"Right!" sigaw ni Heidi ng hablutin nya ang papel na hawak ko. At ako? Ganun pa rin ang reaksyon. Bilog na bilog ang mga mata at kulang nalang sumayad ang panga sa lupa.
"OMG! Si Gabby!" bulalas ni Kara na nakatikim naman ng batok kay Benz. Kung hindi lang sa sitwasyon ko ngayon baka ako pa ang may pinakamalakas na tawa.
Kaharap na kaharap ko kasi si Kara. Hindi ko alam kung epekto lang ng alak kaya nawala ang common sense nya. O talagang may kahinaan lang talaga sya? Most of the time kasi yung katangahan nya lumalabas. Pero infairness naman sa kanya, nakakatuwa ang mga kagagahan nya.
Unti unti kong isinara ang mga labi ko at dahan dahan na tumingin sa kanan ko.
Yes, people! Walang iba kung hindi ang hari ng mga manyak at bastos!
Pagkakita ko palang sa mapanuksong ngiti nya, gustong gusto ko ng umiyak.
Or pwedeng mag mura? Yun bang isang malutong na fak! O syet! O pwede rin ang pota ng ina! Nakakagago lang kase!
"Perfect!" bulalas bigla ni Heidi sabay palakpak pa! At ang ngiti ng lola nyo? Panalo! Note the sarcasm. Kung pwede lang burahin ang mukha nya para mawala ang ngiti nya, ginawa ko na kanina. Pagtingin ko sa paligid, lahat sila nakatingin sa akin na para bang naghihintay ng regalo sa pasko! Huh! As if gagawin ko ang gusto nilang mangyari!
"Go na girl! Kaya mo yan! Aja!" sabay taas pa ng kamao na parang korean si Denise.
Tiningnan ko lang sya ng masama. Alam naman kasi nila na ayaw na ayaw ko kay JM. Pero pag sinasabi ko sa kanila yun ang lagi lang nilang sagot 'the more you hate, the more you love' daw. Pwe! Kung pwede nga lang syang burahin sa mundo para mawala sya sa paningin ko, ginawa ko na, matagal na.
Pero since mga kaibigan ko na ang mga to since first year, tiwala ako sa kanila na di nila ako pababayaan. Na hindi nila ako ipagkakanulo. I was waiting for them to say 'wag nalang' or 'sa cheeks mo nalang i-kiss' o kaya sa next person na at i-exempt nalang ako. Pero since walang nangyari, huminga nalang ako ng malalim at unti unti kong hinarap si JM. Kung alam ko lang na sya ang magiging first kiss ko di sana ninakawan ko na ng halik si Gabby nung may pagkakataon ako para naman hindi ako nanghihinayang ngayon, di ba?
Don't get me wrong, hindi ako flirt o straight forward na tao, pero naman... Syempre gusto ko na sa taong mahal ko ibibigay ang first ko, di ba?
Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ko bago ako umisod papunta kay JM.
"Hoy! Juan Miguel! Magtino ka ha?! Walang gagalaw! Walang hahawak! Freeze ka lang!" Banta ko sa kanya habang duro duro ko sya at nanginginig pa ang daliri ko.
Ang nararamdaman ko ngayon? Nanginginig ang buong katawan ko, di ko alam kung epekto lang ng alak. Nanlalamig ang mga kamay ko na pinagpapawisan, sobrang lakas ng tibok ng puso ko to the point na dinig na dinig ko na sa tenga ko, at feeling ko pulang pula na ang buong mukha at leeg ko sa kahihiyang mararanasan ko.
Tumingin muna ako sa paligid bago bumuntong hininga ulit.
Binalik ko ang tingin ko sa kaharap ko pero laking gulat ko nalang ng makita kong may lungkot sa mga mata nya. Nang marealize nyang nakatingin ako, bigla nalang syang ngumiti ng malapad.
Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang yon pero bakit naman sya malulungkot? O baka disappointed sya dahil ako ang babaeng kahalikan nya at hindi si Rose na nasa kabila nya. Na alam ng buong barkada na gustung gusto nya?
Ay ewan! Bakit ba ko nag aanalyze masyado? Laro lang naman to di ba?
Gusto ko ng mag back out pero bago pako makahuma, bigla nalang akong sinunggaban sa mukha ni JM at siniil ng halik. Sa pagkagulat ko, hindi ko alam kung anong irereact ko. Basta ang alam ko para lang akong tuod na nanlalaki ang mga mata at sobrang kalabog ng puso na nakakabingi na.
