Nagising ako na nasa bahay na ko. Nakita ko si kuya sa gilid ng kama ko nakayuko at mukhang pagod na pagod. Gigisingin ko sana siya kaya lang alam kong pagod siya sa pagbabantay sakin kagabi.
Nanghihina pa ko. Pakiramdam ko anytime babagsak na naman ako. Unti-unti kong naramdaman ang mabagal na pagpatak ng aking luha. Nalulungkot ako. Natatakot ako. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari. Marami pa kong gustong gawin at mapuntahan. Ayokong maging hadlang ang sakit ko sa mga kaligayahan ko. Pinunasan ko ang aking luha at akmang bababa na sa aking kama ng magising si kuya.
"San ka pupunta baby?"
"Sa baba sana kuya. Ayokong maghapon nakakulong sa kwarto e."
"Hindi ka pwedeng mapagod, Athena. Wag kang makulit."
"I know kuya. Pero hindi naman pwedeng nandito lang ako lagi baka yun pa yun maging dahilan ng mas mabilis kong pag-alis e."
"Shut up, Athena! Hindi ka aalis or what. Okay? Mabubuhay ka pa ng matagal."
"Sorry kuya. Di ko naman gusto to e. Nandito na to. Kailangan ko lang labanan. And I know na sa mga laban ko you'll be there always for me. Right?"
"Yes baby." (smile)
"Cheer up kuya! Be strong for me." (wide smile)
Bumaba na ko at nagpahangin sa veranda ng aming bahay. Actually, they call this house as mansion. Hahaha. Ang laki daw kasi. Tas ang daming katulong. Mga drivers and more. But everybody is treated very well. Lahat sila nakatingin sakin na parang may dumi ako sa mukha. Bumabati sila sakin with a smile on their faces tho halata naman na malungkot sila.
"Hi po ma'am."
"Ma'am"
At madami pa. Haha. Natutuwa ako sa kanila pero ayokong tinatawag akong ma'am. Kahit na amo nila sila mommy di ako sanay.
"Manang? Kuya? Wag niyo na po ako tawaging ma'am. Di po ako sanay. And besides family na po ang turing ko sa inyo. Tawagin niyo na lang po akong "Athena" o kaya "Rielle". Para po okay.
Nagdaan ang isang buong araw na walang nangyayari sakin. Buhay pa rin ako tulad ng gusto kong mangyari. Kailangan ko na magpahinga. Bawal daw ako mapuyat sabi ng doctor ko. At pag nagpuyat ako lagot ako kay kuya Clyde for sure. Haha. Naniniwala ako na magiging maayos ang kalagayan ko, na may malaking pag-asa pa para gumaling ako. Osha, goodnight na.

BINABASA MO ANG
POWER OF LOVE
Short StoryHi! I'm back. Kindly read my story about love. Not just for special someone but also for everybody that surrounds you. Love will heal you no matter what. That's the power of love. -Elyen-