Nandito na sila sa labas ng HQ ng S.U.
"Sigurado ka bang dito ako magpapaenroll?" sabi ni Ella.
"Oo, dito lang kami mag-aantay" sabi ni Althea.
"Anong dyan? Halika samahan mo ako" sabi ni Ella. Napakamot sa ulo si Althea.
"Baekla, dyan ka lang ah" sabi ni Althea at pumasok kaagad sila sa HQ. Tumingin ang lahat sa kanila dahil sa lakas ng pagpasok nila.
"Wala ba kayong mga kamay? Pwede naman kayong kumatok ah" sabi ni Mark na seryoso ang mukha.
"Ang sungit! Sipain kita dyan eh" bulong na sabi ni Althea.
"Anong sinabi mo?" sabi ni Mark.
"Wala!" sabi ni Althea.
"Ano bang ginagawa niyo dito?" sabi ni Franco.
"Gusto niyang mag-aral dito. Pwede ba siya?" sabi ni Althea.
"Pasok na siya. Umalis na kayo" sabi ni Mark.
"Tsk!" sabi ni Althea at hinablot ni Ella ang braso ni Althea para maka labas na at para wala ng gulo.
"Ganyan ba talaga kayo?" sabi ni Ella.
"Siya palagi ang mang-aasar" sabi ni Althea.
"Tapos na kayo?" Tanong ni Joaquin.
"Althea, sino ba siya?" sabi ni Ella.
"Joaquin siya si Ella kaibigan ko, Ella siya si Joaquin kaibigan ko rin ngayong magkakilala na kayo wala ng tanong ah" sabi ni Althea. Hindi makapagsalita ang dalawa at tinignan ni Ella ang necklace na suot niya.
"Hoy! May kausap pa ba ako?" sabi ni Althea pero hindi parin nagkibuan ang dalawa at nagtinginan lang ito sa isa't-isa.
Tinignan ni Althea sila isa-isa dahil hindi talaga ito kumikibo.
"Hindi naman siguro pinahinto ni god ang mundo diba? Bakit ayaw niyong kumilos at magsalita?" sabi ni Althea pero ayaw pa rin.
Hinampas ni Althea sila isa-isa.
"ARAY!" sabi nung dalawa.
"Oh diba nagsalita na kayo?" sabi ni Althea.
"A-ano nga ulit pangalan mo?" sabi ni Joaquin.
"E..ella...Ella Salazar" sabi ni Ella habang natulala.
"Did you remember me?" sabi ni Joaquin.
"Are you Joaquin Scott?" sabi ni Ella.
"Ella!" sabi ni Joaquin at yinakap si Ella ng mahigpit.
"Um..m...magkakilala ba kayo?" sabi ni Althea.
"Kababata ko 'to eh! Siya palagi kong kinukwento sayo" nakangiting sabi ni Joaquin.