Hindi rin sya gumagalaw. Basta nakakulong lang ang mukha ko sa dalawang kamay nya at magkadikit lang ang mga labi namin.
Alam ko nag iingay na ang barkada pero sa hindi malamang dahilan, wala akong naririnig kung hindi ang tibok ng puso ko.
Siguro kung nakatayo lang kami baka kanina pa ko bumagsak sa lupa. O mas tamang natunaw na. Dahil sobrang nanlalambot ang pakiramdam ko. Gusto ko rin hawakan ang mukha nya tulad ng ginagawa nya pero di ko maiangat ang mga kamay ko sa sobrang panlalambot.
"Four minutes to go!" natauhan akong bigla ng marinig ko ang boses ni Heidi. Sa gilid ng mga mata ko nakita kong may hawak syang timer. Timer! So planado ang larong to?
"Close your eyes and hold me... please??" nagulat ako ng sabihin yun ni JM.
Hindi ko alam kung anong kapangyarihan ang sumanib sa akin dahil nalaman ko nalang na sinusunod ko ang sinabi nya.
Unti unti kong pinikit ang mga mata ko at nilagay ang mga kamay ko sa dibdib nya. Hindi na ko magtataka kung bakit muscles ang nahawakan ko at hindi fats. Football player kasi sya ng school namin kaya fit ang pangangatawan nya.
Yun lang ata ang hudyat nya dahil naramdaman kong kumibot kibot ang mga labi nya. And next thing I know, nilalasahan na ng dila nya ang mga labi ko.
Napasinghap ako sa ginawa nya kaya naman dali dali nyang pinasok ang dila nya sa bibig ko. Hindi ko alam na nakakalasing at nakakabaliw pala ang mga halik ni JM. No wonder ang daming nagkakandarapang babae sa kanya.
Dahil na rin siguro sa alak, unti unti akong natatangay at namalayan ko nalang na tinutugon ko ang mga halik nya. Na encourage sya sa ginawa ko kaya naramdaman ko ang isang kamay nya sa batok ko at ang isa sa leeg.
Nanguyapit na rin ako sa batok nya na lalong nagpalalim pa ng halikan namin.
"Time's up!"
Sobrang nalalasing na ko sa mga halik nya at ayoko na tong matapos. Narinig ko ang sigaw ni Heidi at mga sigawan at pagpito ng mga kasama namin. Pero sa sobrang kalasingan at well... kasarapan sa halik wala na akong pakialam sa nangyayari sa paligid ko.
Unti unting bumagal ang paghalik ni JM hanggang sa nagnanakaw nalang sya ng mumunting halik sa mga labi ko.
"Let's stop, honey. We'll continue it later." bulong nya sa akin pero magkadikit pa rin ang mga labi namin.
Nadisappoint ako sa sinabi nya kaya napapikit ako at napaungol. Naramdaman ko nalang syang tumawa ng mahina, tawa na parang sobrang saya, at ginawaran pa ko ng isang malutong na halik sa labi bago humiwalay sa akin.
Ayoko pa sana dahil ayoko pang matapos ang nangyari at hindi ko alam kung kakayanin kong harapin ang buong barkada.
Pumikit ako ng mariin at unti unting humarap. Ngiting ngiti lang sila at mapanukso ang mga tingin. Pero wala ni isa man sa kanila ang nagsalita.
Nagpapasalamat naman ako dahil dun. Isa pang buntung hininga ang ginawa ko bago ko kinuha ang beer ko sa mesa at inisang lagok ang natitirang laman nito. Ewan ko pero bigla nalang akong nauhaw.
Nagtuloy lang ang laro at thankful ako dahil ung katabi ni Gabby ang makakahalikan nya. Kahit crush ko si Gabby, hindi ko alam kung kakayanin ko pa kung makakahalikan ko rin sya.
Halos hindi ko na masundan ang laro dahil sa antok, pagod, at kalasingan ko. Isama pa ung mind blowing kiss namin ni JM na first kiss ko rin.
![](https://img.wattpad.com/cover/13016929-288-k219165.jpg)
BINABASA MO ANG
The Kissing Game Series 1 - The Animal Kiss
PovídkyThe Kissing Game Series 1 The Animal Kiss "Close your eyes and hold me... please??" nagulat ako ng sabihin yun ni JM. Hindi ko alam kung anong kapangyarihan ang sumanib sa akin dahil nalaman ko nalang na sinusunod ko ang sinabi nya. Unti unti kong p...