The Decision

4.8K 101 2
                                    

Nagising ako sa sobrang sakit ng ulo. Hindi na bago sa akin ang hangover pero pag kasi tinatamaan ako, maghapon na sasakit ang ulo ko at maghapon akong mahihiga lang kahit iinom pa ko ng paracetamol. Kaya ayaw kong napaparami ng inom eh.  At hindi na ko magtataka kung bakit may kamay na nakayakap sa bewang ko at binti na nakadantay sa hita ko. Hindi na rin lingid sa kaalaman ko na hubad ako at ang katabi ko sa ilalim ng comforter.

Dahan dahan kong inaalis ang binti at braso nya pero bago ko magawa yon, humigpit ang pagkakayakap ng taong ito sa katawan ko. Nanigas tuloy ang buong katawan ko dahil ramdam na ramdam ko ang isang bagay na ni sa panaginip ayaw kong maramdaman.

"This isn't the movie, honey. You think you can get away from me." sambit nito habang ang mukha ay nakasubsob sa gilid ng leeg ko.

Nanayo ang mga balahibo ko at kahit hindi ko tingnan ang sarili ko, alam kong pulang pula hindi lang ang mukha ko kung hindi ang buong katawan ko. Napaungol nalang ako ng bigla nyang simulang halikan ang leeg ko at unti unting bumuhos ang mga alaala ko sa mga nangyari kagabi.

Hindi na ko naging interesado sa laro kaya naman sunud sunod ang naging pag inom ko. Alam ko sumosobra na ko sa limit pero pag naiisip ko ang nagyaring halikan, napapainom nalang ako ng wala sa oras. Para bang biglang nanunuyo ang lalamunan ko pero hindi naman napapawi ng alak ito. Ibang uhaw ang nararamdaman ko.

"Hey dahan dahan lang. Maghahalikan pa tayo." bigla tuloy akong nabilaukan sa sinabi ni JM. Hindi ko kasi namalayan na nakadikit na sya sa akin at bumulong pa.

Kahit na gustong umalpas na ng mura sa labi ko, pumikit nalang ako ng mariin at huminga ng malalim.

"Thinking about the kiss?" syet! bakit ba ang sexy na pakinggan ang boses at tawa nya? Siguro epekto lang ito ng alak... at halik nya kanina.

Napapikit ulit ako at napaungol sa mga iniisip ko. Feeling ko nahawa ako sa pagiging manyak ng katabi ko.

"Stop moaning, honey, baka di na ko makapagpigil." lumayo nalang ako ng konti sa kanya dahilan para magkadikit ang mga braso namin ni Gabby. Tiningnan ko sya at binigyan ng nagpapaumanhing ngiti na ikinibit balikat lang nya.

Pagtingin ko kay JM, nagulat nalang ako na titig na titig pala sya sa akin. Hindi ko mawari pero para akong hinihigop ng mga mata nya at nabato balani dahil hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya.

"Guys! Guys!" sabi ni Heidi sabay pitik pa ng mga daliri sa harapan namin. Sabay pa kaming napalingon sa kanya at hindi ko maiwasang mag blush. "Mamaya na yang malalagkit na tinginan. Oh!" sabay abot ng box kay JM.

Siya na pala ang susunod. That means, may possibility na makahalikan ko ulit sya. Saan nga ba nya hinalikan ulit ung teddy bear? Shit bakit di ko maalala?!

"1 minute. Ugh! Bakit isang minuto lang?!" dinig kong reklamo nya kaya napatingin ako sa kanya.

Makikita sa mukha nya na disappointed sya. Bigla na lang syang tumingin sa gawi ko at ngumiti ng nakakaloko. Ineexpect ba nya na ako ulit ang mahahalikan nya.

Napayuko nalang ako para di nya makita ang pamumula ko. Bigla yatang nawala ang kalasingan ko sa kaba.

Di ko maintindihan kung bakit umaasa rin ako na sana ako ang mabunot nya. Is that mean nagugustuhan ko na sya? Dahil lang sa halik na yon? Oo, aaminin ko, masarap syang humalik pero sapat na bang dahilan yon?

Naramdaman ko nalang na hawak hawak nya ang mga balikat ko at dahan dahan nya kong iniharap sa kanya. Inangat ko ang tingin ko sa kanya. Naninibago ako sa klase ng tingin nya. Napakaseryoso nya at parang inaarok kung ano ang iniisip ko.

Unti unti nyang binababa ang ulo nya kaya napapikit ako ng wala sa oras.

Ang inaasahan kong halik sa labi hindi dumating, instead naramdaman ko nalang ang mga maiinit nyang labi sa leeg ko. Napasinghap ako sabay dilat ng mga mata ko dahil hindi ko inaasahan ang halik na yon.

"Hoy! Walang dayaan! Di mo naman hinalikan sa leeg ang teddy bear eh."sigaw ng isa naming kaibigan.

Naitulak ko tuloy ng di oras si JM at nagtatakang tumingin sa nag salita.

Hindi ko na talaga maalala kung saan nya hinalikan ung stuffed toy. Nang bumaling ako ng tingin sa kanya, para syang nahihirapan na ewan ang itsura nya. Pumikit muna sya at minasahe ng mga daliri nya ang kanyang ilong. Hindi ko alam kung ano ang problema nya.

"Ok. I'm lost. Ano bang ibig sabihin ni Steve?" tanong ko kay JM.

"To refresh your memory, dear, dun sa ano ng teddy bear humalik si JM. At hindi lang basta halik, well.. To put it simply, dinidilaan pa nya." paliwanag ni Heidi.

Napatutop ako sa bibig ko at nanlalaki ang mga mata Sabay tingin kay JM at bigla nalang gumuho ang mundo ko ng makitang napaka helpless din ng itsura nya.

"Well, we can make an exemption."pareho naming binalingan ng nagtatakang tingin si Heidi. "Since masyado namang bold yon para sa katulad ni Maria, I mean, don't get me wrong. You're still a virgin and all, you know what I mean?" tango lang ang mga naisasagot ko sa kanya. Sa katunayan nagpapasalamat pa ko sa kanya. "But if you really want to do it, the guest room is waiting for you guys." Napatanga nalang ako sa sinabi nya and as usual, sobrang pula na naman ako.

Narinig kong tumikhim si JM kaya napatingin ako sa kanya. Binigyan lang niya ako ng humihinging tawad na tingin na sinamaan ko lang ng tingin.

"Well..." nagkibit balikat lang sya at umayos ng pagkakaupo. Kung pwede lang makapatay ang talim ng tingin ko baka kanina pa sya nakabulagta sa sahig.

"Alright!" pagkukuha ni Heidi ng atensyon namin. "I'll give you two two choices. First, go to that room right there and do it." sabay turo nya sa guest room. "Or... Instead na sa you know where ka halikan ni JM, sa loob nalang ng hita mo. Your choice." saad ni Heidi sa akin.

Bakit ako ang pipili nito? Di ba dapat si JM dahil sya naman ang gagawa. Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil kinoconsider pa rin niya ang feelings ko.

Napatingin ako kay JM at ang itsura nya sinasabi na nasa akin ang desisyon. Tiningnan ko bawat isa ang mga nandoon. Iba iba ang nababasa ko sa mga mukha nila. Merong yung iba nanunukso ang mga ngiti, merong naaawa, meron ding parang pinapalakas ang loob ko.

Sa halos limang taon na pagkakakilala ko sa kanila parang ngayon pako nagdududa kung bakit sila ang mga naging kaibigan ko.

Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Alam ko na. Alam ko na ang desisyon ko..

The Kissing Game Series 1 - The Animal KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon