CHAPTER IV: LIFE GOES ON

3 0 0
                                    

"Goodmorning kuya Clyde! Goodmorning mommy, daddy, manang, kuya at sa inyong lahat dito sa bahay!" sigaw ko habang bumababa ng hagdan. Unang nakakita sakin ay si kuya Clyde. Siya kasi talaga ang on-hand sakin. Kulang na lang sabay kami maligo. HAHAHAHA.

"Athena?! Anong meron? Diba sabi ko wag kang masyadong maligalig at makakasama yun sayo?!" sermon ng kuya ko na akala mo siya si daddy. Haha.

"Kuya Clyde Austine Dela Fuentes! Okay lang po ako. And feeling ko nga gagaling na ko e. Kaya you don't have to worry. Okay?"

"Haynako, Athena! Ang kulit." sabay gulo sa buhok ko.

Naupo ako sa sofa at hinihintay magbreakfast. Tiningnan ko ang phone ko dahil hanggang ngayon di pa sila tapos magluto. Nagulat ako ng makitang 6:00AM pa lang pala. Ang aga ko palang nagising ngayon. Exercise is the best, sabi ko sa sarili ko. Kaya naglakad-lakad muna ako at nagjogging. At si kuya Clyde? Ayun, nakasunod sa likod ko. Kinakabahan daw kasi siya. Hahaha. After one hour bumalik na ko samin. Kakain na kasi sabi ni kuya and besides naaamoy ko yung breakfast namin. Haha. After ko kumain nagprepare na ko for school. Ayokong maghome-study. Ang boring nun. Mas gusto ko pa rin sa university. Puro reminders ang naririnig ko dito sa bahay. Reminders nila mommy, daddy, kuya, at maging sila manang meron din. Haha. Mahal na mahal talaga nila ko.

After ko mag-ayos nagpaalam na ko kila mommy na papasok na ko. Nasa kalagitnaan kami ng byahe ng mapansin kong may nakasunod na black lambo sa likod namin. And hindi siya nagoovertake. Kinutuban ako na baka hanggang school bantayan ako ni kuya Clyde. And, hindi nga ako nagkamali.

"Ma'am, ako na po nagbubukas ng pinto niyo."

"Nako kuya, ako na po. Kaya ko naman po."

"Baka po magalit sakin si Sir Austine e."

"Ako bahala sayo kuya. Tiwala lang."

At bumaba na ko. Si kuya talaga parang praning e. Pati pagbukas ng pinto ng kotse kailangan pang gawin ni kuyang driver. Kaloka. Naglakad ako papuntang classroom. Nagtataka ako kasi lahat ng babae sa hallway kinikilig. Paglingon ko nakita ko si kuya. Jusmiyo naman.

"Kuya? What are you doing here?"

"Babantayan kita. Baka kasi hindi ka makinig sa doctor mo at kung ano ang gawin mo."

"Kuya Austine, I can handle myself naman e."

"Okay baby. But, let kuya to look after you. Pero di ako mags'stay sa room mo. I'll talk to your prof and the whole class lang."

"Talk? For what?"

"Basta baby."

"Okay kuya."

Ayun nga. Kinausap ni kuya yung mga tao sa room and even sa mismong university. He mention about my condition. Pinaintindi niya ang pwede at hindi ko pwedeng gawin. Maybe you're wondering on how kuya Austine do that. Isa lang naman siya sa alumni at business partner/endorser/model ng university namin. He's an architect/engineer and businessman at the same time. Sikat din siyang artist. Kaya ganun na lang kataas ang respect nila towards my brother. Di na ko nagtataka dun. Hehe. He's an achiever. Parehas kami. After almost one hour of talk with the students and profs even the dean in our university, umalis na si kuya. Akala ko mags'stay siya dito.

Close ko lahat sa university. Fame ang tingin nila sa family namin. Fame and power. Ganun. But, hindi ko naman ginusto maging sikat. Okay na ko na kilala nila ko the way I am.

Time passes by, naging okay naman ang pagbalik ko sa klase. Everything's fine. Lahat sila may care sakin. Even yung mga hindi ko classmate or profs. Maririnig mo sa paligid ang pag-aalala nila.

"Ms. Dela Fuentes, get well soon. Our whole class is praying for your fast recovery."

"Athena, be well and healthy always."

Puro ganyan ang maririnig mo sa dadaanan ko. I'm so glad na hindi nila inisip na nagpapanggap akong may sakit. I'm glad na nakikiisa sila sa paggaling ko.

After class, nasa labas na si kuya. Wait. Kuya Austine? Siya ang sumundo sakin. Hay si kuya talaga.

"Kuya? Ba't ikaw sumundo sakin?"

"Sinabihan ko yung driver mo na ako ang susundo sayo. Just to make sure that our only princess is doing well."

"I'm doing very well kuya. No need to worry."

"Okay baby. Sumakay ka na. Kuya's treat today. Shopping? Moviedate? Foodtrip? Anything you want princess."

"All of the above kuya."

"C'mon now sweetie."

Pagdating sa mall kuya gave me everything I want. Spoiled? Yes. Lalo na kay kuya. But, pagdating kila mommy, hindi. Hahaha. Baka daw lumaki ulo ko. I got my new phone again, new shoes, dresses, shorts, shirts, and more. We ate at Seattle's Best. I'm full. Haha. After that, umuwi na kami. Nagpahinga at natulog.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 17, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

POWER OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon