Hindi ako magseselos kahit maglandian pa kayo sa harap ko! Tsaka hindi 'to big deal no! Bwisit ka! Magsama kayo ng pangit na 'yon! Bwisit!" Aniya habang hindi ko na maalis sa mata ko ang mukha niyang badtrip.
Aba. Nilait pa. Hindi ko tuloy masabi ang gusto kong sabihin dahil matatawa lang ako sa reaksyon niya. Ahahaha. Shit. How I love this girl.
Inirapan niya ako, "Pinagtatawanan mo ba ako, Gabriel Agustin?" Agad akong umiling. Sobra siyang nakakatakot kapag galit.
"Baby naman."
"Huwag mo akong i- baby baby diyan, Agustin ha! Diyan ka na nga! Gago!" Sigaw niya at nagwalk out.
Seriously? Gago?
"Teka-"
"Huwag mo akong susundan kung ayaw mong tadyakin ko 'yang ano mo diyan leche ka!" Sigaw nito pabalik at padabog na naglakad.
Seriously? Leche?
Grabe talaga. Ang brutal. Ang sadista. Ang galing magmura.
Napabuntong hininga ako, bakit ganito? Mahal ko siya kahit hindi naman kami? "Teka lang!" Sigaw ko at pinedal ko ang bisikleta.
"Ano?! Gusto mong tadyakin ko talaga 'yan?!" Sigaw nito kaya napanguso ako. Nagpipigil ng tawa. "Anong tatadyakan mo?"
"Arg!" Umirap pa ito bago umalis. Sinundan ko siya.
"Ihahatid na kita."
Umirap siya ulit, "Ayoko!" Sungit. Arg. So stubborn.
"Wala pa ang sundo mo, alas kwatro y media na. Hindi kita iiwan dito kapag wala ka pang sundo." Pahayag ko, tumigil siya sa isang waiting shed na kaharap lang ng school. Tumigil din ako.
"Jade..." Pinagtaasan niya ako ng kilay. Ang sungit talaga. "Meron ka ba ngayon?"
Naging kulay kamatis ang kaniyang mukha at namilog ang mata niya which I find it cute. "I-ikaw!" Aniya at binato ang sapatos niya sa akin.
Lumihis ako. Buti nakailag pa ako. Haha.
"Leche ka! Bakit hindi mo sinalo?"
"Sorry. Why are you so grumpy?"
"Why are you so nosy? Pulutin mo 'yong sapatos ko!" Sigaw niya at nagdadabog. Napatawa tuloy ako. "Ikaw ang bumato tapos pagpupulutin mo ako? Ayos ka rin e."
Inismiran niya lang ako. Kinuha ko 'yong sapatos niya tsaka ako lumapit, lumuhod ako at kinuha ang paa niya. Pinunasan ko pa kasi may dumi ito, hindi nababagay sa kaniya ang nadudumihan. Na para bang hindi siya nababagay dito sa probinsiya, at dapat ay nasa siyudad ito.
Walong buwan na rin ang nakakalipas noong bago salta palang siya dito sa Poblacion, she is only seventeen at nasa Grade 12 pa lang. Ako ay nasa apat na taon na sa kolehiyo.
Lumaki siya sa isang marangyang pamumuhay, hindi gaya kong simple lang. Kumakayod sa umaga, nagbebenta ng diyaryo at sa hapon naman ay nagsisibak ako ng kahoy na maaaring ibenta sa centro plasa. Isang guro ang aking ina sa pampublikong paaralan at isa namang magsasaka si papa.
Hindi naman kami masiyadong naghihirap, iyong sakto lang. Nakaka kain naman kami ng tatlong beses sa isang araw at nababayaran naman ng sapat ang pang araw-araw namin pati na rin ang matrikula namin ng bunso kong kapatid na lalaki.
Ngumiti ako at isinuot ko sa kaniya ang sapatos, "Ayan, tapos na.." Tumayo ako para matingnan si Jade, namumula nanaman ito.
"Y-you don't need to do that, kaya ko naman." Nag-iwas ito ng tingin at ngumuso.
"Sa susunod ay huwag mong itapak ang paa mo lalo na sa maduduming lugar. Maliwanag? Madudungisan ka." Tumango ito at ngumiti. She's really beautiful, her white skin, those mesmerizing eyes, ang matangos na ilong nito at ang mapupula niyang labi. Very simple.
Hinalikan ko ang kaniyang noo. Hindi ko alam kung bakit nagkagusto ito sa akin kahit na magkaiba ang estado namin sa buhay. Hindi niya iyon tiningnan, hindi siya katulad ng iba na huhusgahan at lalaitin, hindi siya ganon.
"Umangkas ka na dahil ihahatid na lang kita. Mukha pa namang uulan." Tumingin ako sa kalangitan at malapit ng dumilim. Ngumuso ito at tumawa.
"Sige na nga. Paborito ko pa naman 'yang bisikleta mo." Aniya at umangkas sa aking harapan. Hinawakan niya ng marahan ang aking braso.
"Kumapit ka ng maayos," Tugon ko. "Ayokong mahulog ka sa iba habang angkas pa kita." Bulong ko sa kaniyang tainga. I felt her stiffened. Kaya naman mas humigpit ang hawak niya sa braso ko. I smiled.
Good girl.
BINABASA MO ANG
WITHERED (Poblacion De Selvia Series #1)
General FictionUmasa. Nabigo. Nasaktan. Mga katagang pilit na binubura sa aking isipan. Dahil hindi siya aasa, hindi siya masasaktan kapag ako'y kaniyang minahal. Written by Pinku_Princess