Hi! Magpapakilala ulit ako. I'm Athena Gabrielle Dela Fuentes. Debut ko today. And I'm hoping na sana maging successful ang preparation namin nila mom and dad. I'm a college student taking up Law. Yes. College of Law ako. Gusto ng daddy ko na maging business woman ako or engineer, pero ayoko nun. Kaya nagLaw ako. So, ayun nga. It's my big day today. And I'm on my room nagsisimulang mag-ayos ng sarili. Di naman ako halatang nakakaangat sa buhay. Di kasi ako mahilig magsuot ng mamahaling damit. Okay na ko sa tshirts, pantalon, shorts. Masaya na ko sa simpleng bagay. Sobrang simple ko lang na tao. Sadyang nadadala lang ng parents ko. Siya nga pala, I have an older brother. He's Clyde Austine Dela Fuentes, 22 years old. Hot and sizzling si kuya. Lapitin ng chix. Hahaha. Back to reality, sinusuot ko na yung gown ko dahil maya maya lang daw ay magsisimula na ang party ko. Nasa hotel kami ngayon to celebrate my debut.
Habang tumatagal, naririnig ko na yung dami ng bisita na dumadating. Friends ko, bestfriends, classmates, mga business partners ng family namin kasama ang mga anak nila. Napupuno na ng ingay ang apat na sulok ng silid kung saan gaganapin ang pagdiriwang. Kaya napagisipan ko ng bumaba.
Binabagtas ng aking mga paa ang makikinang na baitang ng hagdan suot ang kumikinang na sandalyas at isang malobong tangerine na gown. Napako ang atensyon ng mga bisita sakin. Nahihiya ako. Gustuhin ko mang matulog na lang ay nakakahiya naman sa bisita ng aking pamilya. Puro ngiti ang makikita sa kanilang mga mukha. Ngiting nagpapahiwatig na sila'y natutuwa sa akin. Ang sarap sa pakiramdam. Sa dulo ng hagdan ay nakatayo ang aking kuya kasama si daddy. Si mommy daw kasi ay nagaayos sa may stage. Niyakap nila ko at binati.
"Anak, happy 18th. Dad and mom loves you very much baby girl."
"Hey baby, happy debut. Kuya loves you always."
At sinamahan ako papasok sa loob ng silid. Dinala sa stage at pinaupo sa upuan na mistulang trono ng isang reyna.
Nagsimula na ang pagdiriwang ng aking kaarawan. 18 candles, gifts, roses at kung ano-ano pa. Si daddy ang first dance ko at si kuya ang last dance ko.Habang tumatagal ay nakakaramdam na ako ng pagod. Kakaibang pagod ito kumpara sa natural kong nararamdaman. Sa kalagitnaan ng pagdiriwang bigla akong napaupo sa may stage kasabay ng pagkagulat ng mga bisita namin. At bigla akong nawalan ng malay. Huling narinig ko lang ay ang sigaw ng mga bisita naming nag-aalala.
"Athena! Anong nangyari sayo"
"Si Athena hinimatay"
"Mom, dad! Call the ambulance. Athena fainted out"

BINABASA MO ANG
POWER OF LOVE
Storie breviHi! I'm back. Kindly read my story about love. Not just for special someone but also for everybody that surrounds you. Love will heal you no matter what. That's the power of love. -Elyen-