Kabanata 3

1 0 0
                                    

WITHERED (Poblacion De Selvia Series #1)

Written by Pinku_Princess

-

Naglakad ako papasok gamit ang walang emosyon kong mukha. Napatingin ang ibang mga babae sa akin at agad silang ngumiti. Inismiran ko lang sila at nagpatuloy na. Badtrip.

"Teka lang! Gabe!" Napakunot ang noo ko sa babaeng sumigaw ng aking pangalan, agad akong lumingon.

Si Jeah, isa kong kaklase sa isa kong subject. Maganda siya at may hubog ang pangangatawan.  Pinag- uusapan ding may gusto ito sa akin pero wala akong pakialam.

Si Jade lang sapat na. At ngayon lang ako nahumaling ng ganito sa isang babae.

"O?" Ani ko at blanko lang ang aking mukha. Ngumiti ito sa akin at namula.

"U-uhm. Ma-makikisabay lang ako. Kung okay l-lang?" Hindi ko alam kung may epilepsy ang taong 'to. Nauutal at nanginginig e. Ngumisi ako dahil bilang gentleman agad kong sinabing,

"No." Tsaka naging blanko ulit ang mukha ko at agad ng naglakad palayo sa kaniya. Naglakad ako papuntang classroom ng tumunog ang cellphone ko, lumiwanag ang mukha ko ng makita ko ang isang mensahe galing kay Jade.

From: Jade
You really wanna die early, huh?

To: Jade
What? Wala akong ginagawang masama. Miss mo lang ata ako.

Sent

Masaya akong naglakad sa hallway at inaabangan ang reply niya. Nasaan kaya ito ngayon? Paano niya ako nakikita? Ilang segundo din ay nagreply na.

From: Jade
ASA.

'Yan lang ang nabasa ko. Isang malaking ASA.

To: Jade
Just kidding. Sorry I wasn't able to pick you up a while ago, I need to run some errands.

Sent

Hindi na siya nagreply matapos iyon, siguro ay may klase na siya. Nakarating din ako sa classroom at nakipag high five sa mga barkada ko.

"Pare, ano na? Pupunta ka bang gym at magpa practice? Ang sabi pa ni Coach Andasal ay, magta try out ang ibang sophomores mamayang hapon. Ikaw ang incharge." Ani Chad. Tumango ako at umupo. We are one of the varsity players and also I'm the team captain.

"Uy pare, mga grupo ni Dana nakatingin sa'yo." Siniko ako ni Jaxon at nginuso si Dana. Hindi ko na lang pinansin dahil wala naman akong pake don.

"Gago, di mo man lang tiningnan. Mga babae na nga lang lumalapit. " Aniya. Tumawa silang lahat, napaismid ako. Ano naman ngayon diba?

Porket, nandiyan na sunggaban na agad?

"Ge." Sabi ko at hinalungkat ang mga litrato ni Jade sa cellphone ko. She's really beautiful eventhough  some of the pictures was stolen.

Tiningnan ko ang pinaka una niyang litrato, nakakunot ang noo nito at halatang naiinis, ito ay 'yong nasa parke siya na parang nawawala. Ito ang unang araw na nakita ko siya dito sa probinsiya. Napangiti ako ng maalala ang una naming pagtatagpo.

Buti na lang hindi niya alam ang tungkol dito, kapag nalaman niya. Sigurado akong pati cellphone ko mamamatay. Sadista pa naman 'yon.

"Bro, ang sexy talaga ni Jeah no?" Kumunot ang noo ko at napatingin sa mga kaibigan kong iisa lang ang tinitingnan.

Kay Jeah.

Nagulat ako dahil sa suot niya, ni hindi ko nga ito napansin kanina habang nag-usap kami. Naka skirt ito ng maiksi at hapit na hapit ang blouse niya na maaari mong makita ang kaniyang hinaharap.

Nahulog ang notebook niya sa harap ko at napunta pa sa ilalim ng upuan ko. Tiningnan niya ako at kinindatan sabay yuko at inabot ang notebook niya. Sa ginawa niyang iyon, nagpakita ang hinaharap niya dahil sa pagyuko at umangat ang maiksi niyang skirt.

Pero hindi ko pinagtuonan ng pansin iyon, di tulad ng mga kasama kong halos lumuwa ang mata sa  katititig.

Nakakunot ang noo kong nakatingin sa mukha niya. Kinagat niya ang kaniyang pang ibabang labi, "Kukunin ko lang, Gabe." Aniya gamit ang malambing na boses at mas lalong yumuko.

Nag-iwas ako ng tingin. Sumipol ang aking mga kaibigan.

Mali kasi ito, nakaupo ako at medyo nakabukaka ang mga hita ko dahil syempre lalaki ako, ganito ako umupo. Tapos ang notebook pa niya pumunta sa ilalim ng upuan ko at ngayon si Jeah ay nakayuko sa pagitan ng hita ko na pilit inaabot ang notebook niya.

Napatayo ako dahilan kung bakit napaupo si Jeah sa sahig. Blanko ang mukha ko at agad na kinuha ang notebook niya. "Tumayo ka diyan kung ayaw mong kaladkarin kita palabas kahit nakaupo ka diyan."

Nangilid ang luha niya. "G-Gabe."

"Tumayo ka!" Sigaw ko, agad itong tumayo kaya na out of balance at napakapit sa akin. Naramdaman ko tuloy ang hinaharap niya. Tss.

Ako pa ata ang minamanyak ng babaeng 'to. Tiningnan ko si Jeah na naiiyak kaya bigla niya akong yinakap.

Anong problema nito?

Sa gilid ng mata ko, may pumasok sa classroom. Akala ko ay pumasok lang ang isa naming propesor kaso iba ang nakita ko. Isang babaeng gulat na gulat at nangingilid ang luha.

Nang magtagpo ang mata namin, mabilis itong umalis palabas.

Bullshit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WITHERED  (Poblacion De Selvia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon