The Kissing Game - The Animal Kiss

7.9K 127 5
                                    

Napalingon nalang kami ng biglang patunugin ni Heidi ang kanyang dalang bote ng beer gamit ang kutsara. Lahat kami ay nag eexpect ng kanyang sasabihin. Sa totoo lang, OA masyado ang ginawa nya. Sasampu nalang kaming natitira dito sa loob ng kanyang condo at hindi naman ganoon  ka ingay para kunin pa nya ang atensyon namin gamit ang bote ng beer.

"Listen up, guys! Since tayo nalang ang mga natitira at lampas alas-dose na rin, ako at si JM ay may naisip na laro. And this game is called, The ANIMAL KISS!!!"

Lahat kami na curious kung anong klaseng laro ba yon. Pero more or less, may kasamang "kissing" yun. Gusto ko na sanang mag protesta ng maisip kong bawal pala ang KJ sa grupo, na kinabibilangan ng mga kaklase namin sa ECE at dalawa sa EE, sina JM at Gabby.

Last day na kasi ng final exam namin this sem. Next sem, last sem na namin at hopefully g-um-raduate lahat.

"Ok, here's the rule, we will form a circle pero alternate na boy-girl! Okay? Ready to KISS people!!!???" bigla naman silang naghiyawan, except ako. Parang mga barbaric! May nalalaman pang pagdrum ng mga kamay sa mesa!

Ayoko talaga ng larong ito. Kung magkakataon, ito ang magiging first kiss ko. Yep! Virgin pa mga labi ko. Sa edad kong bente uno, never been touched and never been kissed ako.

Hindi naman sa walang nanliligaw sa akin kaya hindi ako nagkakaboyfriend, ayoko pa lang talaga. Emotionally and mentally, hindi pa ko ready.

Nagkanya kanya na sila ng pwesto, dahil sa pagdadalawang isip ko wala na akong choice kung hindi umupo sa gitna nila JM at Gabby.

"Ready to taste my lips, baby?" pagka upong pagka upo ko palang, ito na agad ang bungad sa akin ni JM. Sabay kindat pa! Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag init ang mga pisngi ko. Inirapan ko nalang sya para pagtakpan ang pag ba-blush ko. Dahil don, narinig ko ang malutong nyang pagtawa kaya lahat ng attention napunta sa amin. Kaya naman lalo akong nag blush.

"Hoy! JM! Tigilan mo nga si Maria! Di mo ba alam na virgin pa yan kaya nga Maria ang pangalan, di ba?" saad ni Benz, tumingin pa sya sa akin at kinidatan ako na sinuklian ko naman ng irap pero imbes na matinag sya, tumawa pa sya ng sobrang lakas. Kung wala lang dalawang tao sa pagitan namin baka nabatukan ko na sya.

"Guys! Guys! Enough! Start na natin ang game." sabat ni Heidi na mukhang atat na atat na. Mabuti nalang dahil baka mag walk out pako ng wala sa oras. "Maria!" sigaw ni Heidi sabay bato nung teddy bear nya sa akin. Tiningnan ko lang sya ng nagtatakang tanong dahil hindi ko alam kung para saan ang teddy bear. Nagsenyas lang sya na hawakan ko lang muna na kinibit balikat ko nalang yon.

"Here's the rule..." si Heidi ulit habang ine-explain ang mechanics ng laro. "Hahalikan lang ang stuffed toy kahit saan." Yun lang yon? Ang dali naman pala. Kaya pala "animal kissing" ang tawag sa larong to kasi ikikiss ang stuffed animal. "Since hawak na ni Maria ang stuffed toy, sya ang mauuna."

Lumapad ang ngiti ko sa sinabi nya. Napakadali naman pala. Pinanggigilan ko ang mga pisngi ng teddy bear na parang nanggigigil lang sa bata. Ang lapad lapad pa ng ngiti ko sabay hinalikan ko sa lips.

"Pasa mo kay JM." saad ni Heidi.

Nakangiti pa rin ako ng ipasa ko sa kanan ko. Pagtingin ko kay JM, ngiting ngiti ito ng nakakaloko na parang may iniisip na kalokohan. Binelatan ko lang sya sabay irap at nang dahil don, tumawa sya ng malakas. Napabaling sila sa amin pero iiling iling lang ang iba naming barkada. Ang iba naman ay nagkibit balikat lang. Alam naman kasi nila kung gaano kalakas mang asar ni JM at alam din nila kung gaano ako kapikon sa mga biro nya.

Nakakainis talaga. Sa lahat kasi, ito lang ang malakas ang apog at malakas mang asar. At ewan ko ba kung bakit gustung gutso akong asarin. Kahit na sa ibang department sya, pag nakakasalubong ko sya, hindi pwedeng hindi ako asarin. Ganun sya kalakas man trip.

Nang hawak na nya ang teddy bear, itinaas nya ito at umaktong dinidila ang gitnang parte nito. Nasabi ko na bang may pagka manyak din to? Napapangiwi nalang ako sa ginagawa nya. Nakakakilabot pa! Pero parang tuwang tuwa pa ang iba sa ginawa nya. Kahit sila Heidi natatawa na lang.

Nagpatuloy ang pasahan sa teddy bear at paghalik ng bawat isa dito. Nang umabot na ulit sa akin, bigla nalang tumayo sa gitna si Heidi at sinabi ang next na gagawin. Akala ko ganun lang yun, sobrang nanlaki ang mga mata ko at feeling ko lumalaki rin ang ulo ko dahil hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ni Heidi. Kung pwede lang kumaripas na ko ng takbo para lang makatakas ginawa ko na pero napatda lang ako sa kinauupuan ko.

May dalawang box na dala si Heidi, ang isa naglalaman ng oras. Oras kung gaano katagal ang halik. Ang ikalawa, naglalaman kung left o right. Kung sino sa mga katabi mo ang hahalikan mo. And here's another catch, hahalikan mo sya kung saang parte mo hinalikan ang teddy bear! Halos manghina ako sa lakas ng kalabog ng puso ko sa nalaman ko. Sana sa umpisa palang alam ko na na may kababalaghan na mangyayari. Ano pa nga bang ine-expect ko? Lahat kami dito adult na. At mga lasing na rin. At... lahat sila ay May experience na sa paghalik at pagbo-boyfriend/girlfriend. Ako nalang ata ang wala.

Namalayan ko nalang na nasa harap ko na ang isang box. Nag aalangan pa kong kumuha kung di lang sa pag uudyok nila kakaripas na ko ng takbo.

Pikit mata akong bumunot. Nanginginig pa ang mga kamay ko at halos hindi ko maiangat ang papel dahil sa nerbyos.

Pagkakuha ko ng papel, bumuntong hininga muna ako bago ko binuksan. Ganun nalang ang panlalaki ng mga mata ko ng mabasa ko ang nakasulat. Lahat sila nag eexpect na sasabihin ko ang nakasulat. Nang hindi ako gumagalaw at nakita nilang wala akong balak sabihin, hinablot nalang ni Heidi at binasa ng malakas.

"5 minutes! Hhhmmm... Sino kaya ang maswerteng lalake?" sabi nya sabay ngiti ng nakakaloko. Naghiyawan naman ang mga nandoon at inudyukan akong bumunot na sa kabilang box.

Tumingin lang ako sa box at nagbabakasali na matunaw ko ito sa tingin ko.

"Bunot na" nagulat pa ko sa bulong ni JM. Lumapit sya ng husto sa akin para makabulong pa. "Hindi yan matutunaw ng tingin mo."

Bigla akong napatingin sa gawi nya at dahil sa ginawa ko, nagtama ang mga ilong namin at napaungol ako sa sakit.

"Oi! mamaya na yan, alamin muna natin kung ikaw nga ang mabubunot, JM!" Sigaw ng isa naming barkada.

Akala ba nila naghalikan kami?! Kung alam lang nila na sobrang sakit ng tinamaan kong ilong. Sinamaan ko nalang ng tingin ang nagsalita. Pero tulad ng iba, ngisi lang ang sagot. Hmp! Bakit ba ayaw nila akong seryosohin?

Bumuntong hininga muna ako bago ako bumunot ulit. Napadasal nalang ako ng wala sa oras bago ko tiningnan ang papel. Sana si Gabby. Hindi naman lingid sa mga tao dito na matagal ko ng gusto si Gabby. Siguro magkaka pag asa na ko ngayon lalo na't kaka break lang nya sa girlfriend nya.

Isa pang malalim na hininga bago binuksan ang papel...

The Kissing Game Series 1 - The Animal KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon